28 ~ Chopper

122K 3.6K 121
                                    

MATALIM ang mga mata ng tignan niya ang dalawang armadong lalaki na pumipigil sa kanya upang hindi makapasok sa gate ng mansion nila Saleen.

"Get off me!" Pumiksi siya.

"Pasensya na ho talaga sir pero mahigpit po na ipinagbawal ni Boss Matthew ang presensya niyo sa pamamahay niya." Ani ng isang guard.

"Gusto ko lang makausap at makita si Saleen." He's really desperate in seeing and talking to her. Umiling lang ang dalawa at walang sabi-sabing itinaboy siya palayo ng gate at ng akmang papalag siya ay mabilis siyang natutukan ng baril ng dalawa. "What the fuck?!"

"Trabaho lang sir. Mabuti pang umalis ka na lang."

"No, I'd rather be here and wait for her than being alone in my house thinking of how and when can I see her, again." Walang takot na naupo siya sa gutter ng kalsada kahit pa nakatutok ang dalawang baril sa kanya na alam niyang anumang oras ay ipuputok sa kanya.

"Sir—"

"Alam kong hindi niyo ako naiintindihan." Kinuha niya ang maliit na bato sa tapat niya at ibinato iyon sa kalsada. "Alam ko naman na mali ako at alam ko din naman na kasalanan ko ang lahat kung bakit kami nagkaganito pero hindi ko na ba pwedeng itama lahat ng pagkakamali ko? Huli na ba talaga ang lahat?"

Nanatiling tahimik ang dalawang lalaki. Kilala niya ang mga ito, lahat ng mga gwardiya sa mansion ng pamilya Stewart ay kilala niya pati na din ang mga kasambahay.

"Nagmahal na ba kayo?" Maya-maya ay tanong niya. Tinignan niya ang dalawa ng hindi na naman magsalita. "Ano?" Bilang sagot, ay tumango ang mga ito. "Nasaktan na ba kayo?" Tango lang din ang isinagot sa kanya. "See? Pare-pareho lang tayong nasasaktan dito once na maling desisyon ang nagawa natin. Huwag niyong sabihin na hindi niyo pa din naiintindihan ang kalagayan ko ngayon kung bakit nandito ako."

"Naiintindihan namin, sir."

"Then, bakit ayaw niyo akong papasukin?"

"Dahil mahal namin ang trabaho namin, sir." Sabay na nagbaba ng baril ang dalawa. "Kung kadamutan man na matatawag ang hindi namin pagpapasok sa iyo sa mansion, siguro nga madamot kami. Mahal lang talaga namin ang trabaho namin—"

"Like how I love my job." He smile bitterly. "Na di bale ng may masaktan ako basta nasa akin lang ang trabaho ko... Na kahit na pagdamutan ko siya sa lahat ng impormasyon sa trabaho ko—gagawin ko kasi... Mahal ko din ang trabaho ko."

"Oo sir, mahal namin ang trabaho namin at ayaw namin masira ang tiwala ng boss namin sa amin."

"Like how I don't like my bosses to be disappointed on me." Muli ay kinuha niya ang maliit na bato at ibinato iyon sa kalsada.

"Sana naiitindihan niyo kami."

"Naiintindihan ko... Kayo." Nag-angat siya ng tingin sa dalawa. "Pero sana hayaan niyo na lang muna ako dito maghintay."

"Sana ho bago mag alas siete ng gabi ay wala na kayo diyan dahil iyon ang oras ng dating ni Boss Matthew." Tumango lang siya bago nagsalita.

"Pwede bang humingi ng pabor?"

"Bahala na sir."

"Pakibigay naman ito kay Saleen." Kinuha niya ang papel na nakatupi sa bulsa ng faded pants niya at inabot sa dalawa ngunit hindi iyon tinanggap ng mga ito. "Noon akala ko, boto kayo sa akin para sa senorita Saleen niyo pero bakit parang ayaw niyo na?"

"Sir—"

"Gusto niyo bang akyatin ko ang bakod para lang maibigay ko ng personal ito kay Saleen?" Tukoy niya sa hawak na papel at tumingin sa pader na bakod na may kataasan pero kahit pa gaano kataas iyon ay wala siyang hindi kayang gawin para lang sa babaeng mahal niya. "At kapag nalaman ni T-tito M-Matthew na nakapasok ako sa mansion niya, alam niyo naman na kayo ang sisisihin at mawawala sa inyo ang pinakamamahal niyong trabaho—"

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon