Chapter 10

130 6 0
                                    

HINDI dalawin ng antok si April. Pinagmamasdan lamang niya ang natutulog na paslit sa tabi. Hinaplos niya ang buhok. May bahaw na ngiting sumilay sa labi niya.

May nais malaman ang utak niya na tanging ang puso lang may alam. Kakatwa ay hindi siya naninibago sa lugar. Kahit saang sulok siya tumingin. Pamilyar sa kanya ang lahat.

Parang matagal na siyang nanirahan sa bahay.

She heaved a sigh.

Binalingan niya si Georgina. Hindi niya masisisi ang bata kung bakit napagkamalan siyang ina. Kahit nga siya ay nagulat din ng masilayan ang mukha ng asawa ni Ivan.

Ngunit ang higit na nagpagulat sa kanya ay nararamdaman.

Parang may magnet na nagko-connect sa kanila ni Georgina. Ewan niya! Basta, iba ang dating ng bata sa kanya. Siguro dahil sa naghahanap ito ng kalinga ng isang ina.

Tumayo siya nang may pag-iingat. Baka kasi magising si Georgina. Mukha pa namang pagod ang mukha. Tinungo niya ang terrace.

Maliwanag ang sinag ng buwan. Noon lang niya napagtuonan pansin na nakapalibot pala ang terrace ng mansion.

Ipinatong niya ang magkabilang kamay sa beranda. Tumungo nang masilayan ang nasa ibaba. Dahil sa sinag ng buwan, napagmasdan niya ang kagandahan sa ibaba. May malawak na pool. Ang hardin ay napakalawak. Namangha siya sa mga naroong bulaklak. Kahit hindi masyadong maabot ng tingin. Alam niya na nakaganda ng harden.

"Can't sleep?"

"Ivan!" She tapped her chest as she chased her breath.

Nagulat lang naman siya sa biglang pagsulpot ng lalaki sa tabi. Bigla yata siyang nanlamig sa presensya ni Ivan.

Ngumiti ito at umisang iling.

"I'm sorry, I didn't mean to scare you."

"O-okay lang." Damn! Nakakahiya, bakit ba siya nabubulol?

Ngumiti ulit si Ivan. Tumingin ito sa ibaba. Sa kanyang tinititigan.

"Bakit gising ka pa?"

"Bakit gising ka pa?"

Nagkasabay pa sila ng tanong.

Ivan chuckled. Napatanga naman siya.

"Ladies first."

"Gaya ng sabi mo, hindi nga ako makatulog. Hindi ako dalawin ng antok, siguro naninibago lang ako."

Tumango si Ivan.

"Same with me."

"Ha?"

"Naninibago rin siguro ako. Hindi kasi ako makapaniwala na bumalik ka."

Natigilan si April. Dumistansya siya ng kaunti.

"Don't get me wrong, I mean-" he paused and took a deep breath. "I'm sorry, forget what I said."

"Okay lang." Ngumiti si April ng pilit.

"May gagawin ka ba bukas?"

"Ako?" Turo ni April sa sarili.

"No one else..."

Pinamulahan siya.

"W-wala naman."

"Good. Ililibot kita bukas sa buong Hacienda, kung okay lang sa'yo?"

Lumiwanag ang mukha niya. Nakaramdam siya ng excitement. Pero syempre hindi niya ipinahalata.

"Wala ka bang trabaho bukas?" Sa halip ay natong niya.

"I'm the boss. Papasok ako kung kailan ko gusto."

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now