Chapter 3

178 6 0
                                    

"Ate, tawag ka ni nanay."

Lumingon si April sa nakakabatang kapatid-si Lucy. Tumango siya at nagpahid ng basang kamay sa bestida niyang suot.

"'Nay, tawag niyo raw ako?"

"Halika muna rito." Lumapit siya. "Ihatid mo muna ito kay Guring. Tiyak na naghihintay na iyon."

Si Guring ang suki ng Ina sa mga panindang kakanin. Asawa ito ng kapitan sa kanilang barangay. Malapit lang naman ang bahay ng mga ito. Walking distance lang mula sa kanila.

"Sige ho, akin na."

Kinuha niya sa ina ang mga kakaning nakabalot sa dahon ng saging na nakalagay sa bilao.

"Nanay, sama ako kay ate."

Sabi ng biglang sulpot na si Lucy sa gilid niya.

"Siya, sige. 'Wag kang malikot doon."

"Opo!" Nakangiting sabi nito na may kasamang pagtango.

"'Nay, bayad na po ba ito?"

"Kalahati pa lang ang bayad, mayroon pang kalahati. Kunin mo doon kay Guring, kakailanganin natin iyon para bukas. Marami tayong kailangan bilhin dahil sa nalalapit na kapyestahan. Siya, sige na, umalis na kayo."

"Sige ho, 'Nay."

"Babye 'Nay!" Sigaw ng bunso.

Napatitig si Susan sa likod ng dalawang anak na papalayo. Ang swerte niya sa mga anak. Magaganda at matalino. Masunurin at mababait. Ngumiti siya saka binalikan ang naiwang gawain sa kusina.

"ATE, kailan kayo magpapakasal ni kuya Omer?"

Binalingan ni April ang kapatid na kaagapay sa paglalakad. Labing limang taong gulang si Lucy at napakalayo ng agent ng edad nilang dalawa. Ang sabi ng ina, menoposal baby si Lucy. Akala nga raw ng mga magulang ay hindi na siya masusundan pa.

"Bakit, gusto mo na ba mag-asawa ang ate?"

Mabilis itong umiling ng ilang beses.

"Ayoko ate, kapag nangyari iyon. Wala na akong katabi sa higaan. Alangan namang tumabi ako kay nanay at tatay."

"'Wag kang mag-alala, wala pa sa bokabolaryo ko ang mag-asawa."

"Sabi po ni Nanay, magpapakasal kayo ni kuya Omer."

"Wag kang maniwala kay, Inay. Hindi ako magpapakasal kay Omer. Hindi pa ako handa at wala pa sa plano ko ang lumagay sa tahimik. Pag-aaralin pa kita, at magpapatayo pa ako ng maayos na bahay para sa atin"

"Mag-asawa ka na lang kaya ng mayaman, ate?"

"Hindi ang pag-asawa ng mayaman ang solusyon para makaahon tayo sa kahirapan, Lucy. Hindi biro-biro ang salitang 'kasal'. Dapat present doon ang pagmamahal niyo sa isa't-isa, respeto at pang-unawa. Kaya ikaw, mag-aral kang mabuti. Mas masarap makamit ang mga bagay na bunga ng sarili mong sikap. Pinagpawisan at pinaghirapan. Lagi mong isa-puso at isipan na mas magandang mabuhay na malinis ang ating konsensya. Iyong wala tayong tinatapakang tao. At para matupad mo ang mga mithiin mo sa buhay, maging masipag at matiyaga ka sa mga bagay-bagay. I-appreciate mo lahat ng blessings na dumating sa'yo, mapalaki man o maliit. At syempre, 'wag makakalimot magpasalamat sa Diyos."

"Wow! Opo, ate! Kaya idol kita, eh."

"Hmm! Binola pa ako."

Humagikhik ang kapatid. Iksaktong nasa tumapat sila sa bakal na gate. Sa kanilang nayon, isa ang bahay ng kapitan sa mga magagandang bahay. Maliit lang naman kasi ang lugar nila.

"Tao po!" Tawag niya mula sa labas habang nakadungaw sa lagpas balikat na gate.

Bumukas ang pinto ng bahay ngunit hindi ang ginang o kasambahay ang lumabas kundi mismo ang kapitan.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang