Chapter 6

131 5 1
                                    

MABUTI na lang at hindi gaano madilim ang daan, dahil may poste ng ilaw sa gilid. Okay lang kahit maglakad siya, exercise na rin iyon.

Papaliko na sana siya sa huling likuan nang may humatak sa braso niya.

"Sino ka?! Anong Kailangan mo sa'kin?"

"Hello, babe."

"Omer?" Anya na nanlalaki ang mga mata.

"Ako nga, miss me?"

"Anong ginagawa mo? Bintawan mo ako, ano ba!" Iwinaksi niya ang kamay ng lalaki. Ngunit malakas ito kaya baliwala din lamang ang effort niya.

"Babe, babe... Siyam na taon? Tangina! Nagtiis ako ng siyam na taon. Tapos ganito lang ang gagawin mo? Makikipagkalas sa'kin? Anong akala mo sa'kin, ha?"

"Ano ba, nasasaktan ako!"

Pinapanalangin niya na sana ay may magawi sa daan para makahingi ng tulong. Kinakabahan siya sa anyo ng lalaki. Natatakot sa maaaring gawin sa kanya. Malaking tao si Omer. Wala siyang kalaban-laban sa lalaki.

Ngunit hindi siya pwedeng magpadala sa takot. Kailangan na labanan niya ito dahil kung hindi- nanginig siya sa isiping mqaaring gawin ng lalaki.

"Kung hindi ka rin lang mapupunta sa'kin, pwes! Hindi ka rin mapupunta sa iba."

Nagsitayuan ang balahibo niya. Parang alam na niya kung ano ang binabalak ng lalaki. Hindi maaari. Kailangan mag-isip siya upang matakasan ito.

"Pero bago ang lahat, syempre sisingilin ko muna ang siyam na taong pagtitiis ko. Aangkinin kita hanggang sa bumigay ang katawan mo."

Nanginig ang kalamnan niya dala ng galit at takot.

"Ugh!" Napaigik siya nang higitin lalo ni Omer ang dalawang braso at itinali.

"Hinding-hindi ka na makakatakas pa. Pag-aari kita, kaya akin ka lang, narinig mo, ha?"

Itinaas ni Omer ang ulo niya. Galit na galit niya itong pinukol ng nakakamatay na tingin.

"Hayop ka! Nagkakamali ako ng akala sa'yo! Pagkawalan mo ako!"

Ngumisi nang malademonyo ang lalaki. Lumukob ang kaba sa dibdib niya nang hatakin siya nito sa de kalayuang nakaparada na sasakyan.

"Hayop talaga ako, at papatunayan ko sa'yo sa pamamagitan nang paglasap ng katawan mo. Alam mo ba na matagal na akong nagtitimpi sa'yo. Pinapalampas ko lamang bawat pagpopropose ko sa'yo na tino-turned down mo. At ngayon, maniningil na ako, ilang taon na rin ano? Hmm... don't worry, babe. Magugustuhan mo ang gagawin ko at tiyak na hahanap-hanapin mo. Magaling ako sa kama, alam mo ba?"

Labis ang pagkasuklam niya sa lalaki. Parang gusto na niyang masuka sa mga sinasabi nito.

Inipon niya ang buong lakas, upang kumuha ng bwelyo para makawala.

"Don't you dare try to run away, masama akong galitin, April. Masamang-masama at iyan ay hindi mo pa nalalaman."

Napalunok siya.

Iginapos ng lalaki ang kamay.

"Tulong!!! Tulungan niyo ako! Tulong!"

"Poor April, nobody can hear you, trust me."

"Tulong!-ugh!" Itinulak siya papasok sa loob ng kotse.

"Hayop ka! Palabasin mo ako dito! Pakawalan mo ako!" Pinaghahampas ng nakagapos na kamay ang pinto ng sasakyan. Hanggang sa hindi na niya napigilan pa ang umiiyak.

Ngumisi ang lalaki at umupo ma sa driver seat.

"I'm sure naman na hindi ka na virgin."

Nagitla siya at tumingin sa lalaki na ang mga mata ay puno ng luha, galit at pagkasuklam.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now