Chapter 13

125 5 0
                                    

Nagising si April bandang ala-una ng madaling araw. Sa totoo lang hindi naman siya talaga tulog. Pinapakinggan lamang niya ang tibok ng puso ng katabing lalaki.

Hindi siya dalawin ng antok gawa nang natuklasan sa sarili. Mas lalong ginulo niyon ang sistema niya. Nadagdagan ang mga bumabagabag sa isipan.

Huminga siya ng malalim at maingat na bumaba ng kama. Isinuot niya ang damit at pumasok sa banyo ni Ivan. Pinakatitigan niya nag sarili sa salamin.

"Sino ka ba talaga? Bakit ang dami mong hindi alam sa sarili mo?" Kausap niya sa sarili.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Hanggang sa mapahikbi siya. Batid niya sa sarili na maraming kulang sa kanya noon pa man ngunit simula nang makilala niya si Ivan. Ang mga kakulangang iyon ay unti-unting napupunuan.

Ano ba talaga ang koneksyon na mayroon siya sa mag-ama? Bakit gano'n na lang ang kanyang nararamdaman? At ang labis na ikinabigla ay ang malaman na hindi na siya virgin. She swear. Walang nangayari sa kanila ni Omer habang magka-relasyon sila maliban sa halik.

Pero bakit gano'n? Bakit noong angkinin siya ni Ivan, iba? Walang dugo. Naguguluhan siya. Naghilamos siya saka yumuko sa sink. Itinukod niya ang dalawang kamay habang patuloy na umiiyak.

"Don't over think..."

Si Ivan. Niyakap siya mula sa likuran. Hindi man lng niya namalayan pagpasok nito.

"It was all right, shhh... tahan na." Pag-aalo sa kanya.

Humarap siya rito at yumakap. Hinagod naman ng lalaki ang likuran niya para pakalmahin siya.

Umangat ang mga paa niya sa sahig ng banyo. Binuhat siya nito. Sabay silang naupo sa kama. Nasa kandungan siya ni Ivan.

Nang mahimasmasan kumalas siya at tumayo.

"Kailangan ko ng bumalik sa kabila, baka magising si Georgina."

Sinuyod ni Ivan ng tingin ang mukha niya. Kapagkuwan ay tumango ito at hinayaan siyang maka-alis.

NAALIMPUNGATAN si April nang marinig munting tawa ni Georgina. Wala na ito sa kanyang tabi. Nabigla siya ng makita kung anong oras na. Pasado alas nuebe na ng umaga. Nilangap niya ang paligid, nagbabakasakaling makita ang bata, ngunit wala bakas na naroon ito.

Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Nanariwa sa isipan ang nangyari nang nagdaang gabi sa pagitan nila ni Ivan. Nakaramdam siya ng kirot sa gitna, naka-ilang rounds din sila bago huminto.

Ramdam na ramdam niya ang kasabikan sa bawat pag-unos ni Ivan. Tila hindi maubos-ubos ang enerhiya ng lalaki. She felt a pang of pain thinking the thing that she discovered from the last night. It bothered her so much.

Inayos niya ang sarili. Gumawi siya sa terrace ng silid. At doon nakita ang mag-ama sa ibaba. Nasa pool ang mga ito at naliligo. A small smile appeared on her lips. Naka-suot ng cute pink two piece ang anak. Parehong nagtatawanan ang mga ito. Nanuyo ang lalamunan niya ng makitang naka-swimming trunk lamang si Ivan.

Akmang tatalikod siya nang sumigaw si Georgina.

"Mommy! Good morning!"

Napilitang siyang lumingon muli at dumungaw sa ibaba.

"Good morning, princess."

In her peripheral vision ang mga mata ni Ivan ay napako sa kanya. She did not dared to glance at him. Natatakot siyang salubungin ang paningin nito.

"Can you join us here, mommy?" Nag-puppy eyes ang paslit. Napalunok siya. "Please..." dagdag pa nito.

She had no choice but nod. Kinakabahan siya. Nagbihis siya at bumaba sa area ng pool. Wala siyang balak maligo, sasamahan lamang niya ang mag-ama.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now