Ang Batang si Matilde

3.1K 112 29
                                    

Unang Yugto - Unang Kamay

Sampung taong gulang ako noon nang maramdaman kong may kakaiba sa akin. Hindi lamang ito pagkahilig o pagkagusto sa isang bagay. Isa itong nakakaadik at napakasarap sa pakiramdam.

"Tilde, matulog ka na. Anong oras na kaya," saway sa akin ng aking yaya Yuna.

"Mamaya na lang po. Hindi pa po ako inaantok e," sagot ko na abala sa paglalaro ng aking barbie doll.

"Pagagalitan ako ng mama mo kapag nalaman niyang hindi ka pa natutulog e," napapakamot na siya sa kaniyang ulo habang nililigpit ang mga kalat sa kama ko. Kaya naman may naisip ako para tumahimik siya.

"Yaya Yuna, puwede ka po bang lumapit sa akin? Upo po kayo sa tabi ko, please?" sinadya kong maging mabait sa aking Yaya. Hindi ko alam pero parang may gusto akong subukang gawin.

"Ano na naman iyan, Tilde? Kinakabahan ako sa mukha mong iyan. May hindi kang magandang gagawin. Sinasabi ko sa iyo, isusumbong kita sa Mama mo," aniya.

"Wala naman po akong gagawin, Yaya. Gusto ko pong tumabi kayo sa akin. Puwede po ba?" nagmakaawa akong muli at nag-iiyak-iyakan na ikinataranta niya.

"Hay nakung bata ka! Oo na, tatabi na ako sa iyo," bigla akong napangiti. "Yaya, paki-abot nga po ng gunting ko sa drawer, please?" Nagtataka man ay kinuha niya rin ito at saka umupo sa tabi ko sa kama.

"Ito na ang pinapakuha mo, Tilde. Ano naman gagawin mo sa gunting?" tanong niya.

"Yaya, patingin nga po ng mga daliri mo?" Gulat ang mukha ni Yaya pero inilahad niya naman sa akin ang mga ito.

"Yaya, laro tayo ha?" hindi ko na siya hinayaang sumagot. Sa halip ay inilagay ko na sa kama ang dalawang kamay niya. At nagsimula akong maglaro.

"Sampung mga daliri, kamay at paa. Dalawang mata, dalawang tainga at ilong na maganda."

"Aaaaaahhhh!" Napasigaw si Yaya nang tumigil sa kaniyang palasingsingan ang tulis ng gunting. Sinadya kong itarak ito. Nasisiyahan ako. Ang saya. Pero namumutla na ang mukha ni Yaya. Hindi ko pa rin binitawan ang isang kamay niya.

"Sampung mga daliri, duguan ang isa," kanta ko ulit.

"Tama na, Tilde! Tama na!" Ngingisi-ngisi na lamang ako. Hindi ko siya pinakinggan dahil ang kaniyang pangalawang daliri naman ang natusok ko. Sinundan pa ito ng pangatlo, pang-apat at limang daliri hanggang sa nawalan na ng ulirat si Yaya.

Pero kahit nakahandusay na sa kama si Yaya at duguan na rin ang bedsheet ko ay nagpatuloy ako sa aking laro. Kung kanina ay tusok at tarak lang, ngayon naman ay susubukan kong gupitin o putulin ang mga daliri niya.

"Ang ganda ng mga daliri ni Yaya. At gustong-gusto ko ang hugis nito." Una kong pinutol ang hinlalaki niya. Sumunod ay ang palasingsingan hanggang sa lahat ng limang daliri niya sa kanang kamay ay naputol ko na. Hindi pa ako nakuntento dahil matapos kung putulin ang mga ito ay agad ko itong isinubo at pinapak na parang crispy fried chicken.

Masarap pala ang mga daliri. Ang sarap. Para akong baliw na baliw nang mga oras na iyon nang isa-isa ko ngang papakin ang mga daliri ni Yaya Tilde. Duguan ang aking bibig. Duguan din ang kama. Niyuyugyog-yugyog ko pa si Yaya pero hindi siya nagigising. Kaya ipinagpatuloy ko ang pagkain ng kaniyang dalir. Ang sarap talaga.

Nasa ganoon akong posisyon nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kuwarto at nakita ko ang gulat na gulat na mukha ng aking mga magulang.

"Tilde! Anong nangyari dito? Hon, tumawag ka ng pulis!" Sumunod naman si Papa at nagsimulang magtipa ng numero sa kaniyang cellphone habang ako naman ay patuloy sa pagnguya.

"Hon! Huwag na pala! Tingnan mo ang anak natin. Alam ko na kung sino ang may kagagawan," may bahid ng kalungkutan at inis ang mukha ng aking ina at lumapit ito sa akin.

"Anak, anong ginawa mo? Bakit mo pinutol ang mga daliri ng yaya Yuna mo? Anak!" maluha-luhang tanong ni Mama. Hindi ako sumagot. Bagkus ay nagpatuloy ako sa aking pagkain.

"Matilde!" Sumigaw na si Papa at dahil sa tono ng kaniyang boses ay bigla kong kinuha ang gunting at itinarak ko ito sa leeg ni Mama. Sumirit ang dugo sa kaniyang leeg at maging sa kaniyang bunganga.

"Matilde! Mama mo siya!" Muli na naman akong sinigawan ni Papa. Kaya agad akong tumayo at siya naman ang tinusok ko. At ang tulis ng gunting ay tumama sa kaniyang mata. Napasigaw ito sa sakit. Hindi pa ako nakuntento ay ginupit ko ang tainga niya.

Sa galit niya ay nasampal niya ako at nabitawan ko ang gunting. Maagap kong hinanap ang kinaroroonan ng gunting at dali-dali ko itong pinulot. Tumakbo akong muli sa kinaroroonan ni Papa na ngayon ay nakita kong may tinitipa siya sa kaniyang cellphone. Tinarak ko na lamang muli ang gunting sa kaniyang dibdib. Makailang beses ko iyon ginawa hanggang sa tumahimik na siya.

Samantala, binalingan ko ang aking Mama na ngayon ay tahimik na rin. Pero gaya ng ginawa ko kay Papa ay sinaksak kong muli ang gunting sa kaniya. Sa dibdib, sa likod, sa dibdib ulit nang makailang beses. Halos mapuno ang katawan ko ng mga dugo. Nakangiti pa rin ako at walang pakialam sa aking silid.

Ngayon ay muli akong umupo sa aking kama. Pansamantala akong nagpahinga. Nang magutom ako ay kinuha ko naman ang isang daliri ni Yaya. At dahil ilang daliri na lang iyon, kinuha ko ang gunting at pinutol ang mga daliri nila Mama at Papa. Ibang-iba talaga ang pakiramdam ko nang mga sandaling iyon.

Isang batang walang kamuwang-muwang. Isang batang nakahiligan ang manood ng mga nakakatakot at patayang pelikula. Isang batang gustong subukan ang bawat eksenang napanood sa reyalidad. Isang batang walang alam na yaya at magulang ko na pala ang aking napatay.

Matapos pagputoul-putulin ay inilapag ko iyon sa kama ko at kumaing muli. Ang sarap talaga. Walang kasing sarap. Ano kaya kung maghanap pa ako ng ibang klaseng daliri at makain?

Tama! Hahanap ako ng iba. Pero kakainin ko muna ang aking nasa harapan na mga daliri.

Abangan ang susunod na kabanata...

Abangan ang susunod na kabanata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now