Chapter 5

128 6 2
                                    

"I FINALLY, FOUND YOU. GOD! THANK YOU, that we meet again." punong-puno ng emosyon ang boses ng lalaki.

Kumabog naman ang dibdib ni April. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ay tila sasabog ang eardrums niya.

"Are you okay? Nasaktan ka ba? Tell me, anong masakit sa'yo?"

Ikinulong ng lalaki ang mukha niya sa dalawang palad. Makikita ang labis pag-aalala sa mga mata.

"O-okay lang ako."

Iniwas niya ang mukha. At itinulak ng bahagya ang lalaki. Binitawan naman siya kapagkuwan.

Lumingon-lingon si Ivan sa paligid. May kadiliman sa parteng iyon ng kalsada.

"Are you sure? Pwede kitang dalhin sa hospital if you want to?"

Umiling siya.

"H-hindi na kailangan, h-hindi mo naman ako nasagasaan. Saka kasalanan ko rin, nasa gitna ako ng kalsada."

Umamo ang mukha ng lalaki.

"By the way I'm Ivan. Ivan Anderson."

"Ha? A-Anderson?"

"Yes, do you know me?"

"I-ikaw ang panauhin ni Kap? Naku, pasinsya na po. Hindi ko kasi namalayan na nasa gitna pala ako naglalakad."

Tumango ang lalaki. Sumeryoso ang mukha nito.

"It's okay, just be careful next time. If you don't mind, may I know your name?"

"April."

"April..." ulit ni Ivan. Lumingon sa paligid.

"Why are you walking alone in this dark street. Dilikado para sa isang katulad mo ang maglakad mag-isa. Lalo na't madilim sa bahaging ito."

"P-pauwi na rin ako. Sinadya ko talagang maglakad."

"Let's go, ihahatid na kita sa inyo."

Kinuha ni Ivan ang kamay ni April. Napapiksi pa ito dahil sa init na bigla ng nanulay.

Hindi niya naramdaman ang ganoong init sa kasintahang si Omer. Ni wala ngang spark kung hahawakan o halikan siya.

Pero sa taong kaharap. Iba ang pakiramdam niya. Iyong feeling na, komportable agad ang naramdaman niya.

"H-hindi na kailangan, kaya ko namang umuwi saka malapit lang dito ang bahay namin."

"I insist, ihahatid kita."

Determinado ang boses. Pati na rin ang mukha.

"P-pero baka nakakaabala na ako."

Lumingon si Ivan hawak nito ang kamay niya.

"You will never be a bothersome to me. Please, pumayag ka nang ihatid kita. I want to know you if you don't mind."

Lumunok siya. Mababa at nangungumbinsi ang tinig gayon din abg mga mata. Nais tuloy niya itaas ang palad at damhin ang init ng maamo nitong mukha.

"Please..."

Napakurap siya. May katagalan na palang nakatitig sa lalaki. Namula siya sabay yuko.

"S-sige..."

Pinisil ng lalaki ang kamay niya at ginaya sa loob ng kotse. Pinagbuksan siya nito.

She felt relieved nang bitawan ni Ivan ang kamay. Ngunit ang puso, hindi pa rin humuhupa ang kabog. Umikot ito sa kabila at pumasok sa driver seat.

"I'm sorry about the last time. Hindi ko dapat ginawa iyon, nabigla lang ako nang makita ka. A-akala ko kasi--" he paused and slightly punched the steering wheel.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now