7 ~ Room 903

136K 4.9K 111
                                    

A/N: Kapag naka 1k votes itong chapter na 'to, mag-update ako agad-agad. Game! :)

"MAY BAGONG movie si Saleen?" Takang tanong sa kanya ni Akiko. Tutok na tutok ito sa cellphone nito habang siya ay busy sa laptop niya. Naka-check-in sila sa Hotel pero magkaibang silid. Ilang kilometro ang layo niyon sa baryo nila Akiko. "Si Niccolai Morales ang leading man niya. Bagay sila—" Napahinto ito sa pagsasalita ng halos patayin niya na ito sa tingin. "H-hindi pala sila bagay mas bagay kayo ni Saleen." Pero hindi napawi ang galit sa dibdib niya ng salitang iyon.

"Give me your fucking cellphone!"

Niyakap nito ang cellphone na para bang aagawin niya iyon. "Ayoko. Wala akong pambili ng bago."

"Give it to me." Inilahad niya ang isang kamay. "Hindi ko itatapon."

Nag-aalinlangan na ibinigay nito ang cellphone sa kanya. Mabilis na binasa niya ang nasa screen.

Saleen Stewart and Niccolai Morales in their press conference yesterday for their upcoming movie.

Pictures iyon ng dalawa. Litrato lang iyon pero pinapatay niya na sa isip niya ang lalaking leading man ni Saleen. Hindi naman masyadong magkadikit ang mga ito pero ayaw niya pa din ang nakikita niya.

Ano ang naging reaksyon niyo ng mabasa niyo ang script? The host asked.

I found it challenging especially when I read the love scene. The actor said.

Agad na nagpuyos sa selos at galit ang puso niya ng mabasa na may love scene sa movie na gagawin ni Saleen.

"Boss? Baka masira 'yang cellphone ko sa tindi ng pagkakahawak mo." Sinulyapan niya lang si Akiko. "Akin na 'yan."

"Make me coffee first." Kumunot lang ang noo nito. "Bago ko 'to ibalik sa iyo." Ipinakita niya pa ang cellphone nito na naka turn off na.

"Okey boss."

Nang umalis sa harap niya si Akiko ay mabilis ang naging kilos niya. Ikinabit niya ang USB chord sa laptop niya and connect it to Akiko's cellphone. May apps sa laptop niya na mababasa niya ang lahat ng text messages and phone calls na natatanggap ng babae once na na-i-connect niya ang apps na 'yon sa cellphone nito. Kasama na din ang mga pribadong mensahe na natatanggap nito gamit ang mga application sa internet. In short, wala na itong maitatago sa kanya.

93%... 94%... 95%... 96%...

"Fuck!" He cursed as he heard Akiko's footsteps going closer.

... 97%... 98%...

"Faster you asshole!" Titig na titig siya sa screen ng laptop niya habang tumitipa-tipa ang daliri niya sa ibabaw ng lamesa na tila ba naiinip na sa paghihintay matapos ang ginagawa niya.

... 99%... 100%...

Completed.

Mabilis na na-disconnect niya cellphone sa laptop niya bago pa makita ng babae.

"Boss, coffee."

Tinignan niya ang tasa ng kape na dala nito na inilapag sa lamesa katabi ng laptop niya. Tumango lang siya at inabot na dito ang cellphone nito na para bang wala siyang ginawa doon.

"I'll call you if I need something."

"Katulong lang ang peg ko?"

"Bumalik ka na sa kwarto mo." Malamig na utos niya at nakatuon lang ang atensyon sa laptop niya.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon