6 ~ Heartache

140K 4.2K 187
                                    

Rica Barja as Ether's secretary
Rolyn Deofilo as Saleen's make up artist and hair stylist
Christine Gaylon as Saleen's Manager
Jesselle Buenaventura as a new Director
Jessielyn Tibos as Saleen's Personal Assistant

Hello girls, thank you for letting me use your name. Hindi niyo na ako pinahirapan mag-isip. 😙😙😙


SANA PANAGINIP na lang 'yung nangyayari ngayon at sana imahinasyon niya na lang lahat ng pinag-usapan nila ni Ether, pero alam niyang hindi. Dahil kung panaginip at imahinasyon ang lahat ng iyon hindi sana siya umiiyak sa mga sandaling iyon.

Itigil na natin 'to Saleen. Let's end this.

Matapos niyang marinig ang mga katagang iyon ay walang alinlangan na iniwan niya si Ether sa loob ng VIP room ng RS Club. Wala sa ideya niya ang ipagsiksikan ang sarili sa lalaki dahil alam niyang mas masasaktan lang siya kung gagawin niya.

"Ganoon lang ba talaga kadali para sa iyo na tapusin ang relasyon natin? Ganoon lang ba talaga kadali para sa iyo na isuko ako?" Tanong niya sa larawan ni Ether na nasa screen ng cellphone niya. Nasa loob siya ng kanyang sasakyan at hindi alam kung saan pupunta. Medyo nakalayo na din siya sa Club. "Gustung-gusto kitang ipaglaban Ether pero natatakot ako," Humikbi siya at panay bagsak ng luha niya. "Natatakot ako na kapag ipninaglaban kita hindi mo iyon masuklian. Ngayon pa ba na alam ko ng madali lang para sa iyo na iwan ako?" Mahina siyang natawa pero napalitan agad iyon ng hikbi. "Kailan pa Ether? Kailan mo pa ako niloloko? Kailan mo pa ako pinagmumukhang tanga na ako lang talaga ang mahal mo? Kailan pa ako napalitan diyan sa puso mo? Kailan pa?!" Halos sumigaw na siya sa loob ng sasakyan para lang mabawasan kahit kaunti 'yung sakit na nararamdaman niya.

Galit na itinapon niya ang cellphone sa passenger seat at pinaandar ang makina. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng sakit ng puso niya. Pero isa lang ang gusto niya, gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman niya ngayon pero alam niyang napaka imposible niyon.




"PACK your things." Utos niya kay Akiko ng makita niya ito na busy sa pagkuha ng mga orders ng customer sa RS Club. Dito na kasi ito nagtatrabaho bilang isang waitress.

"B-bakit?"

"I said pack your things!" Napaigtad ito sa talim ng boses niya. Nakaawang ang mga labi nito. "Go!" Kinuha niya ang tray na hawak nito at galit na inilapag sa Island counter. "Bilis!" Tinulak-tulak niya pa ito.

"Oo na boss!"

Nang makaalis si Akiko ay naupo siya sa hightool chair doon at um-order ng martini sa bartender.

"Hey," Anang boses sa likod niya at inakbayan pa siya. Si McLaren.

"Don't talk to me." Nanatiling matalim ang boses niya kaya mabilis na inalis ng kaibigan ang kamay nito sa balikat niya.

"Hmn..."

"Leave McLaren, just leave." Nakakuyom ang kamao niya at kapag may nagtangka pang guluhin siya ay talagang makakabugbog siya sa estado niya ngayon.

"Oh-oh," Sumipol pa ito pero umalis din naman.

Kung alam niya lang na ganito pala ang pakiramdam na putulin ang relasyon nila ni Saleen, sana pala nanatili na lang tikom ang bibig niya kanina.

RACE 4: Dark Secret (Ether Murphy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon