35 ~ Punishment (SPG)

175K 3.9K 118
                                    

Flashback

ISANG tingin pa lang sa pinaka boss nila sa ESO, si Carlie Lane, ay alam niya na kaagad kung ano ang pakay nito kaya sinadya siya sa rest house niya. Ipapataw na sa kanya ang kaparusahan sa paglabag niya sa alintuntunin ng organisasyon.

"I know you are aware to what you're doing, Von Ether." Paakyat sila sa hagdan ng pangalawang palapag ng bahay niya ng magsalita ito.

"I am,"

"And aware that you're fucking breaking the Rules!" Ramdam niya ang pagdilim ng mukha ng lalaki at ang pagtatagis ng panga.

Galit na binuksan nito ang isang silid doon na para bang pag-aari nito ang buong bahay sa ginawang asta. Naka-locked ang pintuan doon dahil naroon ang mga baril niya nakatago at iba pang kagamitan na maaaring maging panangga niya kung may banta man na kapahamakan ang dumating sa lugar na iyon.

Walang saysay ang mga lock at password doon dahil halatang kanina pa iyon nabuksan ng lalaki na siyang nagturo lang din sa kanya kung paano mag-unlock at gumawa ng mga password.

Ni hindi niya man lang namalayan na napasok na ng mga ito ang pamamahay niya kanina habang nag-uusap sila ni Saleen sa swimming pool. Iba talaga ang nagagawa ni Saleen kapag kasama niya eh, nawawala lagi siya sa focus. Ang buong atensyon niya ay nasa babae lang at wala sa paligid niya.

Pagkapasok nila sa loob ay agad siyang sinalubong ng isang malakas na suntok sa panga, hindi man lang siya nakailag dahil sa pagkabigla.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon