9 ~ Baby X

158K 4.4K 134
                                    

Official Facebook Page and Group:

Miss GMJ Stories

Like and Join for more updates regarding my stories. I will also post an announcement about Lane's Brothers Stories, Book 1, 2 & 3 in our page. Thank you po.

PASIMPLE niyang pinunasan ang luha sa pisngi bago pilit na ngumiti kay Akiko na tila ba ngayon lang napansin ang presensya niya.

"Miss Saleen, nandito ka po pala."

Tumango lang siya. "Actually paalis na ako." Naglakad siya palapit sa mga ito. Palagay niya ay natutulog na ang bata sa bisig ni Akiko, si Ether naman ay nakatingin lang sa kanya. "E-excuse me."

"Saleen!" Tawag ni Ether ng makalabas siya sa pintuan ng silid. Napahinto siya saglit ngunit mas nangibabaw pa din ang kagustuhan niyang umalis sa kwarto na iyon.

Nagmamadali siyang bumalik sa hotel room niya at mabilis din na isinara ang pinto ng mapansin na nakasunod pala sa kanya si Von Ether. She lean on the door and close her eyes tightly to calm herself.

"Saleen, open the damn door." Boses iyon ng dating kasintahan mula sa labas. "Alam ko 'yang iniisip mo. Hayaan mo muna akong magpaliwanag."

"H-hindi ko naman sinabing magpaliwanag ka Von Ether."

"Hindi mo naiintindihan."

"Ayoko din namang maintindihan baka lalo lang akong masaktan. Mabuti pa umalis ka na. Hiwalay na tayo di ba? So why bother about my feelings?"

"Saleen—"

"Leave Ether." May pinal at diin sa boses niya.

Makalipas ang ilang minuto ay wala na siyang narinig mula sa lalaki, tanda na umalis na ito. Malungkot siyang ngumiti.

Kung may anak na si Ether, may magagawa pa ba siya? Kung ayaw na sa kanya nito, ano pa bang magagawa niya? She needs to move on, easy to say yet hard to do.

"I need to move on. I need to move forward. I need to forget him so I would also forget the pain." Bulong niya sa sarili. "Ang dali-daling sabihin na gusto ko na siyang kalimutan pero ang hirap hirap gawin. Ito ba talaga ang love? Ganito ba talaga kasakit magmahal?" Mapakla siyang natawa at umiling-iling. "I need to accept the fact that Von Ether wasn't mine anymore. He belongs to someone else and that someone isn't me." Huminga siya ng malalim. Kinapa niya ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya, normal na ang tibok niyon pero hindi normal ang nararamdaman niyon. She's in pain. She is broken.

PASADO alas siete na ng umaga ng makarating sila sa location ng movie shoot nila. It took almost one hour before they reach the location.

Pumasok siya sa loob ng tent niya na tanging siyang lang ang gagamit, that's how they treat a famous—Saleen Stewart, very important person. Ang ibang artistang makakasama niya ay nasa kabilang tent naman, sama-sama 'yung iba sa isang tent. She always wanted her privacy when she is doing movie, ayaw niya ng distorbo lalo na kapag nagkakabisa siya ng script.

"Good morning Miss Saleen," Bati sa kanya ng isa sa production staff. May hawak itong folder na sa palagay niya ay script.

"Hi, good morning."

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon