10 ~ Hope (SPG)

202K 4.3K 214
                                    

Q: Gagawan mo din po ba ng kwento ang Lane's Brothers? (Corvette, Mazda and McLaren)
A: Yes.
Q: Kailan po?
A: I want to start the LB's Stories Book  1 after I write Race 4, BUT, I also want to finish first the ESO: Challenges before I focus on writing LB's Stories. I am still thinking about 'when' to write their stories.

So yea, I hope nasagot ko na 'yung madalas na tanong sa'kin. Thanks po 😘



MAHABA na ang nguso niya sa kakahintay makatulog si baby X. Panay lang ang ngiti nito sa kanya at walang bakas na matutulog na ito. Nakahiga ito sa kama niya, ang crib nito ay kinukuha ni Ether sa kabilang kwarto.

"Nasaan ba kasi ang mommy mo?" Tanong niya as if naman na sasagutin siya. "May love quarel ba ang mommy at daddy mo kaya dito ka sa amin dinala? Ayos din ang dalawang 'yon, ano? Mabuti na lang at ang cute cute mo." Pinigilan niyang huwag panggigilan ang pisngi ni baby X na nakatitig sa kanya. "Nagagandahan ka sa akin? Hmn, dapat lang baby X kasi maganda talaga ang tita Saleen mo."

"Paano makakatulog 'yan kung dinadaldal mo?" Inirapan niya lang si Ether. Dumapa ito sa kama, sa gilid ng baby.

"Nasaan na 'yung crib niya?"

"There." Inginuso nito ang labas ng pinto, nasa mini sala. "Mamaya ko na ipapasok dito kapag matutulog na tayo."

"Tayo?"

"Yes tayo. Hindi ko naman hahayaan na ikaw lang ang magbabantay kay baby X."

"Nasaan ba kasi ang mommy at daddy niya?"

Hinaplos ni Ether ang pisngi ng bata. "Malay ko sa dalawang 'yon. I'm sure nag-away na naman."

"May anak na sila lahat-lahat, hindi pa din mahinto ang giyera sa pagitan nila?"

"Because that's part of love." Tumingin lang siya kay Ether. At bakit nga ba pumayag siyang tulungan itong magbantay? Oo nga pala, she can't say no to babies. "Kung walang away at walang sakitan, wala din pagmamahalan."

"I don't believe in that."

"Why not?"

"Kasi kung talagang mahal mo, hindi mo aawayin at hindi mo sasaktan." Seryosong sabi niya at ginaya si Ether na dumapa din sa gilid ni baby X. Pinaggigitnaan nila ito.

"Kaya nga walang bagay na perpekto sa mundong ito, Saleen. Kasi, kahit ayaw mong may masaktan, mangyayari at mangyayari pa rin ang mga bagay na ayaw mo."

"Katulad ng pakikipaghiwalay mo sa'kin?" Halos pabulong na tanong niya. Again, Ether being Ether didn't answer. "Bakit kailangan mo pang tapusin ang relasyon natin? Bakit kailangan magkasama tayo ngayon? Gusto mo ba na ganito lang tayo?"

"Saleen—"

"Naguguluhan na kasi ako Von Ether. Hindi ba dapat hindi tayo magkasama ngayon? Hindi ba dapat iniiwasan natin ang isa't-isa?"

He reach for her hand and stare at her. "Matatapos din ang lahat ng 'to Saleen."

"At tapos ano?"

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon