Chapter 7

152 6 0
                                    

"Hindi ko akalain na ganito kaganda ang katawan mo. Sana noon ko pa ginawa ang bagay na pinakanais kong gawin sa'yo."

"Hayop ka!!! Demonyo!!! Masunog sana sa impyerno ang kaluluwa mo!"

"Hmm... maldita ka pa rin kahit nakagapos na."

Hinawakan ng lalaki ang ari nito at hinimas-hinimas.

"See this? Sabik na sabik nang makapasok sa'yo." Anito saka ngumisi.

May pinulot ito sa gilid.

"Wag..." anya sabay iling.

Isa iyong vibrator.

"Let's try this first babe... I want to see how you tremble using this thing..."

"Please... wag!"Namamalat na ang boses niya. Sumasakit na rin ang lalamunan niya sa kakasigaw.

Akmang hahawakan siya nito nang biglang bumukas ang pinto kasabay nang walang humpay na putukan. Ang sunod na namalayan niya ay ang isang mabango at maiinit na kamay na dumampi sa hubad na katawan.

Wala na siyang lakas. Hinang-hina na at tanging luha na lamang niya ang walang tigil sa pag-agos.

PARANG TINAKASAN ng kaluluwa si Ivan pagkakita sa kalunos-lunos na kalagayan ni April. Walang pag-alinlangang binaril niya ang lalaking nakahubad sa gilid ng mesa kung saan nakahiga ang babae. Sunod-sunod na putok ang kanyang pinakawalan.

May kung anong patalim ang dumaan sa dibdib nang makita ang sitwasyon ng dalaga. Dali-dali siyang lumapit at hinubad ang jacket upang takpan ang katawan nito. Kinalas niya ang mga tali sa kamay at paa.

"I'm sorry if I am late..." kaagad na binuhat ang dalaga at ikinulong sa matipunong dibdib.

"I-Ivan..."

"Sshh... you're safe now, sweetheart. I'm here..." he kissed her head na punong-puno ng emosyon.

Umiyak nang umiyak ang babae sa dibdib niya. Niyapos niya ito nang kaihigpit.

"Wala nang makakapanakit pa sa'yo. Hinding-hindi ka na masasaktan ng hayop na iyon."

Binuhat niya ang babae palabas. Akala nila noong una ay isa lang ang kalaban ngunit nang pumasok na sila, may anim na lalaking lumabas. Kaya naman naging sunod-sunod ang pagputok ng mga baril.

May kasama siyang kapulisan. Pati sina Roy at Brent ay naroon din. Humabol ang bayaw kasama ang mga kapulisan dahil dalawa lang sila ni Roy ang naunang pumunta ng lugar.

Mabuti na lamang ay alerto ang tauhan niya at nasundan kung saan dinala ng lalaki si April.

Oh, God! Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa babae. Wala siyang paki-alam kung makakapatay siya ang importante ay ligtas ang dalaga.

Nakita pa niya kung paano natigilan ang dalawang kaibigan nang mapadako ang tingin sa babaeng buhat-buhat niya. Si Brent ay napa-sign of the cross. Sasapakin niya talaga ang ulupong na bayaw mamaya. Si Roy naman, nabasa niya sa bibig nito ang pagkabanggit sa pangalan ng asawa niya. Kahit ang mga ito ay nagugulat din.

Pumasok sila sa kotse. Si Roy ang nagmamaneho samantalang si Brent ay kasunod nila. Nauna na rin ang patrol car kasama ang lalaking binaril niya.

Naramdaman niya ang panginginig ng katawan ni April. Mabuti na lang at mahaba ang jacket niya, nasa kalahati ng hita nito.

"Everything will be alright. Sleep, baby..."

Humikbi pa rin ito hanggang sa lumalim ang paghinga.

Napakamiserable ng mukha ng babae. Pulang pula ang gilid ng mga mata pati na buong mukha.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now