Chapter 9

141 6 0
                                    

"Welcome home." Tinig ni Ivan mula sa likuran ni April.

Kadarating lamang nila mula sa hospital kung saan siya na-confined pagkatapos ng mga nangyari.

At ngayon nga nandito sila sa bahay ng lalaki. Hindi lang basta bahay kundi mansyon.

Sumungaw mula sa kusina ang isang matanda. Natigilan ito ng makita siya kasabay ng pagtakip sa bibig.

"Jusko! Veronica, iha? Buhay ka?" Natigilan siya ng sugurin ng yakap ng matanda. "Akala namin wala ka na. Salamat iha at bumalik ka sa mag-ama mo. Napakatagal na panahong nawala ka. Salamat sa Diyos at ibinalik ka niyang ligtas at buhay. Hindi ako makapaniwala na narito ka na talaga, iha."

Tumikhim si Ivan. Kumalas naman ang maluha-luhang matanda sa yakap.

"Aling Lilia, she's not Veronica. She's April."

Gumuhit ang pagkalito ng mukha ng matanda.

"Ano bang sinasabi mong bata ka? Paanong hindi siya si Veronica? Ang asawa mo? Gayong kamukhang-kamukha siya nito."

Itinuro ni Aling Lilia ang malaking wedding portrait ng mag-asawa na nakasabit sa pader sa mismong harap ng sala.

Napasinghap si April nang makita ang tinawag na Veronica ni Aling Lilia. Napatakip siya ng kamay sa bibig.

Lumingon siya kay Ivan. Ngumiti ito ngunit hindi naman umabot sa mga mata. Naroon ang pangungulila at lumbay para sa asawa. Oh God! Kumirot ang puso niya.

Paanong naging kamukha niya ang asawa ni Ivan? Paanong nangyari iyon? Nag-iisa lamang siya, ni wala siyang kakambal.

Hindi niya napansin ang malaking wedding picture nang pumasok. Akala kasi ang utak niya sa ibang bagay. Nalilito siya. Mas lalong nagulo ang magulong kaisipa niya.

Pinisil ni Ivan ang kamay niya sapat upang mabalik sa kasalukuyan ang naglalakbay niyang diwa.

Tumingin ang lalaki sa matanda.

"Aling Lilia, paki-utos naman ho na paki-ayos ang isang guest room sa katabing silid ni Georgina. Dito ho kasi muna titira si April."

"Gano'n ba? Sige iho, ipapaayos ko." Lumapit ang matanda kay April. Kinuha nito ang kamay ng dalaga na may malumbay na ngiti. "Pag pasinsyahan mo na ako, iha, kung napagkamalan kitang si Veronica. Kita mo naman siguro na halos wala kayong ipinag-kaiba. Masaya akong dumito ka, kaya 'wag kang mahihiyang lumapit o magtanong kapag may kailangan ka."

Malugod na ngumiti si April sa matanda. Nakagaanan agad ng loob niya si Aling Lilia.

"Nakakahiya naman po sa inyo pero salamat po sa malugod na pagtanggap niyo sa 'kin dito."

Umiling si Aling Lilia. "Wag ka ng mahiya, ituring mong hindi iba sa'yo ang bahay na ito. Ipapaayos ko muna ang silid at kailangan ko pang tapusin ang niluluto ko para makakain na kayo."

"Sige ho, salamat ulit."

Maluwang na ngumiti nag matanda, bumalik na ito s kusina.

Humakbang si Ivan sa unahan. Namulsa at pinakatitigan ang wedding picture. Kapagkuwan ay humugot ng malalim na buntong hininga.

Lumingon ito sa kanya. Inabot ang kamay niya at pisinil.

"Pagpasinsyahan mo na si Aling Lilia, nabigla lng iyon nang makita ka."

Ngumiti siya sa lalaki. "Naiintindihan ko. Wala kang dapat ihingi ng pasinsya."

"Thank you."

Umiling si April. "Ako ang dapat na magpasalamat sa'yo. Salamat dahil nandiyan ka para tulungan ako. Hindi mo ako pinabayaan. Utang ko sa'yo ang buhay ko." Tumingala si April sa babaeng katabi ni Ivan sa litrato.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now