17 ~ Crazy in Love

134K 4.1K 88
                                    

Facebook Page and Group: Miss GMJ Stories
Twitter: @GJansol
Instagram: @missgmjwp


HINDI na maipinta ang mukha ni Saleen habang nasa kalagitnaan ng movie shoot nila at mas lalo lang siyang naiirita dahil naiinitan na siya ng sobra dala na din ng malalaking ilaw na nakatutok sa kanila ni Niccolai. Nasa kalagitnaan na sila ng kwento. Ang bilis lang talaga ng araw.

"Hey, are you alright?" Untag sa kanya ni Niccolai. Saleen just look at him but refused to answer his question.

Wala siya sa mood makipag-usap, gusto niya ng matapos ang eksena nila para makapagpahinga na siya. Gusto niyang matulog.

"Take tayo." Direct Jesselle voice echoed around. "Miss Saleen, are you okey?"

Tipid lang siyang tumango. "Yes,"

"Paki-retouch naman si Miss Saleen medyo maputla ang kulay ng mukha niya sa monitor." Pinigilan niya ang huwag umirap dahil na din marami ang makakakita ng kamalditahan niyang hindi niya alam kung saan niya natutunan.

Lumapit sa kanya si Rolyn at marahan na dinampian ng tissue ang ilang bahagi ng mukha niya bago muling lagyan ng powder. Dinagdagan din nito ang lipstick niya.

"Can I have the script please?" Maarteng sabi niya at agad naman may lumapit sa kanya at ibinigay ang script. "Direct, is this our last sequence?"

"Yes,"

Nagkibit balikat siya at pinasadahan ng mata niya ang script bago muling ibinalik iyon sa babaeng nagbigay sa kanya.

"I'm ready." She force a smile.

"Okey take na tayo." Magkaharap sila ni Niccolai. Ang eksena na kukuhanan ay ang pamamaalam nito matapos na magkasama sila ng isang linggo. Ngunit hindi siya papayag dahil unti-unti ng napamahal ang karakter niya sa lalaki. "Five, four, three, two... Action!"

Hinawakan niya ang kamay ni Niccolai, may pagmamakaawa sa mukha niya.

"Hindi. Hindi ka pwedeng umalis. Ayoko!"

Ginagap ng lalaki ang kamay niya. May pagdadalawang isip sa mga mata nito ngunit nangingibabaw ang kagustuhang umalis.

"Alam mong hindi pwede iyang gusto mo, Gretta. Ayokong pati ikaw ay mapahamak ng dahil lang sa akin."

"Bakit kailangan mong umalis? Bakit kailangan mo akong iwan?" Nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

"Because I need to. I am doing all of this because of you!"

"Tell me why?!"

Panandaliang katahimikan ang namayani sa buong paligid. Tahimik naman na gumagalaw ang mga camera upang kuhanan ang reaksyon ng mga mukha nila. Kahit na marami ang nanonood sa kanila ay hindi naging hadlang iyon para hindi maging maganda ang pag-arte nila ni Niccolai.

Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya. Nasa mata pa din nila ang emosyon ng nasasaktan.

"I am doing all of this because of you, Gretta..." Niccolai face move closer.

Ito 'yong eksena na hahalikan siya nito sa labi at nagpapasalamat siya dahil wala si Von Ether. Madalas kasi ay naroon lang ito kapag may shoot siya. Binabantayan siya kasama na ang baby sa tiyan niya.

"S-sabihin mo sa akin kung bakit." Mahina ang boses niya. Magkalapit na magkalapit ang mukha nila.

"... Because I..." Niccolai lips are inch away from her lips and it's time for her to close her eyes. ".... Love you."

Habang naghihintay siya sa pagdampi ng labi ni Niccolai sa gilid ng labi niya ay doon niya naman nararamdaman ang pamilyar na mabibigat na titig mula sa kung saan at hindi man niya makita si Ether dahil nga nakapikit siya, ramdam niya naman ang presensya ng lalaking mahal niya.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon