Chapter 4

140 8 0
                                    

"What's the update?"
Bungad niya sa private investigator sabay hila ng upuan.

"I'm sorry, Mr. Anderson pero walang nakatira sa lugar na iyon na kamukha ng babaeng nakita mo. Halos nalibot ko ang buong bayan, para lamang makalakap ng impormasyon ngunit kahit ni isa man sa mga tao ay hindi kilala ang mukha ng babae. Posibleng dumayo lamang ito sa lugar at hindi talaga taga doon. Pinuntahan ko na rin ang mga katabing bayan, kung saan posibleng naninirahan ang babae, ngunit gano'n pa rin. Hindi nila ito kilala."

"That's impossible." Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng tauhan.

Imposible iyon, nayakap niya ito. Nadama ang init ng katawan na kasing katulad ng kay Veronica. Kung hindi sa bayan na iyon nakatira ang babae, saan? Saan ito mahahanap?

"Sa ngayon, iyan lamang ang impormasyon na maibibigay ko sa inyo, Mr. Anderson. Huwag kayo ng mag-alala, ipagpapatuloy ko pa rin ang paghahanap sa babae."

"Salamat."

Tumayo ang lalaki at nakipagkamay. Sinamahan niya ito hanggang sa labas ng opisina.

Anim na araw nang nakalipas simula ng makita niya ang babae sa kabilang bayan. At magmula ng nangyari iyon, hindi na siya natahimik. Gustong-gusto niya muling makita ito, mayakap na kay higpit at masabi ang nais ng puso.

Kung hindi ito si Veronica, then who is she? Posible bang may kakambal ang asawa? No, she hadn't. Nag-iisang anak lang ito at maagang naulila.

Frustrated na hinilamos niya ang mga palad sa mukha. Kailangan niyang gumawa ng paraan para malaman kung nasaan ito. Gusto niyang makilala ang babae.

Hinablot niya ang jacket na nasa likuran ng swivel chair at lumabas ng opisina.

"Sir, you still have one last meeting today." Habol ng sekretarya.

"Cancel it." Tugon niya na hindi nilingon ang babae.

"Pero sir-"

"I said cancel it, don't you get it?"

"Y-yes, yes sir." Umurong ang sekretarya sa kanyang pagsigaw.

Pinindot niya ang elevator at kaagad na pumasok. When he got down at the car park. He slipped himself inside the car and drove it away from the office. Tinahak niya ang daang pauwi sa Mansyon.

His phone vibrated. Bumuga siya ng hangin nang makita kung sino ang tunatawag. He reached it and turn it off. He doesn't need another headache. Not now. Not even.

Ngayon pa na nagkaroon na siya ng pag-asa na posibleng buhay ang asawa. Makalipas ang ilang oras na byahe, narating niya ang mansyon.

Eyes were roaming around the surroundings. A sad smile escaped from the lips. It was full of desolation. If only time could bring back the past. He'll do everything to keep his family safe.

Living a life for 9 years without Veronica was like living dead yet unburried. It wasn't easy to keep going without a half of your life; to wake up searching her body next to you. Her smell that filled with your nose every morning. It wasn't easy at all. Especially moving on when the truth you don't want to because somehow in your heart there's still a chance; hoping that she's alive and will be back in your arms again.

Huminga siya ng malalim at ipinagpatuloy ang pagpasok sa loob ng bahay. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang marinig ang mayordoma.

"Iho, ipapaalala ko lang sa'yo ang dadaluhan mong kapyestahan bukas."

Huminto siya at lumingon sa matanda.

"Salamat ho, muntik ko na ngang makalimutan. Si Georgina ho ba kumain na?"

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now