37 ~ Premiere

158K 4K 160
                                    

"I forgot the Premiere night of our movie. I'm sorry about that." Kausap niya sa cellphone si Niccolai. Ang kanyang leading man sa movie nilang Dark Secret.

Buong araw siyang nasa mansion nila. Ang pagbisita ni Ether sa kanya nitong mga nakalipas na araw ay naging matumal. Ang sabi ng binata ay may inaasikaso lang ito, hindi na naman siya nagtanong pa dahil malamang ay patungkol iyon sa trabaho nito sa organisasyon.

"Hindi ko na lang sasabihin sa kanila na nakalimutan mo," He teased. "Anyway, who will you bring later night for the Premiere?"

Nag-isip siya saglit. "Hmm, my parents, si Aeon and his wife and... Von Ether." Hindi lang siya sigurado kung makakasama si Ether dahil nga bigla itong naging busy. Sana naman sumama at sabay nilang mapanood ang movie na pinaghirapan niya at ng ibang artista pati na rin ang buong production staffs. "How about you? Sino ang isasama mo?"

"Actually, wala." He chortled.

"Bakit naman?"

"My family is in Tate. My manager will be there and I am not sure kung makakapunta ang mga kaibigan kong inimbitahan ko."

"Don't worry, I'm sure they will come to support you and our movie."

"I hope so. See you tonight, Saleen."

"Okey, see yah." And the line was cut off.

Bumuntong hininga siya at itinuon ang tingin sa hardin sa harap niya. Mga iba't-ibang kulay ng bulaklak at iba't-ibang uri ng halaman ang naroon na nagpapapresko sa paligid. Panay din ang tingin niya sa cellphone niya kung may message ba si Ether pero nabibigo lamang siya dahil walang mensahe mula sa binata.

"Haaayyy..."

"Oh, ang lalim niyan ha." Inirapan niya si Aeon na bagong dating. "Okey na kayo ni Ether di ba?"

"Umm, yes."

"You look bothered." Tipid lang siyang ngumiti. Halata pala na nababahala siya sa kung ano?

"Kung kailan naging okey na ulit kami saka naman siya naging busy."

"Ano ba daw ba ang pinagkakabusy-han niya?"

"I didn't ask him. Maybe about VEM Network or in RACE Inc.?"

"Okey naman sa RACE ngayon, e. Siguro sa VEM Network nga."

"Bahala siya! Pero sana magpunta siya sa Premiere night ng movie namin."

"Ngayong gabi 'yan, di ba?"

"Yes. Magpunta kayo ni Xarra ha?"

Inakbayan siya ni Aeon. "Of course! My wife is your fan kaya hindi pwedeng hindi."

She let out a soft laugh. "Talaga?"

"Yes she is. Sa kanya ko nga nalaman na mamayang gabi ang Premier ng movie niyo."

Wala sa sariling tinignan niya ang mga daliri sa kamay na nasa lap niya. Walang singsing doon. Kailan kaya iyon malalagyan? Siguradong kapag naikasal na siya kay Ether ay lilisanin niya na ang mundo ng showbiz.

"Dark Secret will be my last movie." She said while playing with her fingers.

"Oh,"

"Sapat na sa akin ang ilang taon ko sa showbiz. Alam ko naman na hindi pang habang buhay ang pagiging artista ko pero masaya ako na nakamit ko ang pangarap kong trabaho simula ng bata pa lang ako. Kaya masaya akong iiwan ang buhay artista."

Ayaw niya ng hintayin pa na hindi ba magningning ang bituin niya. Alam naman ng lahat na may nalalaos at bagong sisibol na mga artista. Isa pa, nakakaramdam na siya na hindi na pag-aartista ang priority niya kundi ang bumuo na ng pamilya at lumagay sa tahimik.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon