Chapter 15

141 8 0
                                    

Ibinalik niya ang picture frame sa cabinet at isinarado nang makarinig ng katok. Si Georgina ay mabilis na tumakbo at pinag-buksan ang kung sino mang kumatok.

Sumungaw ang nakangiting mukha ni Ivan. Binuhat nito ang anak at pinugpog ng halik ang pisngi na ikinahagikhik ng paslit.

Bumaling ito sa kanya. Nakangiti pa rin at maaliwalas ang mukha.

"I know you love carbonara. I cook downstairs, let's eat."

She froze. Paano nito nalaman? Wala naman siyang sinabi na kahit na ano sa lalaki.

"Is anything wrong?"

Napakurap siya. Umiling saka humakbang patungo sa mga ito.

Ngumiti ulit si Ivan at inabot ang kamay niya nang makalapit. Nagpatinaod siya ng akayin ng lalaki.

"IVAN?"

Kumatok siya sa library. Alam niya naroon ang lalaki. Kakatulog lamang ni Georgina sa silid. Pansamantala niya itong iniwan para maka-usap sana ang ama ng bata.

"Come in."

Maingat na pinihit niya ang pinto. Naroon sa Ivan sa mesa. Kaharap ng laptop. Ang lakas ng sex appeal nito, lalo na at naka-suot ng eyeglass. Napaka-intimidating ng dating, may pagka-estrikto.

Dahan-dahan ang kanyang paglapit sa harap ng mesa. Umangat ang ulo nito, ngunit ibinalik din agad sa laptop at isinarado iyon.

"Sorry, na-istorbo yata kita."

"It's okay..."

Tumayo ito at pumunta sa harap niya.

"May kailangan ka?"

"Magpapa-alam sana ako, k-kung okay lang sa 'yo na, uuwi na muna ako."

Hinilot ni Ivan ang puno ng mga mata at tinanggal ang eyeglass.

"I'm sorry to say this, pero wala nang tao sa bahay niyo."

Naguguluhang tumingin siya sa lalaki.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Namulsa si Ivan. Kapagkuwan ay hinuli ang paningin niya. Tinitigan siya ng mataman.

"Wala na ang nanay at kapatid mo sa bahay niyo. Kahapon, nagpa-utos ako na sunduin sana sila. Ngunit wala na silang nadatnang tao roon."

Umiling si April. Hindi Siya naniniwala na wala na roon ang kapatid at ina. Saan ang mga ito pumunta? Ni wala naman silang kamag-anak pang iba. Umahon ang kaba sa kanyang dibdib.

"Hindi 'yan totoo, sigurado ako na naroon lang sila nanay at Lucy."

"I'm sorry, but don't worry, ipinapahanap ko na rin sila."

Hinawakan niya ang dibdib. Tinaluran ang lalaki at lumakad malapit sa bintana.

Hindi pwedeng iwan siya ng ina at kapatid. Sila na lang ang magka-pamilya. At bukod doon, maraming katanungan sa isip niya na kailangan niya ng sagot. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nakaka-usap ang ina.

Posibleng may alam ito at iyon ang kailangan niyang malaman.

"Wala silang ibang mapuntahan. Wala na kaming mga kamag-anak pa." Bumaling ito kay Ivan na may pag-alala ang mukha. "Ivan, parang awa mo na, tulungan mo akong mahanap sila."

Humakbang ang lalaki. Tumigil ito sa harapan niya. Kinuha ang kanyang kamay at pinisil ng marahan.

"Hahanapin ko sila, 'wag kang mag-alala, ibabalik ko ang nanay at kapatid mo. Stop worrying."

Kinabig siya nito at pinaloob sa malabakal na dibdib. Idinikit niya ang ulo sa malakas na tibok ng puso ng lalaki.

She was listening to his fast heart beat. Naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa buhok. At banayad na paghaplos sa likuran.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now