2 ~ Words

186K 5.3K 195
                                    

DAHAN-DAHAN niyang ibinuga ang usok ng sigarilyo sa labas ng bintana ng sasakyan habang nakamasid sa babaeng kalalabas lang mula sa isang maliit na apartment.

"Akiko Moran?" McLaren ask while staring at the woman.

"Yea."

"Pretty." Itinirik niya ang mata sa papuri ng kasama niya at inayos ang bonet na suot upang hindi makita ang buong mukha niya. "But, not my type."

"Whatever, man." He starts the engine.

"Kuya Mazda, can you tell me Akiko's background?" Kausap nito sa kapatid sa pamamagitan ng listening device at speaker na nakakabit sa kanila.

"Shut the fuck up McLaren." A baritone voice speak. "And focus."

Naiiling na pinaandar niya ang sasakyan palapit sa babae. Mukhang mainit na naman ang ulo ni Mazda at ang kawawang bunsong kapatid nito ang napagbuntungan.

"Ready?" Sinulyapan niya si McLaren sa passenger seat na nakasimangot.

"Whatever."

"Come on! Get here!" That was Mazda. "Now!"

Tila naalarma si Akiko ng makita ang sasakyan nila at akmang tatakbo ito palayo sa kanila ng mabilis na nahaklit ito ni McLaren sa bewang at binuhat na parang isang sakong bigas sabay inilapag sa backseat.

"Sino kayo?! Anong gagawin niyo sa akin?!" Napangiwi siya sa lakas ng boses ng babae na umi-echo sa loob ng sasakyan ngunit nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. "You!!!" Dinuro nito si McLaren na katabi nito sa backseat at pinagpapalo sa dibdib.

"Shut up woman!" McLaren shout making him frown. "Bubusalan ko iyang bibig mo at pipiringan kita kapag hindi ka tumahimik diyan."

"Gago ka pa lang gwapo ka, e! Paano—"

"Oh well thank you for the compliment." McLaren smirked. "Pero sana hindi mo na sinabi, alam ko namang gwapo ako."

"Gago!"

"Pwede ba? Tumahimik kayong dalawa?" Naiinis na sabi niya.

"Isa ka pa! Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa akin?"

"Shut up!"

"Letse kayo! Ibababa niyo ako dito! Help! Help!" Sumigaw sigaw pa si Akiko na nagpadagdag sa inis na nararamdaman niya.

"Bwisit!" McLaren murmured. Nakita niyang may kinuha ito sa bulsa ng jeans nito. Nagkatinginan muna sila sa rearview mirror bago nagtanguan sa isa't-isa.

"Mga walanghiya ka—ummmm!" Naputol ang anomang sasabihin ni Akiko ng takpan ni McLaren ang ilong nito ng panyong may pangpatulog.

"Much better now." Pareho silang nakahinga ng maluwag ng tumahimik ang paligid nila.

"Why women are always shouting? Hindi ba napuputol ang litid nila?"

"I don't know, maybe that's their nature." He shrugged his shoulder. "Normal na sa kanila ang sumigaw at tumili."

"Are you saying that your sister, Lexy, isn't normal? Hindi naman kasi siya sumisigaw and hell, hindi ko pa siya narinig tumili like normal girls. 'Yung tipong kinikilig."

"Because Lexy is different, that's why."

"Hindi nga siya normal."

"At anong akala mo sa kapatid ko, abnormal?" Sinamaan niya ito ng tingin mula sa rearview mirror but McLaren doesn't mind him.

"Yes abnormal siya!"

"Gago ka talaga!"

"Yes gwapo nga ako, thank you." Napailing-iling lang siya at nag focus sa pagmamaneho patungo kung saan nila dadalhin si Akiko.






RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon