5 ~ Tears

173K 4.6K 277
                                    

A/N: Happy Valentines Day to all! 💗💗💗
Belated Happy Birthday to me! 🎂🎁🎉


PAPASOK na sana siya sa loob ng RS Club ng masalubong niya ang taong bihira niya lang din makita sa kadahilanang hindi niya din alam.

"Tito Carlie?" Nakangiting lumapit siya sa kapatid ng mommy niya at humalik sa pisngi nito. "I'm glad to see you again."

"It's nice to see you too, Saleen."

"Gwapo ka pa din, Tito." Totoo, totoong gwapo ang lalaking kaharap niya kahit pa hindi na ito bumabata.

Napaka kisig pa din nito, just like her father but Tito Carlie is more way intimidating, the good thing is she doesn't feel intimidate. Instead, she felt safe like how she feels when Ether is around her.

"Like how beautiful your mom is, until now."

"Yes po," She smile at him for ninth times but hell, the man can't give her even a fake smile. He remain his poker face.

"Are you looking for Ether?"

"How did you know?"

"If its not him, then you are looking for who?" Dumako ang tingin nito sa loob ng Club kung saan nakatalikod ito doon. Hindi niya din makita ang loob dahil nakaharang ito.

"Ummm," Tumingin siya sa loob ngunit tila ayaw nitong makita niya kung anoman ang nasa loob. "Tito Carlie," May iritasyon sa boses niya.

"Why?"

"Gusto ko ng pumasok. May usapan kami ni Ether ngayong gabi."

"Are you sure?"

"Yes," Tumingin siya sa relong pambisig. "Six thirty pa lang pero alas siete ang sinabi niyang oras na magpunta ako dito."

"You still have thirty minutes, Saleen."

"Pero gusto ko na ngang pumasok." Nakasimangot na talaga siya. Ayaw siyang papasukin ng Tito niya. "Gusto ko ng makita si Ether."

"Are you sure?" She nods. "Do you really want to see him right now?" Kalmado lang ang boses nito pero nakaramdam siya ng kaba sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.

"Y-yes Tito."

Hindi na ito muling nagsalita at binigyan siya ng espasyo upang tuluyan ng makapasok. Ramdam niya pa din na hindi ito umalis sa puwesto nito. Inilibot niya ang paningin sa medyo may kadiliman na lugar at agad naman niyang namataan ang hinahanap niya na nakatalikod sa gawi niya.

Handa na sana siyang lapitan si Ether kaya lang ay napako ang mga paa niya ng makita na may babae pala sa harap nito. Ikinukulong ng mga braso nito si Akiko sa pamamagitan ng pagharang ng mga kamay nito sa counter ng Club.

Sobrang magkalapit ang mukha ng dalawa pero ang mas nagpapasikip ng dibdib niya ay si Ether pa talaga ang mas nakadukwang sa babae.

"Von Ether," Sambit niya sa pangalan ng kasintahan sa mahinang tinig.

"Saleen!" Tawag bigla sa kanya ni McLaren sa malakas na boses na para bang sinadya nito iyon dahil nakita niya ang mabilis na paglayo ni Ether kay Akiko at hinanap siya ng mga mata nito.

Alam niyang nakikita sa mukha niya ang selos at sakit dahil sa nakita niya. Kahit pa anong dahilan ni Ether, hindi niyon mawawala ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

"Love," Umatras siya ng maglakad ang kasintahan palapit sa kanya. "Nagkakamali ka lang ng nakita." Hindi siya nagsalita at patuloy na umaatras habang ito ay palapit sa kanya. "Magpapaliwanag ako, okey?" Umiling-iling siya.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon