Ang Pagkakaibigan ay may Katapusan Din

1.1K 46 0
                                    

Ang Huling Pahina ng Hinliliit

Lumipas ang mahigit apat na taon ay sa wakas natagpuan ng dalaga ang binatang sumumpa sa kanilang pagkakaibigan.

Kung noon ay dalaginding pa lamang nang sila ay magkahiwalay, ngayon ay pareho na silang dalaga at binata. Iyon nga lang ay hindi na kinikilala ng dalaga ang lalaki bilang matalik na kaibigan.

Nang matunton nito ang kinaroroonan ng binata ay nagmanman pa siya sa lugar na malimit nitong pinupuntahan. Sa trabaho, sa clubs, sa bar at sa kung saan-saan. Nang makabisado na nito ang pasikot-sikot sa mga lugar na matatagpuan ang binata ay isinagawa na niya ang plano.

Saktong nasa isang disco bar ang lalaki pumunta nang gabing iyon. At dahil may angking alindog din siyang maipagmamalaki ay pumasok siya roon upang hanapin ang binatang si Crisostomo. Ang binatang nag-pinky promise sa kaniya.

Napakaingay ng lugar. Iyon ang napakaayaw niya pero wala siyang magagawa dahil plano niyang akitin si Crisostomo o mas kilala sa tawag na Cris noong sila ay magkaibigan pa lamang.

"Cris na lang ang itawag mo sa akin ha? Ang pangit kasi ng buong pangalan ko na Crisostomo. Tunog mamamatay tao at papatayin ng tao."

Naalala ng babae ang tagpong iyon nang pagsabihan siya ni Cris na ganoon nga ang itawag sa kaniya. Mukhang akmang-akma ang pangalan niya dahil imbes na siya ang papatay, si Cris ang mapapatay niya. At mapuputulan pa niya ng mga daliri at hinliliit ito.

Iginala ng dalaga ang kaniyang mga mata sa paligid. Hapit na hapit ang suot ng mga babae sa club o bar na iyon. Kitang-kita na ang mga itinatago ng kababaihan habang ang mga kalalakihan naman ay aliw na aliw at enjoy na enjoy na makipag-usap at makipaglandian din sa mga babae. Hinahayaan lamang ng mga kalalakihang hawakan ng mga babae ang kanilang mga sandata. May mangilan-ngilan pang naipapasok na ng mga babae ang kamay nila sa loob ng pantalon ng mga kalalakihan.

Napailing siya. Pero panay pa rin ang gala ng mga mata niya hanggang sa makita niya ang kaniyang pakay. Nakaupo ito sa isang mahaba at hugis pabilog na upuan kung saan umiinom ito. Panay ang abot sa kaniya ng waiter ng alak na iniinom niya. Napangisi ang dalaga. Nakipagsiksikan siyang makadaan sa mga nagsasayawang mga babae at lalaki.

May mga tumatawag, pumipito sa kaniya at humahawak sa kaniya pero sa tuwing tititigan niya ang mga ito ay umaalis na lamang sila Takot marahil sila sa kaniya. Nang marating ang kinauupuan ni Cris ay kinalabit niya ito.

"Hi! Kumusta ka na?" pagsisimula ng dalaga. Napalingon naman ang binata pero pipikit-pikit na lamang ito at hindi siya pinansin. Sa halip ay nagsalin na naman siya ng alak sa kaniyang kopeta at tumungga.

"Kanina pa iyan lasing na lasing, Miss. Kaibigan mo ba siya?" hindi niya sinagot ang waiter. Napailing na lamang ang dalaga pero sa loob-loob niya ay ngiting-ngiti siya.

"Ang mabuti pa ay iuwi mo na lamang siya bago pa magkalat iyan dito. Mapapagalitan pa ako. Huwag kang mag-alala, bayad na siya bago pa siya maglasing dito." ani ng waiter.

"Ah, pwede mo ba akong tulungan muna na buhatin siya palabas at isakay ng taxi? Kung maaari lang naman. Please?" pupungay-pungay na pakiusap ng dalaga sa waiter. Tumango naman ito at tinanggal ang apron niyang suot at tinulungang alalayan si Crisostomo.

Nang makalabas sa maingay na bar ay nagpara na ito ng taxi at ipinasok ang binata. Nagpasalamat pa muna ang dalaga sa waiter at agad na pumasok sa loob ng taxi. Sa back seat nakahiga ang binatang si Cris habang ang dalaga ay sa front seat at sinabihan ang drayber na ihatid sila sa isang lugar.

Walang ibinigay na address ang dalaga sa drayber pero sinunod na lamang ang dalaga. Abala naman sa pagtatanaw sa labas sa kalyeng dinaraanan nila ang dalaga upang maghanap ng madilim na eskinita o lugar. Pero kahit hindi man lingunin ng dalaga ang drayber ay kitang-kita niya sa rear side mirror ng taxi na sumusulyap-sulyap ito at panaka-nakang tinitingna ang kaniyang suot na litaw na litaw ang kaniyang mapuputing hita.

Muli na namang napangiti ang dalaga. Pero mamaya na lamang niya ito aakitin kapag nakita na niya ang lugar kung saan ay puwede niyang mapatay ang mga ito at uunahin niya ang drayber.

Nang ma-tiyempuhang walang masyadong dumadaan sa isang madilim na eskinita ay agad niyang sinabihan ang drayber na iliko sa maliit na lugar na iyon. Nagtataka man ay sumunod na naman ang drayber. Agad na pinatigil ng dalaga ang drayber sa madilim na eskinitang iyon at nagsimulang akitin ang drayber.

Dahan-dahan nitong iniangat ang manipis at maiksi niyang suot na pang-iba hangganga sa lumitaw ang kaniyang mapuputing hita. Naglalaway at napapalunok-laway naman ang drayber na tila nag-iinit na nang mga oras na iyon. Kaya naman ay agad niya itong niyakap. Isinubsob ng dalaga ang mukha ng drayber sa kaniyang dibdib at hindi na nga napigilan ang tukso.

Habang abala sa paglapirot at paghalik ang drayber ay malikot naman ang mga mata ng dalaga at ang mga kamay nito. Nang makakita ng isang screw driver ay agad niya itong pinulot at sinaksak nang sinaksak ang leeg ng drayber. Hindi nakabuwelo ang drayber dahil isang saksak na naman ang kaniyang natikman sa dibdib. Ibinaon at idiniin pa iyon ng dalaga sa dibdib ng drayber hanggang sa tuluyan na itong putulan ng hininga.

Nilingon naman ng dalaga ang binata na mahimbing pa ring natutulog sa back seat. Kaya naman naghanap pa siya ng isang bagay na puwede niyang gamiting upang patayin na si Cris. Hinalungkat niya ang compartment ng taxi at nakita ang isang kit na naglalaman ng iba't ibang uri ng gamit pang-mekaniko. Isang liyabe at isang plays ang kinuha niya.

At dahil nga lasing na lasing si Cris ay ibinaba niya ito mula sa taxi. Patihaya niya itong hinila pababa hanggang sa bitawan niya itong sumalampak sa semento. Inihanda niya ang hawak na liyabe at nang magmulat si Cris ay hinampas niya ito nang hinampas sa ulo.

Ngunit tila naalimpungatan yata ang binata sa lakas ng pagkakahampas sa kaniya kaya hindi niya na naramdaman ang dugong dumadaloy mula sa kaniyang ulo dahil nahawakan niya sa paa ang dalaga. Natumba ang dalaga at bumagsak ang katawan sa semento pero hindi niya nabitawan ang hawak na liyabe. Kaya agad niyang hinampas muli si Cris sa kamay. Napadaing naman ang binata.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang dalaga at hinampas niyang muli sa ulo ang binata. Umabot sa sampung beses ang paghampas nito sa kaniyang ulo. At dahil marunong ang dalaga na magmaneho ay pinaandar niya ang sasakyan. Sinagasaan niya ang katawan ni Cris. Tatlong beses siyang umatras-abante habang sinasagasaan ito.

Nang matapos sagasaan ay binalikan ng dalaga si Cris at gamit ang plays ay hinila nito ang kaniyang dila hanggang sa maputol. Pinagputol-putol naman niya ang mga ngipin nito. Ang huli niyang ginawa ay ang pagputul-putulin ang mga daliri nito sa paa at sa kamay. Huli niyang pinutol ang hinliliit nito at pinagdudurog-durog hanggang sa parang tae na lamang itong nakadikit sa semento.

Pulang-pula na ang kaniyang kasuotan. Puno na ng mantsa ang kaniyang mukha at katawan ng dugo. Nagtagumpay siya.

Nagtagumpay siya sa pagpaslang sa kaniyang matalik na kaibigan noon.

Ngayon ay oras na upang umalis at linisin ang kaniyang sarili. Sumakay siya sa taxi matapos niyang ihulog at kaladkarin pababa ang patay na drayber. Pinaharurot na niya ito na may mala-demonyong ngiti sa kaniyang mga labi.

SAMPUNG MGA DALIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon