Chapter 18

157 7 0
                                    

"Wow! Daddy, we're on top!" Georgina exclaimed and beaming.

Nanlalaki ang mga mata nito na para bang hindi makapaniwala na nasa himpapawid sila. Naka-ukit sa maamo nitong mukha ang labis na saya.

Sakay ng helicopter, patungo sila sa malaking cruise ship na nakadaong malapit sa pantalan. Sa nakalipas na siyam na taon, nadagdagan ng dalawa ang barkong VERONICA ANGELA na naglalayag. Ang naghihintay sa kanila ay ang unang regalo ni Ivan sa asawa kung saan sila nag honeymoon noon.

"Yeah, we are and we're near at the cruise ship, sweetheart."

Nanggigil sa tuwa na yumakap ang maliliit na braso ni Georgina sa leeg ng ama.

Nangingiti si April sa kakaibang saya nito. Si Ivan ay bumaling sa kanya, gaya niya nakangiti rin.

MUNTIKAN nang mapangnga si April habang pababa ang helicopter sa roof deck ng malaking barko. Bakit gano'n? Bakit parang nakatung-tong na siya dati sa naroong barko.

Hinawakan niya ang ulo ng makaramdam ng kirot. Pasumpong-sumpong ang sakit ng ulo niya. Lalo na sa tuwing nakakakita siya ng mga bagay na parang pamilyar.

Tumingin sa kanya si Ivan na kababakasan ng pag-aalala ang mukha.

"Are you okay?"

Ngumiti siya kahit ang totoo ay parang mabibiyak ang ulo ng mga sandaling iyon.

"I-I'm okay..."

Saktong lumapag ang helicopter. May crew na umalalay kay Georgina pababa.

"Come I'll help you down." Hindi siya nag-atubing tanggapin ang kamay ni Ivan ng ilahad nito sa kanya.

Kailangan kasi niya ng supporta para huwag mabuwal.

Ppagdaka'y, muling tumaas paalis ang helicopter na naghatid sa kanila. Ang mga gamit nila ay nauna nang dinala ng mga tauhan.

"Let's go, para makapag-pahinga ka. Baka napagod ka ng husto sa byahe.

Tumango siya at kinuha ang kamay ni Georgina. Dumiresto sila sa isang private cabin. Sobrang laki niyon para sa kanilang tatlo, may dalawang kama sa gitna. Mini kitchen, mayroon ding personal refrigerator. Ang ang banyo ay hindi nalalayo ang laki sa banyo sa mansyon. She could almost held her breath away ng hilahin ni Ivan ang kurtina.

Makikita ang kagandahan ng dagat at bughaw na kalangitan.

"Is that a sea, daddy? Beautiful!" Namamanghang bigkas ni Georgina.

Kinarga ito ng ama para makita ang malawak na dagat.

"Yes, beautiful, sweetie."

"Can we go outside to see it closer?"

"Of course, pero mamaya na. Kailangan mo muna mag-rest at ganoon din si mommy."

Yumuko si April nang balingan ni Ivan. Nagulo na naman ang utak niya. Lahat na lang ng pinag-dadalhan sa kanya ni Ivan ay sobrang pamilyar ngunit kahit anong piga sa utak ang gawin. Wala siyang makapa na sagot.

Kating-kati na siya na makita ang ina. Nais niya hanapan ng kasagutan ang mga tanong sa utak. At batid niya na tangling ang ina lamang ang makakasagot.

Sino ba talaga siya? Ano'ng connection niya kay Ivan at Georgina? Hindi pwede ang naiisip niya. Hindi maaaring siya at si Veronica ay iisa. Hindi.

Pumiksi siya ng dumapo sa braso ang mainit na palad ni Ivan. Nakabakas sa guwapong mukha ang pag-aalala.

"Let's go to bed, mukhang pagod ka at kailangan mo magpahinga."

Naunang tumakbo si Georgina sa kama. Lumukso-lukso ito, pagdaka'y nahiga rin, yakap-yakap ang unan.

"Mommy, can you hug me?"

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now