Ituro Mo, Puputulin Ko

1.4K 57 4
                                    

Ang Huling Yugto ng Hintuturo

3rd POV

Malalim na ang gabi, ngunit nasa labas pa rin ng bahay ang labinlimang taon na si Mariposa. Hinihintay niya ang pagdating ng kaniyan ama at ina. Nasa bayan pa rin kasi ito at hindi pa umuuwi. Nag-aalala na siya. Ngayon lang nangyari na gabi na at hindi pa rin nakakauwi ang kaniyang magulang.

Takot.

Pangamba.

Pag-aalala.

Kaba.

Kabadong-kabado na siya dahil ang bahay nila sa probinsiya ay gawa lamang sa pawid at kawayan. Wala ring kuryente pa ang kanilang maliit na kumunidad. Kaya minabuti na lamang niya na maghintay sa labas ng pintuan ng kanilang bahay upang salubungin ang kanilang pagdating.

Habang naghihintay ay panay ang tingin niya sa kalangitan. Kung lampara ang liwanag na makikita sa kanilang maliit na bahay kubo, ang liwanag na nagmumula naman sa kalangitan ang maaaninag mo. Dinig na dinig na rin ni Mariposa ang iba't ibang tunog ng kuliglig at mga insekto sa paligid. Nanunuot na rin sa kaniyang balat ang lamig ng hangin.

Tahimik pero nakakatakot.

Maliwanag ngunit may kakaibang presensiya siyang nararamdaman.

Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa bawat pag-ihip ng hangin.

"Ha!" Napabuntong-hininga na lamang si Mariposa. "Sana walang masamang nangyari kina ama at ina."

Upang libangin ang sarili ay napagpasiyahan ni Mariposa na magbilang ng mga bituin sa langit. Binibilang niya ang mga bituing nagkikislapan na kaniyang makita. Panay ang turo-turo nito.

Samantala, habang tuturo-turo si Mariposa at nagbibilang ng mga bituin sa kalangitan ay pauwi na rin naman ang mag-asawang Maria at Poncio dahil alam nilang nag-aalala na ang kanilang nag-iisang anak sa kanilang tahanan.

"Baka nagugutom na ang anak natin, mahal kong Maria," si Maria.

"Nag-aalala na nga ako, mahal," si Poncio.

"Bilisan na lang natin ang paglalakad. Hindi kasi natin namalayan na napahaba ang kuwentuhan natin sa ating mga kaibigan sa bayan na matagal din nating hindi nakita," ani Maria.

"Oo nga e. Mayayaman na sila. Pero tayo ay isang kahig at isang tuka pa rin. Magkagayunpaman ay masaya ako kahit mahirap lang tayo. Masaya akong ikaw ang naging maybahay ko, mahal," nakangiting saad ni Poncio na nakaakbay pa rin sa balikat ng kaniyang mahal na asawa. Ngumiti naman ang asawa at hinalikan si Poncio sa pisngi.

Ipinagpatuloy nila ang paglalakad. Halos dalawang oras din kasi ang layo ng bayan sa kanilang tahanan. Kaya nga hindi sila dapat abutin ng gabi dahil alam nilang nakakatakot ang umuwi. Naglipana kasi ang mga mamamatay-tao sa bayan at ayaw nilang mabiktima. Bali-balita rin na may namumutol ng mg daliri, kuwentong hindi nila masyadong pinaniwalaan. Mas naniniwala pa sila sa mga hindi nakikitang nilalang.

Mukhang may mabibiktima ako ngayong gabi na ito a. Masaya ito. Gusto ko silang gulatin.

Isang oras ng naglalakad ang mag-asawa. Dire-diretso lamang sila sa paglalakad. Panay ang turo ni Mariposa sa mga bagay na nakikita niya. Sinasaway naman siya ni Poncio.

"Huwag ka ngang turo nang turo mahal. Baka ma-engkanto ka at maputol ang mga daliri mo. Kagatin mo mga daliri mo. Baka may sumunod sa atin e," bigla namang nahintakutan si Maria. Hindi kasi siya naniniwala sa mga pamahiin. Naniniwala siya sa mga kakaibang nilalang pero ang mga sabi-sabi o pamahiin ay hindi. Ngayon lang siya natakot.

"Ang ganda kasi ng liwanag ng buwan tapos kaysarap pagmasdan ang mga halamang nadadaanan natin dito. Pasensya ka na, mahal. Tatandaan ko ang bilin mo," at kinaga-kagat na lamang ni Maria ang kaniyang mga daliri.

Muli silang naglalakad. Tanaw na tanaw na nila ang kanilang munting tahanan at nakikita na nila si Mariposa sa labas ng pintuan na nakatingin sa kalangitan nang sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napadaing si Maria. Agad namang umalalay si Poncio. Pero bigla siyang nag-alala nang mapansing may dugong lumabas sa bibig ng kaniyang asawa. Nang hawakan niya ang likuran ng asawa ay doon niya napagtantong may  sumaksak dito.

"Maria! Maria!"

"May tao ba riyan? Magpakita ka! Hindi ako natatakot sa 'yo! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa asawa ko. Magpakita ka!"

"Maria. Huwag kang bibitaw. Kakargahin na kita pauwi sa bahay. Malapit na tayo, mahal ko."

Naluluha na si Poncio. Kinarga niya ang asawa pero tinalasan niya pa rin ang kaniyang pakiramdam sa paligid. Hindi niya alam kung sino ang sumaksak dito. Ngunit, hindi pa man siya nakakapaglakad ay may matulis na bagay siyang naramdamang bumaon sa kaniyang likuran.

Hindi niyo ako puwedeng takasan. Kailangan ko ng pagkain.

Lumingon si Poncio at kitang-kita niya ang isang anino na kulay itim ang buong kasuotan. Nakasuot pa ito ng maskara sa mukha. Hindi masyadong matangkad. Mas matangkad pa nga si Poncio. Kahit humahapdi ang sugat na nararamdama niya ay nagsalita pa si Poncio.

"Si-sino ka? Anong kailangan mo? Bakit mo kami gustong patayin?" walang imik ang kaharap niya. Agad na itinaas nito ang isang matulis at malaking uri ng gunting. Nakailag si Poncio pero dahil may sugat na rin siya ay hindi niya naiwasan ang pangalawang atake sa kaniya. Kaya bumaon ang tulis ng gunting sa kaniyang balikat. Napasigaw ito sa sobrang sakit.

Nagugutom na ako. Lumaban pa kasi e. Unahin ko na lang muna ang babae.

"Poncioooo!" Isang malakas na sigaw ang narinig ni Poncio at kitang-kita niya ang pagtarak at pagsaksak ng aninong iyon sa kanilang asawa sa likuran. Maraming beses na ibinaon nito ang bagay na iyon hanggang sa malagutan nang hiningang sinasambit ng kaniyang asawa ang kaniyang pangalan.

Ngayon, ang lalaki naman! Gutom na talaga ako e.

Tinangkang tumayo ni Poncio upang harapin ang pumaslang sa kaniyang asawa pero isang pamilyar na tinig ang kaniyang narinig.

"Amaaaa! Inaaaa!" nilingon ni Poncio ang boses at hindi nga siya nagkamali dahil boses iyon ni Mariposa - ang nag-iisa niyang anak.

"Anak! Lumayo ka na rito! Tumakbo ka!" napipi yata ang anak at hindi nakapagsalita. Nanatili na lamang itong nakatayo. Agad namang sinaksak ng anino si Poncio sa leeg nito. Gulat na gulat si Mariposa at nang mga oras na iyon ay alam na niyang nasa panganib na siya. Kaya agad siyang tumakbo. Sinunod niya ang kaniyang ama.

Hindi naman sinundan ng anino si Mariposa. Sa halip ay muli nitong ibinaon ang gunting sa leeg ni Poncio. Hindi pa siya nakuntento ay itinarak naman niya ito sa dibdib hanggang sa bawian ito ng buhay.

Hay naku! Hindi naman ako kilala ng dalagitang iyon e. Kaya hahayaan ko na lamang siya. Ngayon kailangan ko ng putulin ang mga daliri ng mag-asawang ito nang makauwi na ako at makakain ng mg daliri.

Parang gumugupit lamang ng yero ang anino sa mga daliri ng kaniyang biktima. Palibhasa ay malaki, matulis at mahaba ang gunting na dala niya. Ang kulay itim niyang damit ay namantsahan ng dugo. Nang maputol ang mga daliri ay muli niyang ibinaon sa mag-asawa ang tulia ng gunting upang masiguradong patay na nga ang mga ito. Salitan niya iyong ginawa. Ang mga daliri na pinutol niya ay isinilid niya sa bulaa ng kaniyang kasuotan. Nang matapos ang ginawa niya ay agad siyang umalis. Nakaligtaan niyang dalhin ang gunting na ginamit niya.

Patalon-talon na naman itong naglalakad at pakanta-kanta ng Sampung mga Daliri.

Sampung mga daliri.
Dalawang tao ang napatay ko.
Putol ang isa. Putol ang pangalawa, pangatlo, pang-apat at panglima.
Pang-anim, pang-pito, walo, siyam at sampu. Kakain na ako.
Kakain na ako ng mga daliri.

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now