Epilogue

326 11 0
                                    

"Mommy?"

"Yes, sweety? May problema ba ang baby ko?" yumuko si Veronica para pantayan ang anak.

"Mommy, can you give me a little sister?"

Ngumiti si Veronica sa sinabi ng anak. Hindi niya akalain na ganoon ang sasabihin nito. Sinuklay nya ang buhok nito gamit ang kamay.

"We'll ask daddy, later, ok?"

Ngumiti ng matamis si Georgina. "Yes, mommy. I want little sister like Denise."

"Surely, you will be a good ate."

"i will take care of my little sister."

"That's so sweet of you, baby." sinulyapan ni Veronica ang orasan. Malapit ng mag alas otso ngunit wala pa rin si Ivan. "come on sweety, you need to take half bath na, then mommy will read you a story until princess Georgina fell asleep." sumunod naman si Georgina ng akayin nya, halatang inaantok na rin ito. Pagkatapos maayosan ang anak, kanya itong tinabihan hanggang sa makatulog.

Akmang tatayo si Veronica ng tumindi ang pananakit ng ulo. Kanina pa niya iyon iniinda, ngayon lang naging malala ang sakit. Napaupo siya sa sahig, sapo ang ulo. Sa kanyang pagpikit, parang kidlat na gumihit lahat ng nangyari sa kanyang nakaraan. Napaiyak siya ng husto. She clearly remember everything.

"Ivan..." usal niya. Tumayo sya mula sa pgkakasalampak sa sahig. Tinitigan niya ng matagal ang anak, hinalikan niya ito sa noo bago nilisan ang silid nito. Tumuloy sya sa silid nilang asawa. Doon niya mas lalong nainitindihan ang lahat, sapo parin ang ulo ng makarinig siya ng busina sasakyan mula sa labas. Mabilis pa sa alas kwatrong pagtayo niya saka tumakbo palabas ng silid, deretso siya sa hagdan pababa. Bumukas ang main door at pumasok si Ivan, kaagad na nakita siya nito at nagtagpo ang kanilang paningin. Walang alinlangan na tinakbo niya ang asawa at niyakap ng napakahigpit.

"What's wrong, baby? May nangyari ba?" niyakap ni Ivan pabalik ang asawa. Ramdam nito ang pag iyak sa kanyang balikat. Umahon ang pag alala sa kanyang dibdib.

"Sweetheart..."

"I remember everything, Ivan."

Natigilan si Ivan ngunit panandalian lang. Ginantihan nito ng mas mahigpit na yakap ang asawa at hinalikan ang buhok. Binuhat niya ito at naupo sa sofa. Umangat ang ulo ni Veronica para tingnan ang gwapong mukha ng asawa.

Itinaas ni Ivan ang kamay at pinahiran ang luhang mukha ng asawa. Ngumiti siya rito, magaan na kinintalan ng halik ang labi nito. Nasa kandungan niya si Veronica. He looked up above and mouthed "thank you lord"

"Thank you, sweetheart. Im so happy you remember everything now. Did you remember how much i love you? I love you with all my life, Mrs. Anderson."

"Ivan..."

"Shhh...don't cry sweetheart. Your tears make my heart ache. I've spent my whole life looking for the girl I ever fell in love with. I never thought that the woman i married is actually the one I've been looking for. I found her after searching for many years but faith was such a good at playing games. But i never give up. Deep in my heart i know we will see each other again someday and that someday has come to an end because today, standing infront of me is my wife." Ivan kissed the back of Veronica's hand.


"I love you so much, Ivan"

"I know, sweetheart. I know you will always do."

Inabot ni Ivan ang dalang bulaklak para sa asawa.


"For you..."

She pouted her lips, sabay tanggap ng bulaklak. Niyakap nito at inamoy amoy iyon.

"Saan mo nakuha, 'to? Wala kang bitbit na bulaklak kanina ng pumasok ka."

Ngumiti si Ivan. Inipit ang ilang hibla ng buhok ni Veronica na nagkalat sa tainga.

"I have my ways to hide it, sweetheart."

She smiled.

Isinubsob ni Ivan ang mukha sa leeg ng asawa.

"George is asking a little sister."

"Then lets start it."

"Ha?"

"We'll make a little sister for George."

Namula si Veronica. Napasinghap ito ng buhatin ni Ivan paakyat sa itaas. Wala na siyang mahihiling pa sa buhay. Ngayong bumalik na ang kanyang alaala. Sisiguraduhin niyang mapupunuan niya ang mahabang panahon na pagkawalay sa mag-ama.

Nang lumapat ang labi ni Ivan sa kanyang labi, dama niya ang panghabang buhay na pangako dala ng halik na iyon. She may be lost her memory for a long time however deep down in her heart she didn't lost her heart loving the person who gave her so much to remember their past. The emptiness she felt before was now filled with the love she was missing for a long time.



THE END...

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now