Teaser

997 50 11
                                    

Isang taon ang lumipas pero hindi ko pa rin nareresolba ang kaso. Ito na marahil ang pinakamahirap na kasong ipinaubaya sa akin. Mahahanap ko pa kaya ang salarin?

- ShaSha

******

Isang taon na ngunit patuloy ko pa ring pinaghahanap ang pumapaslang. Hindi ko na siya nakikita sa kaniyang lumang bahay. Marahil ay nagtago ito upang hindi siya matunton. Kailangang matapos ko na ito. Hindi ako makakapayag na hindi ko malutas ang kaso.

- The Unknown Investigator

******

Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa aking mga magulang. Sisiguraduhin kong mapapaslang kita. Ngayong alam ko na kung saan ang iyong kinaroroonan. Maghihiganti ako. Maghihiganti ako!

- The Victim's Daughter

*********

Isinusumpa kong magbabayad ang gumawa nito sa iyo! Pagsisisihan nila ang pagpaslang sa iyo. Sisiguraduhin kong ang mga putol mo na kamay ang papaslang sa kanila. Isinusumpa ko ngayon sa iyong libingan! Isinusumpa ko! Papatayin ko silang lahat!

- The Suspect's Secret Lover

*****

Sino ang unang makakatuklas sa kinaroroonanng suspek?

Sino ang mapapaslang?

Sino ang maghihiganti?

Sino ang mapuputulan?

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now