Galit Laban sa Baliw

1.1K 47 3
                                    

Killer's POV

Sampung mga daliri, putol ang isa.
Putol ang pangalawa, pangatlo,
Pang-apat at pang-lima.
Penpen de sarapen,
De kutsilyo armasen.
Haw haw de karabaw,
Batuten.

Ang sarap talagang maging malaya! Lalo na kung hindi ka nakikilala at hindi k nahuhuli. Ang galing ko talaga. Pero gutom na naman ako. Kaunti na lamang ang pagkain ko rito sa bahay na ito. Saan kaya ako makakahanap ng pagkain? Sino kaya ang puwedeng maging biktima ko?

Aha! Ang mabuti pa ay lumabas muna ako at pumunta sa bayan. Maghahanap ako ng mabibiktima ko at dadalhin ko siya rito. Takip-silim na rin naman e. At panigurado akong nasa loob na ng kani-kanilang mga bahay ang mga tao.

Pero baka wala ng tao sa bayan? Sa plaza kaya, mayroon? Siguro naman mayroon. Kasi gutom na gutom na ako e. Magpapalit lang muna ako ng damit para maakit ko sila! Yes! Ang galing ko talaga.

Nang makapagpalit ay lumabas na ako ng aking silid. Pababa na sana ako ng hagdanan nang mapansin ko ang isang nakaitim at balut na balut ang mukha na imahe ng isang tao sa aking harapan. Mukhang masaya ito a! May bisita ako?

Dahil hindi ako takot sa kaniya ay bumaba pa rin ako ng hagdan. Siya naman ay nanatiling nakatayo lamang na tila sinusuri ang aking katauhan. Pansin ko rin ang malaking punyal na hawak niya sa kaniyang likuran.

Aba! Pareho kaming killer? Ano kaya ang pakay niya rito? Mapaglaruan nga.

"Sino ka? Paano mo nalaman ang bahay ko?" Hindi siya sumasagot. Tahimik lamang siya. Para siyang estatwa.

"Pipi ka ba? Bingi ka ba?" Naiinis na ako! Naiinis na talaga ako!

"Hoy! Anong ginagawa mo sa bahay ko?" Ginagalit na niya talaga ako. Sasampalin ko na sana siya pero napigilan niya ako. Iwinaksi niya ang kamay ko. Mukhang mapapalaban ako a. Kaya naman umatras muna ako sa kaniya baka kasi maputulan ako o masaksak sa hawak niya.

Nang medyo malayo na ako ay nakita kong tinatanggal niya ang nakatakip sa kaniyang mukha. At nagulat ako dahil pamilyar siya sa akin.

"Ano! Natatandaan mo ba ang mukhang ito?" Hindi ako puwedeng magkamali. Kilala ko siya.

"Amaaaa! Inaaaa!"

Siya ang batang babae! Magulang pala niya ang pinatay ko? Ha-ha. Tumawa pa ako nang mapakla!

"Ngayon, naaalala mo na ba ako?" matalim ang kaniyanh mga titig. Hindi naman ako nagpatalo sa kaniyang tingin. Bagkus ay humalakhak pa ako. Magkasing-edad lang kami. 'Di hamak na mas matalino naman ako sa kaniya at mas maganda!

"Oo! Natatandaan kita. Alam ko ring ikaw ang sumusunod sa akin matapos kong paslangin ang iyong magulang. Tama ba?" Gusto ko siyang galitin.

"Anong kasalanan ng aking magulang upang patayin mo sila?!" Ayan na! Nanggigil na siya pero wala pa akong hawak na bagay na pananggalang kung sakaling gagamitin na niya ang hawak niya.

"Mahilig kasi sila sa turo-turo e! At hindi lang iyon. Masarap ang mga daliri nila! Nagugutom nga ako ngayon e. Gusto ko ang mga daliri mo. Batang-bata. Katulad ko!" At isang mala-demonyong ngiti ang pinakawalan ko. Hindi na siya sumagot. Bagkus ay mabilis niyang itinarak ang hawak niyang punyal.

Mabilis ko naman iyong nailagan at dali-dali akong tumakbo sa kusina upang kumuha ng itatapat ko sa kaniya. Hinabol niya ako pero mabilis pa rin ako sa kaniya. At nakuha ko ang pakay ko - isang itak.

Ang alam ko ay butcher knife ang tawag sa hawak niya. Nakalimutan ko ang tagalog no'n e. A, basta! Iyon na iyon. Baliw na yata ako! Ay mali pala! Baliw ako. Nagawa ko pang tumawa.

Butcher knife laban sa itak. Galit laban sa baliw na katulad ko.

"Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Hindi ko hahayaang mabubuhay ka pa!" At itinapat na nga niya sa akin ang hawak niya pero nasangga ko iyon. Ang galing nga e! Dinig ko ang kalansing ng mga hawak namin. Pero hindi ako magpapatalo sa kaniya.

"Talaga lang ha? P'wes hindi mo ako matatalo! Ikaw pa lang ang nangahas na kalabanin ako at dito pa sa pamamahay ko! Ikaw ang mamamatay at hindi ako!" Nag-eskrimahan kami. Panay ang kalansing ng aming mga hawak. Hindi kami nagpatalo hanggang sa pareho na kaming nasugatan. Tinamaan niya ako sa braso at nasugatan ko naman siya sa balikat.

Nagpatuloy pa ang aming tagaan, saksakan, at kalansingan ng mga punyal na hawak namin. Magaling lang ako sa paghawak nito pero hindi ko maitatangging mas magaling siyang lumaban. Bakit hindi ko napaghandaan iyon?

"Papatayin kita!" Umaapaw na ang galit niya. Dalawang kamay na niya ang nakahawak sa butcher knife at ako naman ay hindi na nakailag dahil tinamaan ang aking kanang kamay. Napadaing ako. Sunod-sunod na sumisirit ang dugo sa aking kamay. Nanghihina ako. Dadamputin na sana ng aking kaliwang kamay ang itak na hawak ko pero huli na. Naputol niya ang kaliwang kamay ko!

Sigaw na ako nang sigaw!

"Ngayon, tatapusin ko na ang sinimulan ko! Papatayin kita!"

Tinaga niya ako nang tinaga. Sa likod. Sa braso. Sa paa. Sa dibdib. Hindi ko na mabilang kung ilang taga iyon. Pinilit ko pa ring dumilat pero mukhang ito na ang katapusan ko.

Hindi pa siya nakuntento sa kaniyang ginawa sa akin. Parang baboy niyang pinutol ang kanan at kaliwa kong kamay. Pinagtatadtad niya rin ang mga daliri ko. Umagos na nang umagos ang mga dugo sa labi ko at patuloy sa pagsirit ang mga ito sa putol kong mga kamay. Bago ako tuluyang pumikit ay nagawa ko pa siyang isumpa.

"Hindi mo ako basta-basta mapapatay! Isinusumpa kong babalik at babalik ako at ako naman ang papatay sa iyo! Isinusumpa ko!"

Ramdam ko ang pagbaon ng isang matulis na bagay sa aking dibdib. Diniinan niya pa ito hanggang sa maabot ang tumitibok kong puso. Doon na tumigil ang paghinga ko at ipinikit ko na ang aking mga mata.

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now