Chapter 21

136 6 0
                                    

Nang makalapit, hinawi niya ang nagkalat na buhok sa pisngi nito. He smiled. Tulog ang asawa. Payapa ang paghinga ngunit hindi maitatanggi ang paghihirap nito. Ang ngiting sumilay ay unti-unting naglaho. Napalitan iyon ng paninikip ng dibdib. He took a deep breath and look away.

Tinungo niya ang closet. Kumuha siya ng pajama at sando para mag-bihis. Pagkatapos ay tinabihan ang asawa. Itinaas niya ang ulo nito para i-unan sa braso niya.

"Hmmm..." ungol ni Nica at bumaling-baling ang ulo.

"Sweetheart..."

"Hmm!"

May pag-aalalang pinagmasdan nya ang babae. Umiiling-iling ang ulo nito.

"Wag!"

Nagitla siya nang biglang sumigaw ang asawa, ngunit ang mga mata nito ay nanatiling nakapikit.

"Baby? Nica, wake up, nananaginip ka." He shook her shoulder gently. He was so worried looking at her.

SAMANTALA, tumatakbo ang babae. Nais niyang makalayo sa lugar kung saan may isang kotseng nahulog. Nalilito ito, hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat. Hindi niya alam kung saan siya galing. Posible bang sa kanya ang kotse na iyon? Pero bakit? Bakit hindi niya maalala na sakay siya ng kotse? Ang tanging nais niya ay ang makalayo. Malayong-malayo, malayo sa taong humahabol sa kanya.

Mahapdi ang buong katawan niya. Marami siyang sugat. Mga galos sa binti, braso at pisngi. Saan nga ba niya nakuha ang mga iyon? Siya ba talaga ang sakay ng kotseng nahulog? Hindi! Hindi nahulog ang kotse, kundi hinulog!

Inilagay niya sa ulo ang dalawang kamay. Sobrang sakit ng ulo niya, parang sasabog. Umiyak siya. Nagpalingalinga sa paligid na pwedeng mapag-taguan.

Isang mayabong na damu ang nakita niya sampong hakbang mula sa kanya. Tumakbo siya at biglang kumaripas dahil sa putok na narinig.

Nang marating ang damuhan, nagtago siya. Mas tumindi ang sakit ng ulo niya. Inalis niya ang mga kamay ngunit impit siyang napasigaw nang makita ang maraming dugo. Dugo! Dumudugo ang ulo niya! Hanggang sa unti-unting nilalamon ng kadiliman ang paningin. May naaninag siya.

"Tulong... tulungan niyo po ako..." huling kataga na binitawan niya bago nawala ng tuluyan ang malay.

IVAN WAS worried and cursing in silent upon seeing his wife-Veronica, crying. Her eyes were closed, there were tears streaming down on her cheeks.

He tapped her face to wake her up.

"Baby, please wake up... Nica? Nics?"

"IVAN?!" Gulat na sigaw nito at yumakap sa kanya ng mahigpit na tila takot na takot. Dinig na dinig ni Ivan ang lakas ng kabog ng dibdib ni Nica.

She was shaking like hell. He cursed in silent. If he could only take away her fears and makes her forget all the bad things, he will. Nahihirapan siyang makita na nahihihirapan ang asawa.

Umi-iyak si Veronica. Niyakap niya ito pabalik. Hinagkan sa ulo at hinaplos-haplos ang likod para maibsan ang nararamdaman ng babae.

"Tahan na... nandito ako." His voice was soft, it sounds he was willing to trade his life just to protect her. "Poprotektahan kita sa mga taong gustong manakit sa'yo. Hindi ko hahayaang saktan ka nila..." He paused and pressed a kiss on her head.

"M-may... may baril. M-may kotse... Ivan, papatayin nila ako. Ayoko!" Nanginginig na sigaw nito.

"Sino sila? Kilala mo ba?"

Sunod-sunod na pag-iling ang sinagot nito.

"Sshhhh... Hindi ka na nila masasaktan, hinding-hindi na. Ipinangako ko iyan, I will protect you with all my life. No one will gonna hurt you, anymore."

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now