Chapter 20

146 6 1
                                    

SUMIGABONG ang palakpakan sa paligid nang matapos si Ivan sa pagkanta. Bumaba ito ng stage at kaagad lumapit sa mesa.

"Wow! Daddy ang galing mo!" George praised her father with giggles and huge smile.

Yumuko si Ivan at hinalikan ang anak sa noo. Dumating ang waiter at sinerve ang kanilang pagkain. Humakbang siya ng dalawa para tumapat sa harap ng asawa.

Nakatungo ito. Mahigpit na nakasalikop ang mga palad na bahagyang pang nanginginig.

He held her and embrace. She didn't responded. A few moments he pulled her and took her shaking hand.

She looked at him. Hurt and confused. There were a lot of questions written on her eyes. He lift up his fingers and wipe the dry tears on cheeks.

"We will talk, later. Let's eat first, I don't want you to starve yourself."

Hindi sumagot ang babae. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito.

He spun around and pulled the chair out to sit. Nilagyan niya ng pagkain si Georgina gano'n na rin ang asawa.

"Eat..." He said and she nod once.

BUMABA si Ivan sa kama nang masiguro na tulog na ang anak. Bumaling siya sa bintana kung saan nakatayo si Veronica.

Bukas ang kurtina. Dahil sa ilaw sa labas, makikita pa rin ang tubig pandagat.

Napahugot siya ng malalim na paghinga. Tinitigan niya ng mabuti ang asawa na tila malayo ang isip. Napailing siya at humakbang nang walang ingay.

"Hindi dahil sa kamukha ko ang asawa mo, sasabihin mo ang gano'n. Hindi tama ang ginawa mo, Ivan."

"You are Veronica, you are not April. You are my wife. We are your family."

Umiling ang babae. Pinahiran nito ang luhang naglandas sa pisngi.

"Hindi ako naniniwala sa'yo, may magulang at kapatid ako. Sila ang totoo kong pamilya. Sinasabi mo lang iyan dahil nakikita mo siya sa'kin."

"Of course not!" He carefully exclaimed, afraid to make a noise. "Sinabi ko ang lahat nang iyon, dahil iyon ang totoo. Bakit ba ayaw mong maniwala na kami ni Georgina ang totoo mong pamilya? Simula pa lang, alam ko na, na ikaw at si Veronica ay iisa. Hindi maaaring magsinungaling ang puso, Nica."

"Stop calling me that!" Pigil ang galit at sigaw ng babae sabay takip sa tainga.

Lumapit si Ivan at pilit na pinaharap ang asawa.

"Look at me, straight to my eyes and tell me I'm lying because I know, I certainly know na sa kailaliman ng puso mo ay ramdam ko kung ano ang totoo."

"No! No, no, no..." umiiyak ito at walang tigil sa pag-iling. She was shivering. Nakayuko lamang ang babae. "You're lying! You are just lying. Hindi totoo ang mga sinabi mo. Hindi ako naniniwala sa'yo! I'm not Veronica. I'm not your wife."

Parang sasabog si Ivan sa sobrang sakit na nadarama. Parang may patalim na isinaksak sa puso at unti-unting hinihiwa. Nanahimik siya para pakalmahin ang sarili. Ang asawa ay patuloy naman sa paghikbi.

He reached out her hands carefully as if afraid to be rejected. Lift it up and put over his chest.

"I won't rush you to remember me, I can wait until your memory is back. Kahit hindi ka naniniwala, hindi ako magsasawa na iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko."

Tumaas ang tingin ng babae. Sinubukan nitong bawiin ang kamay sa kanya ngunit mahigpit niya iyong hawak.

"Bitawan mo ang kamay ko." Kasing lamig ng yelo ang boses nito.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now