Chapter 8

123 8 1
                                    

"Can you give me your heart?"

"I-Ivan..."

Walang makapa na kataga si April kundi ang bigkasin lamang ang pangalan ng lalaki.

Ngumiti ito. Masuyong hinahaplos ang kanyang kamay.

"It's okay, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. May hihilingin lang sana ako..." tumigil ito at umangat ang tingin sa kanya. "Pwede bang, hayaan mo akong kilalanin ka? I want to know you more."

Sinuklian niya ito ng ngiti at tango.

"Thank you, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya." Madamdaming wika ng lalaki. Inangat nito ang kamay niya at hinalikan.

"Utang ko sa'yo ang buhay ko. At hindi naman kalabisan ang hiling mo. At..." yumuko siya dahil sa nahihiya. "At gusto rin kitang makilala." Pag-aamin niya.

Tumayo si Ivan at lumapit sa kanya. Ingat nito ang mukha niya gamit ang daliri. Akala niya'y sa labi na tatama ang labi nito. Iyon pala ay sa noo niya. Nahiya naman siya sa naisip.

"Kailangan mo nang magpahinga para makabawi ka ng lakas." Hinaplos ni Ivan ang pisngi niya.

It felt familiar. Parang... parang. Ewan ba niya! Siguro ay dahil nahaplos na rin noon ng lalaki ang mukha niya kaya familiar na sa kanya ang init ng palad nito.

Ibinaba ni Ivan ang kama para maging komportable ang pagtulog niya.

"Sleep. Dito lang ako, hindi kita iiwan."

"Okay lang naman ako dito, baka masyadong naka-abala na ako sa'yo. Pwede mo naman akong iwan."

"No!"

Nabigla siya sa matigas na tinig ng lalaki. Napansin naman nitong natigilan siya.

"I'm sorry, I didn't mean to scare you. It's just-" tumingala ito at hinilamos ang palad sa mukha. Pagkatapos ay tumingin ulit sa kanya. "I can't leave you like this. Paano kung balikan ka ng lalaking 'yon? At tuluyan ka nang magawan ng masama? I can't let that happen, I'll go crazy if he-"

"Ivan..." kinuha niya ang kamay nito at pinisil.

"Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan. Mabubulok na siya dun. 'Wag ka nang mag-aalala, okay na naman ako. Makakalabas na nga ako bukas 'di ba?"

"Please, come home with me."

Natigilan siya, napabitaw sa lalaki saka umiling.

Nakita niya kung paano dumaan ang pagkabigo sa gwapong mukha nito.

"I'm sorry, alam kung nabigla kita. Masisisi mo ba ako kung ganito ang nararamdaman ko? Gusto kong masiguro na ligtas ka. Gusto kong nakikita ka ng mga mata ko."

"Ivan, hindi. Hindi ako ang asawa mo."

Natigilan ang lalaki sa isinagot niya. Hindi siguro inaasahan nito na iyon ang sasabihin niya. Kapagkuwan, tumango ito ng mabagal saka ngumiti ng may lungkot sa mga mata.

"I'm sorry."

Lihim siyang napailing. Alam naman niya na ang tingin sa kanya ni Ivan ay si Veronica. Na-curious siya kung ano ang hitsura ng babae. Obvious naman kasi na mahal na mahal ito ng lalaki.

"Go, take a rest a now. Nasa labas lang ako."

Tumalikod ito at lumabas ng silid.
Humugot siya nang malalim na paghinga bago ipinikit ang mga mata. Nagugulo ang puso niya pati na rin ang isiapan. Ano ba ang dapat niyang maramdaman? May bahagi kasi ng puso niya na nais tulungan ang lalaki ngunit may bahagi rin ng utak niya na tatakot.

Kinapa ni April ang dibdib. Kahit kailan hindi niya nadama kay Omer ang malakas na tibok ng puso ngunit kay Ivan. Kahit papalapit pa lang ito ay tila kilalang-kilala na nang puso niya.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now