The Investigator

1.7K 66 20
                                    

ShaSha's POV

"Shaira Sharmaine, pinapatawag ka ng boss natin," tawag sa akin ng ka-opisina kong nagtatrabaho sa PNP.

"Sige, pupuntahan ko na si Sir. Salamat," sagot ko. Agad kong tinungo ang opisina ng Head ng Departamento namin na si Chief Arevalo. Matagal na rin nang huli ko siyang makausap at naitalaga pa ako noon sa Luzon. Ngayon nga ay kababalik ko lang galing sa isang misyon at heto na naman ako at mukhang may bagong na naman akong asaynment. Wala man lamang ba akong pahinga?

Pero hindi ako puwedeng magreklamo dahil part ito ng trabaho ko. Pagdating ko sa labas ng opisina ni Chief ay huminga muna ako nang malalim. I need this! Whew! After that ay kumatok na ako.

"Chief, this is Private Investigator Soliman. May I come in?"

"Come In. I need to talk to you. Sit down."

"Thanks, Chief."

"Mukhang alam mo na kung bakit kita ipinatawag ShaSha."

"May ideya na po ako, Chief."

"Kung ganoon ay hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You have been an asset to our department. You are one of the best investigator in our Team. Kaya naman ikinalulungkot kong hindi pa muna kita mapapayagang magbakasyon dahil mayroon kang dapat imbestigahan. This is a private mission at ako at ikaw lamang ang nakakaalam nito."

"They way you look at me and this particular case, Chief mukhang seryoso nga ito."

"Are you out for the challenge?"

"I'm always out for adventure, Chief."

"Kung ganoon, ito ang files na nakalap namin.  Ikaw na ang bahalang magbasa at tingnan ang bawat detalyeng nakapaloob diyan. To give an idea, this is not going to be easy. Hindi rin ito basta simpleng kaso lamang dahil ang suspek ay walang pagkakakilanlan. Para din sa iyong kaalaman, ang suspek ay pumuputol ng mga daliri. Ang iba sa kaniyang mga biktima ay pinapatay pa niya. I will leave this case to you. I know you can do it. I have faith in you, Sha."

"Makakaasa po kayo, Sir na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maresolba itong kasong ito. Salamat po sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin. Mayroon pa ho ba kayong nais idagdag?"

"Yes. I almost forgot. There's another person na makakasama mong tuklasin ang misteryo ng kasong ito. Kung sino siya, nasa tabi-tabi lang siya. At mas gusto niyang hindi mo siya makikita. Kokontakin niya lamang ako kapag mayroon na siyang lead sa kaso. At this point of time, you have to do your best. Baka matalo ka pa niya. Ha-ha. I'm just kidding. Magpapakilala rin siya sa takdang panahon. Ayaw niya munang magpakita. Hanggang tawag o text lang siya. Ibinigay ko na rin ang numero mo upang makausap ka niya o maka-text kapag may kailangan siya sa iyo. That's all for now. Goodluck, Sha."

Nag-salute na lamang ako sa kaniya at hindi na sumagot. May gusto pa sana akong alamin pero hindi bale na. Malalaman ko rin naman iyon e. Pagkalabas ko ng opisina ni Chief ay binalot ang isip ko ng napakaraming mga katanungan. Nang makabalik ako sa aking desk ay agad kong sinipat ang files na bigay sa akin ni Chief.

Iba't ibang litrato. Iba't ibang uri ng pagpaslang pero iisa ang nawawala - ang mga daliri ng mga ito. Ang unang litrato ay tungkol sa isang pamilya. Mukhang homicide yata ang nangyari dahil ama at ina pati ang yaya ang pinaslang. Parehong walang mga daliri ang namatay. Ang pangalawang litrato naman ay isang babaeng nagtatrabaho sa isang kompanya. Kung hindi ako nagkakamali ay kilala ko ang namatay.

I knew it! Si Kriselda ito. Kaklase ko siya noon sa elementarya at high school. I did not expect na ganito ang mangyayari sa kaniya. Although, I hate her kasi akala mo kung sinong matalino. Napailing na lamang ako kapag maalala ang mga nangyari sa akin noon.

I look at the third picture. Sa isang plasa ito. Mga bata ang biktima. Tatlong batang putol din ang mga daliri. Sa pagkakaalam ko ay hindi basta-basta mamamatay ang mga bata o ang isang tao kapag naputulan ng isang parts sa katawan partikular na ang mga daliri. Not unless, may sakit sa puso ang isa o hindi naman kaya ay matagal itong hindi naagapan at maraming dugo ang nawala.

Kawawa naman ang mga biktima. Ang nakapagtataka ay kung nasaan ang mga daliri ng mga biktima. Aswang ba ang gumawa nito o may sa aswang lang? Puwede ring may saltik o abnormal o may sakit sa pag-iisip ang suspek pero base sa report ay wala silang nakitang mga daliri sa crime scene. Nasaan naman kaya ang mga daliri?

Ang huling litratong tiningnan ko ay ang mga lasenggo daw na pinagtripan marahil ang isang biktima kaya naputulan ng mga daliri. Ngunit wala rin sa pinangyarihan ng krimen ang mga daliri nila. Isa nga itong misteryo at hindi ko kailangang palampasin ito. Mukhang mahihirapan akong matukoy kung sino at saan ang suspek dahil walang bakas ng bagay na ginamit sa crime scene.

Ang unang sumagi sa isipan ko ay may sa-barbero yata ang suspek o mahiligi lang talagang pumatay. Puwede ring may sakit talaga sa pag-iisip kaya nagawa niyang pumatay. Ilang oras din akong nag-isip at sinipat muli ang mga larawan hanggang sa naisipan kong puntahan mismo nang personal ang pinangyarihan ng krimen. Baka sakaling may mahanap pa akong lead o clue. Iyon na lamang ang puwede ko munang gawin.

"Mukhang malalim yata ang iniisip natin a?" Isang tinig ang narinig ko at agad na napaangat ang aking ulo. Nang makita at makilala ko kung sino ay kumulo ang dugo.

"What are you doing here?" Napataas ang boses ko.

"Relaks! I'm here to pick you up. Aren't you happy that I am here? Na-miss kaya kita." Aba nambola pa ang loko-loko a.

"I don't have time for you. I have a lot of things to check. At isa pa, hindi kita na-miss." Inirapan ko siya at ibinalik ko ang tingin ko sa binabasa ko.

"Come on, Sha. I'm your boyfriend, right?" Napa-arko ang kilay ko nang marinig ko ang katagang sinabi niya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Kailan naman naging tayo? FYI, there was never an us, you asshole! Get out of my face!" Talagang tumaas na ang boses ko at napalingon na sa akin ang mga officemates ko.

"Okay fine. Init ng ulo mo a. Binibiro lang kita." wika niya na nakangiti pa rin sa akin.

"Pwes! Hindi ako nagbibiro and I mean it! If you are not leaving, ako ang aalis!" At agad ko nang nilagay sa bag ko ang mga files at iba ko pang kailangan. Nabwisit na talaga ako sa bwisita kong ito. I hate him! Umalis na ako sa desk ko at sarkastikong tinitigan ko pa siya nang masama. Mabuti na lamang at hindi na niya ako sinundan dahil baka mabunot ko pa ang baril ko at maitutok ko sa kaniya. Makauwi na nga!

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now