Ang Lumang Bahay

1.2K 56 4
                                    

Ang Suspek

Madaling araw na nang marating niya ang lumang bahay. Nasa garahe pa lamang siya at pinagmamasdan ang kabuuan ng tahanang dati ay naging kanlungan niya.

Noon ay isa ito sa pinakamaganda at malaking bahay sa kanilang bayan. Subalit, nang dahil sa isang pangyayari ay nawalan na ito ng kinang. Ngayon ay hindi na pinapansin. Matataas na rin ang mga damo sa paligid nito na tila umabot na ang taas sa tarangkahan ng kanilang gate.

Kalawangin na rin ang gawa sa bakal na gate. Idagdag pa ang lamig at kakaibang simoy ng hanging dumadampi sa kaniyang balat. Habang patungo sa pintuan ng bahay ay iginala muna niya ang kaniyang mga mata. Napabayaan na nga at isa na yata ito sa kinatatakutang bahay ng mga tao sa bayan. Tila walang nagtangkang pasukin ito liban na lamang siguro noong panahong umalis siya at iniwang nakabulagta ang kaniyang naging mga biktima.

Dahil tanging liwanag lamang ng buwan ang maaaninag mo sa loob ay pinuntahan niya ang kusina at naghanap ng isang kandila. Nang makahanap ay pumunta naman siya sa basement ng bahay at tiningnan kung gumagana pa ang switch. Alam na alam niya ang pasikot-sikot sa bahay na ito at nang mapag-alamang gumagana pa ay ini-on niya ang switch at lumiwanag ang buong kabahayan.

Muli siyang bumalik sa taas ng bahay at dumiretso sa kusina. Kinuha niya sa kaniyang bulsa ang lulutuin niya. Pinagputol-putol niya ang mga ito. Nagpakulo siya ng tubig. Inihanda ang mga ingredients sa lulutuin niyang tatlong putahe. Adobong mga daliri. Inihaw na mga daliri at arroz caldo na may mga daliri.

Kahit dungis na dungis ang mukha at mabaho ay nagpatuloy muna siya sa kaniyang iniluluto. Ang mahalaga kaniya ay ang kalam ng kaniyang sikmura. Saka na lamang siya maliligo kapag tapos na ang lahat ng kaniyang ihahanda.

Makalipas ang halos isang oras na pagluluto ay handa na ang kaniyang mga ulam. Luto na rin ang kaning niluto niya sa lumang rice cooker na gumagana pa. Matagal na panahon na nga ang mga kagamitan pero gumagana pa rin. Palihim na lamang siyang tumatawa.

Bago siya kumain ay umakyat muna siya sa kaniyang dating silid. Ang silid kung saan ay masayang-masaya siyang naglalaro lalo na ang paggamit ng gunting. Naalala niyang pinagalitan siya noon ng kaniyang yaya dahil gabi na ay paglalaro pa rin ang kaniyang inaatupag. Pagkabukas sa kaniyang silid ay pinagmasdan niya muna ito. May bahid pa rin ito ng dugo sa sahig. Natuyo na pero halatang pula pa rin. Maging ang kobre-kama ay amoy dugo pa rin. Masangsang pero hindi niya iyon inalintana.

Pumunta na lamang siya sa tukador at naghalungkat ng damit na susuotin niya. Nang makahanap ay dumiretso siya sa banyo na nasa kuwarto niya at naligo. Umabot ng isang oras ang paliligo niya dahil sa dugong kumapit sa kaniyang balat. Ang kaniyang suot na damit ay inilapag na lamang niya sa toilet bowl at iniwan doon.

Nang makabihis ay bumaba na siya at tinungo ang pridyider. Kumuha ng tubig at nagsimulang ihanda ang kaniyang mga niluto. Bago kumain ay nagdasal pa ito ng isang maikling panalangin.

"Salamat sa pagkain ko ngayong umaga. Ha-Ha. Gutom na ako."

"Hmmm.... Mas magadan siguro kung kumanta at sumayaw muna ako bago kumain. Tama! Kakanta muna ako. Malayo naman ang mga bahay dito e. Takot lang nila. Ha-ha."

"Sampung mga daliri,
Putol ang isa.
Putol ang pangalawa,
Putol ang pangatlo,
Pang-apat at pang-lima."

Isa-isa niya niyang nilantakan ang pagkaing kaniyang inihanda. Takam na takam ito na tila ayaw magpahuling maubusan siya sa pagkain. Dinig na dining ang bawat malulutong na pagkagat niya sa mga daliring kaniyang kinakain.

"Ang sarap-sarap talaga!" didilat-dilat at pupungay-pungay pa ang mata niya habang dahan-dahang dinidilaan ang isang daliri at kinagat ito.

Napakabilis niyang kumain. Ang apat na cup ng bigas na nakita niya sa bigasan nila ay naubos niya maging ang arroz caldo na may daliri ay naubos niya rin. Napadikhay pa siya sa pagkabusog. Himas-himas pa niya ang tiyan niyang lumobo habang may nginunguya at dinidilaang parang lollipop lang huling daliring kaniyang kinakain.

Dikhay dito.
Dikhay muli.
Dikhay ulit.

Busog na busog na siya at hindi na niya namalayang napapikit na pala sa dahil sa kabusugan. Ni hindi na nga niya nailigpit ang kaniyang pinagkainan. Nakalimutan na rin niyang uminom ng tubig bago makaidlip.

Tanghali na nang magising siya at napakunot ang noon dahil napansin niyang nasa hapag-kainan pala siya nakatulog. Mag-aayos na sana siyang nang biglang tumunog ang kaniyang tiyan. Hudyat na gutom na siya. Tiningnan niya ang mesa at napangiwi dahil ubos na pala ang kaniyang nilutong mga ulam kaninang medaling araw.

"Ano ba 'yan! Ubos ko na pala kagabi ang niluto ko. Mukhang kailangan kong lumabas at pumunta sa bayan. Kailangan ko ng pagkain."

Tumayo na siya at inayos ang sarili. Pumanhik muna siya sa kaniyang silid at nagpalit ng damit. Pagkatapos magpalit ay bumaba na siya. Bago lumabas ng bahay ay tinungo niya muna ang basement at pinatay ang main switch. Siniguro niya munang naka-lock ang pintuan ng buong bahay bago dumiretso sa garahe. Malapit na siya sa garahe nang maalalang hindi niya pala suot ang kaniyang takip sa mukha.

Pansamantala siyang napatda at nag-isip.

"Alam ko na. Aakitin ko na lang ang magiging biktima ko para madala ko siya dito sa bahay. Pagkatapos ay papatayin ko para kahit mamukhaan niya ako ay patay na siya at wala siyang pagsasabihan. Tama! Ang galing ko talaga! Mana ako sa sarili kong matalino. Ha-ha."

Pinuring-puri pa niya ang kaniyang sarili bago patalon-talong naglakad palabas ng garahe ng kaniyang lumang bahay.

"Pen pen de sarapen,
de kutsilyo armasen.
Sampung mga daliri,
Putol ang isa,
Putol ang pangalawa,
Putol ang pangatlo,
Pang-apat at pang-lima.
Haw haw de karabaw batuten."

"Hi, Miss. Ang ganda mo naman. Saan ka pupunta." wika ng isang tinig. Naaliw kasi siya sa pagkanta habang patungo sa bayan at hindi niya namalayang nasa kalsada na pala siya at pinagtitinginan ng mga tao.

"Miss, bingi ka ba?" nilingon niya ang tinig at napangiti siya dahil isang morenong lalaki ang nasa harap niya. Mukhang type siya ng lalaki. Magsasalita na sana siya nang tumunog ang tiyan niya. Halatang gutom na siya.

"Ha-ha. Mukhang gutom ka na. Kung mamarapatin mo ay sumama ka sa akin sa bahay at ipagluluto kita. Okey lang ba sa iyo?" tumango siya sa binata at agad na sumunod dito. Ngiting-ngiti siya dahil ngiting tagumpay ang kaniyang makakamit.

"Mukhang nakuha ko siya sa alindog ko. Humanda ka dahil ikaw at ang mga daliri mo ang magiging putahe ko ngayon. Kahit hindi na ako umuwi ng bahay. Doon ko na lamang sa bahay mo kita lulutuin."

Habang nasa likod siya ng binata ay panay ang kanta nito. Lingid sa kaalaman niya ay may binabalak din pala ang binata sa kaniya kapag nakarating na sila sa bahay nito.

SAMPUNG MGA DALIRIDove le storie prendono vita. Scoprilo ora