Chapter 11

134 6 1
                                    

"How do you like it?"

"Masarap."

"It's my favorite."

"I know."

His brows furrowed.

"You did? How?"

"Sabi ni Aling Lilia."

He grinned. Dinagdagan pa ang plato niya ng ulam.

"Tama na 'yan, kaunti lang akong kumain." Saway niya sa lalaki. Binalingan niya si Georgina sa tabi.

"Baby, gusto mong subuan kita?"

Georgina gave her cheeky smile and said yes, cheerfully. Samantalang si Ivan ay nakatulala na napapangiti na nakamasid sa dalawang babae.

Pabalik-balik ang tingin sa mga ito. Nakalimutan niya ang sariling pagkain.

"Mommy, I'm full."

"Are you sure? Parang ang kaunti lang naman ng kinain mo."

"My tummy is already big." Hinimas pa ni Georgina ang tiyan. Natawa naman si April.

"All right. Here, drink water first."

"Kumain kana, hindi kana nakakain ng tama." Bumaling si April kay Ivan.

"Sige, ikaw rin. Wala pang bawas ang pagkain mo."

"Mommy, daddy I want to play." Paalam ni Georgina. Bumaba ito ng upuan.

"Be careful, princess. Katatapos mo lang kumain."

"Yes, daddy." Sagot ng anak.

"Eat."

"Ha?" Napatanga si April da lalaki.

"Kumain kana."

"A-ah, y-yes."

Kapwa sila nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Kahit naiilang, binaliwala na lamang ni April ang nararamdaman. Pagkatapos ng agahan, nagpahinga lang sila ng kaunti at maglilibot sa Hacienda.

"Daddy, I want to ride in a horse." Si Georgina. Hawak ni April ang kamay ng paslit.

"I'm sorry, I forgot to ask you. Marunong ka bang mangabayo?"

Umiling si April. "No, hindi pa ako nakakasakay ng kabayo."

"Are you sure?"

"Yeah, why?"

"Why don't you try?"

"Na ako lang?" She pointed herself.

"Ah," napakamot si Ivan sa ulo. Tumingin ito sa kanya, pagkatapos ay yumuko sa anak. "Next time, sweetheart. Hindi kasi si Mommy marunong sumakay sa kabayo. Tuturuan pa siya ni daddy."

Nakaka-unawang tumango ang bata. Samantalang bumukas naman ang labi ni April ngunit walang may lumabas na kataga. Tumayo si Ivan at tumingin dito.

"With me, I'll teach how to ride in a horse one of this day."

Napapalunok na itinikom ni April ang bibig. Ngumiti si Ivan at nagpati-una.

"Let's go, ladies." Bunuksan ni Ivan ang pinto ng wrangler sa unahan para sa dalawang babae. Kasya naman kasi silang tatlo sa unahan.

"Let's go, mommy! I'm so excited to see the farm again." Georgina exclaimed in excitement. May maliit na backpack ito. Naka-suot ng native na sombrero gaya ni April.

Umikot si Ivan sa kabila nang maisarado ang pinto.

Lumingon siya sa dalawa bago pina-andar ang sasakyan.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now