Aprub ba? (Paalam, Kriselda)

2.1K 87 12
                                    

Final Part...Hinlalato

"Gutom na gutom na naman ako. Peste kasing mga lasenggong 'yon. Hindi ko tipo ang kanilang mga kamay. Ang pait sa panlasa. At mabaho pa. Eww lang talaga. Yuck!" duduwal-duwal na saad niya.

"Kailangan kong puntahan si Kriselda na iyon at gusto kong ang mga daliri niya ang gagawin kong barbecue. Hmmm. Naglalaway na talaga ako. Teka, saan nga pala ang way papunta roon sa opisina ng babaeng iyon?" lilingon-lingon siya sa kaliwa at sa kanan upang isipin kung saan siya puwedeng dumaan. Nasa kalsada na kasi siya.

Ang mga taong nakakakita naman sa kaniya ay nagsisipaglayuan at nagsisitakbuhan dahil sa nakakatakot niyang kasuotan. Mabaho at napagkakamalan pang palaboy o abnoy ng ibang tao. Kaya naman tinatakot niya rin ito upang layuan siya.

"Alam ko na! Naalala ko na. Makapaglakad na nga. Mababaliw na yata ako sa mga tao rito. Mukha pa nga silang baliw sa akin e. Putulan ko ng mga kamay iyon e. Makikita nila. Gutom na ako."

Muli siyang naglakad. Tawid dito. Tawid doon. Lakad dito. Lakad doon. Kaliwa't kanan siyang naglalakad. Para siyang batang paslit na sabik na sabik na makauwi upang makakain ng paborito niyang pagkain. Tatalon-talon pa siya. Kakanta-kanta pa.

"Sa wakas! Narito na ako sa tapat ng opisina ng Kriselda na iyon!" natagpuan niya rin sa wakas ang kaniyang pakay na lugar. Nagpalinga-linga muna siya upang tingnan kung may tao o wala maliban na lamang sa guwardiyang nakabantay sa labas. Malapit na ang alas y otso ng gabi at alam niyang magsasara na rin ang opisina pero kitang-kita niya mula sa baba ang isang nakabukas na parte ng ikatlong palapag kung saan naroon ang opisina ni Kriselda.

"Naroon pa siya at hindi na ako makapaghintay. Uunahin ko muna ang manong guwardiya na ito upang makaakyat ako. Tama! Ganoon na nga amg gagawin ko."

At dahan-dahan siyang lumapit sa guard house upang tingnan ang guwardiya. Nang makitang napapapikit ito ay agad niyang kinuha ang dala niyang gunting at agad na ibinaon iyon sa likurang leeg ng guwardiya. Hindi pa siya nakuntento ay sinaksak niya itong muli sa dibdib hanggang sa tuluyang malagutan.

Aalis na sana siya upang pumasok nang mapansin niya ang mga daliri ng guwardiya. Kumalam na naman ang kaniyang sikmura. Kaya agad niyang ginupit isa-isa ang daliri ng guwardiya. Nang maputol lahat ng mga daliri ay una niyang tinikman ang hinliliit nito. Nasarapan siya kaya parang batang paslit itong dumilat-dilat at papikit-pikit pang nginunguya ng hilaw ang daliri na iyon.

At dahil nga nagustuhan niya ang lasa ay agad na niyang kinain ang iba pang mga daliri habang papasok at paakyat siya sa ikatlong palapag ng gusali. Naka-hood pa rin naman siya at may maskara sa mukha kaya naman kampante siyang hindi siya makikilala sa CCTV Camera. Nag-hi at hello pa siya na pakaway-kaway nang makita ang CCTV camera.

"Grabe naman pala ito. Nakakapagod pala umakyat kung sa hagdanan. Hay buhay oh! Nakalimutan ko kasi kung paano gamitin ang elevator e. Ang bobo ko talaga! Hindi bale na. Nandito na rin naman ako sa ikatlong palapag e. Yehey! Makikita na rin kita, Kriselda!"

Kahit hingal na hingal sa pag-akyat, sumilay naman sa kaniyang mukha at mga labi ang ngiting demonyo upang isagawa ang kaniyang balak. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at marahan ding naglakad nang hindi gumagawa ng ingay pero natapilok siya kaya narinig niya ang boses ni Kriselda.

"Sino iyan? May tao ba riyan?" sigaw nito. Agad na nagtago ang anino upang hindi siya makita. Si Kriselda naman ay biglang kinilabutan at agad na napatayo sa kaniyang swivel chair. Marami pa siyang dapat na tapusing basahing mga manuscript dahil malapit na rin ang deadline for printing.

"May tao ba riyan? Sumagot ka? Hindi ako nagbibiro?" nakaawang na ang ulo ni Kriselda sa labas ng kaniyang opisina habang matapang na tiningnan kung may tao nga ba o wala. Agad namang gumapang nang gumapang na hindi lumilikha ng ingay ang nakapasok patungo sa kinaroroonan ni Kriselda. Palinga-linga pa rin si Kriselda. Damang-dama na niya ang kaba maging ang takot na baka may nakapasok. Pero sigurado siyang safe ang opisina dahil hindi basta-basta nakakapasok ang sino man.

Bumalik si Kriselda sa kaniyang table at agad na nag-ayos. Kinakabahan na siya. Kailangan na niyang umuwi. Masama ang kutob niyang may mangyayaring hindi maganda. Tatawagan na sana niya ang guard house nang bigla siyang napasigaw dahil tumunog ang kaniyang cellphone.

Tinitigan niya lamang ito nang ilang beses at hindi man lamang ginalaw upang sagutin kung sino ang tumatawag. Mulagat ang kaniyang mata pero ang isipan niya ay baka prank caller iyon. Kaya ayaw niya itong sagutin.

Habang nanatiling nakatayo si Kriselda, hindi niya namalayang may tumayo na sa kaniyang likuran. "Hi, Kriselda." Lalong nagulat si Kriselda at namamawis na lumingon sa kung sino man ang tumawag sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay agad niyang nakita ang papalapit na tulis ng nakakasilaw na bagay. Hindi siya nakabuwelo at bumaon iyon sa kaniyang mata.

"Mamamatay ka ngayong gabi, Kriselda! Mamamatay ka!" Binunot muli ang punyal na iyon sa kaniyang mata at ibinaon na naman ito sa isa pa niyang mata. Malakas na sigaw ang kaniyang pinakawalan. Hinapuhap niya ang kaniyang table pero isang matalim na bagay na naman ang bumaon sa kaniyang kamay. Sisigaw na naman sana siya ngunit hindi niya nagawa dahil sa bunganga niya bumaon ang isang bagay - ang gunting.

"Sisigaw ka pa ha?"

Hindi pa ito nakuntento sa ginawa niya kay Kriselda dahil humihinga pa ito. Kaya naman ay ginupit niya ang mga labi nito at pinagsasaksak ang mukha at dibdib nito hanggang sa wala ng tibok ang kaniyang puso.

"Grabe! Napagod ako a. Ang mabuti pa putol-putulin ko na ang mga daliri niya at ihawin."

Ginawa nga niya ang kaniyang pakay at napagmasdan niyang napakaganda ng kaniyang kamay at mga daliri lalong-lalo na ang hinlalato nito. Nang matapos gawin ang kaniyang nais ay hinanap niya muna ang maliit na kusina sa opisinang iyon. Nang makita ito ay agad naman niyang hinanap ang oven.

"Gutom na ako kaya sa oven ko na lang muna iihawin ang mga daliri ni Kriselda. Hmmm. Hindi na ako makapaghintay."

Inilagay niya ang mga daliri sa oven at si-net na niya ito sa five minutes lamang dahil nga gutom na gutom na naman siya. Makalipas ang limang minuto ay amoy na amoy na niya ang mga daliri ni Kriselda. Nilagay niya ito sa isang foil na nakita niya at binalot doon. Lumabas na siya ng opisina. Sa hagdanan na naman siya dumaan dahil mabilis na siyang makakababa.

Nang makalabas sa establisiyemento ay tumalilis na siya nang takbo na walang kahit na sino mang nakakita sa kaniya.

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now