Epilogue (SPG)

213K 4.8K 262
                                    

MUMUNTING tinig mula sa tabi niya ang siyang nagpagising sa natutulog niyang kamalayan. Tinignan niya ang oras sa side table, it's two in the morning already.

"Hush baby, magigising si mommy." Malambing na boses iyon ng asawa niya habang marahan na tinatapik ang baby nilang umiiyak.

Isang linggo lang ang pinalipas nila bago sila ikinasal ni Ether mula ng gabing mag-propose ito sa kanya. Hindi niya akalain na bago pa nito gawin ang bagay na iyon ay inaayos na rin pala nito ang kasal nila. Confident enough that she will say Yes at his proposal.

"Love, nagising ka tuloy." Hinalikan siya ni Ether sa labi ng mapansin na nagising siya. "Matulog ka ulit. Ako na ang bahala kay baby."

"He's hungry. Akin na muna." Maingat na dinala ng asawa sa bisig niya ang anak nila. Ito na rin ang nagbaba ng strap ng suot niyang dress upang mapa-breastfeed ang anak. One month old pa lang ang baby nila. Hindi pa siya gano'n kalakas para kumilos kaya ang asawa talaga ang kumikilos para sa kanya lalo sa pag-aalaga sa anak nila. "Hindi ka pa ba natulog?"

"I could stay awake until morning, love. Don't mind me. Ikaw ang matulog, you need that. Ayokong napupuyat ka."

"Sanay naman akong mapuyat, eh." Nakasanayan niya ang pagpupuyat dahil sa mga tapings and movie shoot niya noon. "Dito ka na sa tabi ko, love." Tinapik niya ang espasyo sa gilid niya.

"I'll wait for you and baby to sleep, then I'll sleep."

"Love," She was using her warning tone. Ether groaned. Lihim siyang napangiti ng tumabi ito ng higa sa kanya. Ang isang kamay nito ay nakayapos sa tiyan niya.

Marahan na hinaplos niya ng daliri ang anak na lalaki na kasalukuyang nagbebreastfeed sa kanya. His name is Bentley, if her memory serves her right, ang Bentley ay pangalan ng sasakyan. Her husband was the one who gave that name to their son. Hindi na naman bago sa kanya iyon. Ang pangalan niya ay galing din sa sasakyan at ang mga pinsan niya at ibang kaibigan ay gano'n din. Kaya nakatitiyak siyang magugustuhan ng anak ang pangalan na ibinigay nila.

"Gisingin mo ako kapag gusto mo ng matulog, okey?" Inaantok na sabi ni Ether.

Gamit ang isang kamay ay hinaplos niya ang buhok nito. His eyes were already closed. Ilang gabi na itong wala masyadong tulog dahil tuwing madaling araw gising si Bentley at ito ang nagbabantay. Makabubuting bigyan niya naman ito ng kahit ilang oras na tulog ngayong gabi.

"Yes love. Sleep well."

"I will. I love you." And Ether kissed her shoulder.

"I love you too." Kahit yata minuminuto nilang sabihin ang mga katagang iyon sa isa't-isa ay hindi sila mauumay.

Siguro ganito talaga kapag totoo 'yung pagmamahal niyo sa isa't-isa. Walang saysay 'yung salitang 'nagsasawa' dahil pareho niyong gusto ang naririnig at ang ginagawa.

PAANGAT pa lang ang araw ng dalhin niya ang anak sa likod ng bahay nila ni Ether, sa swimming pool area upang pareho silang masikatan ng sikat ng araw. Maya-maya lang ay nakasunod na sa kanya ang asawa, may dala itong isang tray na pagkain.

"Love, mag breakfast ka muna."

"Ang tagal ng sikat ng araw." Reklamo niya na ikinatawa nito.

"Come here. Kami na lang ni Bentley ang maghihintay sa sikat ng araw."

Ibinigay niya dito ang anak. Naupo siya at nag-umpisa ng kumain ng almusal. Pinagmamasdan lang siya ng asawa habang kumakain.

"Why?" Nakausli ang labi na tanong niya. "Why are you staring at me like that, my husband?"

Ether groaned. Tila nahirapan ito bigla. "You don't know how it turns me on every time you say that last words."

"Asawa naman talaga kita." Masaya niyang ipinakita dito ang kamay kung nasaan nakasuot ang wedding ring nila.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon