18 ~ Love & Happiness

132K 3.7K 185
                                    

"SA BACKDOOR tayo dadaan. Masyado ng maraming tao sa loob, ayokong makaamoy ka ng usok ng sigarilyo." Hinawakan ni Ether ang kamay niya ng malakalabas siya sa sasakyan nito. "Wear this."

Napapantastikuhan na tinignan niya ito ng i-abot sa kanya ang face mask na kulay pink.

"Kailangan ba talaga?"

"Yes, for you and for baby." Ito na mismo ang nagsuot sa kanya ng face mask. "Mas maganda ng wala kang maamoy na kahit na anong usok na makakaapekto sa baby natin."

Hinayaan niya na lang si Von Ether sa gusto nito tutal naman para din naman sa kanya iyon at sa anghel sa tiyan niya.

Kaagad na sinalubong sila ng malakas na tugtog at sumasayaw na iba't-ibang kulay ng ilaw sa buong paligid ng makapasok sila sa loob ng Red Scorpion Club. Hawak ang kamay niya ay iginaya siya ni Ether sa second floor kung nasaan ang VIP room nito.

Nasa tapat na sila ng pinto ng mapahinto siya at bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa kanila ng binata sa loob mismo ng silid na iyon. Kung saan, natapos ng gano'n lang ang pinaka-iingatan niyang relasyon nila.

"What's wrong?" Takang tanong ni Ether ng buksan nito ang pinto ngunit hindi siya pumasok.

"M-may naalala lang ako."

Panandalian itong nanahimik hanggang sa tila naging pareho na sila ng iniisip.

"Let's just forget that, love."

"I can still remember the day you ended our relationship... In this room."

"Come on," Nagsusumamo ang boses at mata ni Ether. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "Akala ko nakalimutan mo na 'yon."

"How can I forget that?" Inis na tanong niya. "How can I forget those tears and heartache you've given me?"

Imbes na sumagot ito ay niyakap na lang siya bigla. Walang namutawing salita sa bawat isa, basta na lang kusang yumakap ang dalawang kamay niya dito. Humuhupa na ang kung ano man ang nararamdaman niya kanina lang. Yakap lang ni Ether ang katapat niya minsan.

"Pwede bang sa loob na lang kayo magyakapan? Ang sakit niyo sa mata."

Umirap siya sa hangin at umalis sa yakap ni Ether ng marinig ang boses ni McLaren sa likod nila.

"Bakit ba ang bitter mo? Gwapo ka naman pero bakit wala kang maayos na lovelife?"

"Thank you for the compliment ate S. Alam ko naman na sobrang gwapo ko." Sobrang hangin talaga ng pinsan niya! "And oh, I have a lots of love from my women and, I have my own life that I enjoy to the fullest. That is lovelife for me."

"You were just wasting your time to those women you were talking about, cous'. Why don't you pick one girl and be with her... Forever."

"Forever?" McLaren huffed. "All right, I do believe in Forever since my parents prove me that and your parents too, and of course Ether's parents but..."

"But what?"

"But, I didn't find yet My Forever, that is why I am still enjoying my life with different women. Who knows, isa pala sa kanila ang Forever ko." McLaren winked at them. "And why the hell you are asking me like that? This is so gross!" Umasta pa itong kinilabutan sa pinagsasabi nito kanina. "Anyway, I have to go," McLaren eyed Ether. "See you later man." McLaren salute and walk away.

"Pumasok na tayo love,"

"O-okey."

Napipilitan na pumasok siya sa VIP room. Pilit na iwinawaglit niya na lang sa balintanaw niya ang nangyari sa loob ng silid na iyon. Those scenario were just a part of her past, she needs to get over it.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon