14 ~ Duhat

138K 4K 142
                                    

A/N: Salamat naman at nagkaro'n din ako ng oras sa pagsusulat. Busy lang talaga ako. Isa pa, ayokong madaliin itong Race 4, sinabi ko na sa inyo na iba ang kwento nito kesa sa Race 1,2 & 3. I don't want this story to be complicated. This story pressure me because of Lane's Brothers appearance here. This story takes time. Hope you guys understand and continue supporting this story. Happy Holy week!!!



NAGUGULUHAN na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlong nag-ga-gwapuhan lalaki sa harap niya. Si Corvette, Mazda at Ether na basang basa, galing ang mga ito sa labas.

"I have to take a shower." Umalis si Mazda sa harap nila kasabay ni Corvette na nagkibit-balikat lang sa kanya.

Tumiim ang tingin niya kay Ether. "Bakit ka nagpakabasa sa ulanan?" Pang-iimbestiga niya pero nakatingin lang naman din ito sa kanya. "May sinat ka pa Von Ether, gusto mo yatang lumala 'yang nararamdaman mo."

"I'll be okey."

"Dapat hinayaan mo na lang si Mazda na mag-isang kumuha ng Duhat at Kamias para hindi ka na nabasa."

"Tinulungan ko lang siya." Naiinis na tinalikuran niya ito at naglakad paakyat sa hagdan, nakasunod naman ito sa kanya. "Wag ka ng magalit Saleen."

"Hindi ako galit, naiinis ako sa iyo."

"Sorry na." Napahinto siya sa pagbubukas ng pinto ng silid nila ng marinig ang pagsusumamo sa boses nito.

"Sorry?"

He nod. "Yes."

She purse her lips while looking at his handsome face.

"I think, kailangan mong maligo ulit para hindi matuluyan 'yang sinat mo." Pumasok siya sa loob ng mabuksan niya ang pinto. "Maligo ka na muna, kukuhanan kita ng pagkain sa baba."

"You don't need to do that Saleen."

"Hindi ka pa kumakain Von Ether, alalahanin mo." Namewang siya sa harap nito. "Maghahanap din ako ng gamot na pwede mong inumin."

"I don't need medicine."

"You need that."

"Yakap mo lang ang kailangan ko para tuluyan na akong gumaling." Hindi niya alam kung kikiligin siya o mahihiya kay Ether. Nag-uumpisa na naman kasing magwala ang puso niya.

"Maligo ka na nga." Inirapan niya ito upang itago ang tunay na nararamdaman. "Sa baba lang ako."

"Okey, I go and take a bath." Tumango lang siya dito bago lumabas muli ng silid nila. Si Ether naman ay pumasok sa shower room.

Pagdating niya sa kusina, si Corvette ang naabutan niyang nandoon. Nakaligo na ito at nakapagbihis na din. Tahimik lang itong sumisimsim ng mainit na kape.

"Nakita mo na si baby X?"

"Yes," Sagot nito na hindi man lang siya sinulyapan.

"About Lexy—"

"Not now Saleen, ayoko siyang pag-usapan."

"Pero nasa panganib siya. Nasa panganib ang ina ng anak mo." Alam niyang mali ang makialam pero kaibigan niya si Lexy, ayaw niyang mapahamak ang kaibigan.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon