Si Dabiana Balyena

978 37 0
                                    

Killer's POV

Pangalawang araw na ito. Malapit na rin ang gabi. Narito ako ngayon sa pamilihang bayan. Bibisitahin ko si Dabiana Balyena. Balyena ang tawag sa kaniya dahil sa laki ng kaniyang katawan. Idagdag pa na anak siya ng matadero na nagtitinda ng baboy sa palengke.

Kanina pa ako nag-aabang sa kaniya rito pero bakit hindi ko siya mahanap? Inayos at pumorma pa ako para lang kaniyang masilayan pero tila hindi yata pabor ang pagkakataon sa akin dahil wala siya. Sayang! Hindi niya man lamang masisilayan ang aking guapong mukha.

Siya pa naman ang susunod kong biktima. Naglakad na lamang ako pabalik sa kung saan ako dadaan. Nagmamadali pa ako kahit wala na masyadong taong naglalakad sa bayan. Sa pagmamadali ko ay nabunggo ako. Hindi sa bagay kung hindi sa isang-- balyena. Si Dabiana Balyena.

Sa halip na maiinis at magalit ay kumalma ako. Sa wakas nakita ko rin siya.

"Aray naman! Hindi ka kasi tumi--" naputol nito ang nais niyang sabihin. Kumurap-kurap pa ito na parang nakakita ng isang artista.

"Pasensya ka na ha? Ang laki mo kasi e kaya hindi ko napansin," sinadya kong ngumiti nang kaylapad para makita niya ang mapuputi at pantay kong ngipin.

"A. E. I. O. U," iyon na lamang ang kaniyang nasabi. Pupungay-pungay pa ang kaniyang mata. Kumikinang-kinang. Kumakagat na siya.

"Pogi! Ay! Ang pogi mo talaga. Pauwi ka na ba? Puwede makisabay?" ang dali talaga niyang akitin. Kahinaan niya ang mga guapong lalaki. Kaya naman itinuloy ko ang aking pagkukunwari.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mo bang sumama sa akin?" nag-beautiful eye pa ito at tumango-tango.

"Sige. Sama ka sa akin," oo naman siya nang oo.

"Ilang taon ka na pogi? Anong pangalan mo? Ako si Dabiana. 16 years old. Dabby for short. Ikaw?" todo hawak talaga siya sa braso ko.

"Mamaya na lang ako magpapakilala. Dadalhin kita doon sa paborito kung puntahan. Tahimik. Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin doon. Tiyak na magugustuhan mo ang lugar ko," ngiting-ngiti talaga ako kahit kanina pa nangangati ang mga kamay ko na paslangin siya.

"Tahimik? Gusto ko iyan. Ang pogi mo talaga. Pakurot nga sa pisngi mo," at kinurot niya talaga ang pisngi ko. Maghintay ka lang dahil mamaya ako naman ang kukurot diyan. Makikita mo!

Ilang minuto rin kaming naglakad hanggang sa napansin niya yatang gubat na ang pupuntahan namin.

"Ay! Hindi ako puwedeng pumasok diyan. Madilim at nakakatakot diyan. Uwi na lang ako," bago pa siya tumakbo ay agad ko siyang binatukan sa leeg na ikinahimatay niya.

Dahil mabigat siya ay hindi ko siya kinarga. Hinawakan ko na lamang ang dalawa niyang kamay at hinila nang hinila hanggang makarating sa aking pupuntahan. Nahirapan talaga ako sa paghila. Ang bigat-bigat niya.

Kahit may kalamigan ang dampi ng hangin sa paligid ay pinagpapawisan pa rin ako sa kakahatak sa kaniya. Sa wakas ay nagtagumpay din akong madala siya sa liblib na pook na iyon. Tanging liwanag ng mga bituin sa kalangitan ang tanglaw nang gabing iyon. Malayo ito sa bayan o palengke. Kaya't tiyak ako na walang makakarinig kay Dabiana kapag sumigaw ito.

Pero para siguradong hindi siya makasigaw ay nilagyan ko ng packing tape ang bibig niya. Pinagmasdan ko muna ang paligid at napansin kong may apat na puno sa bawat sulok. Kaya naman ay kumuha ako ng lubid sa dala kong bag. Tinalian ko ang bawat kamay at paa ni Dabiana.

Napangiti ako. Kakatayin ko siya na parang baboy. Matapos talian ang kaniyang kamay at paa ay itinali ko naman sa mga puno ang mga lubid. Kahit mabigat siya ay buong lakas ko pang naitali ang mga ito. Marahil ay naramdaman niyang tila nasasaktan siya ay nagising si Dabiana.

Todo pumiglas ito nang mapansin ang kaniyag posisyon. Nginitian ko lang siya. Pinilit niyang gumalaw-galaw pero mahigpit ang pagkakatali ko. Manigas siya. Alam niyang sa bawat paggalaw niya ay mahihiwa o masusugatan ang kaniyang kamay at paa. Ha-ha-ha.

Ngayon simulan na natin ang paghihiwa. Kumuha ako ng isang cutter at ipinakita ko iyon kay Dabiana. Nanlaki ang kaniyang mga mata at lalong nagpumiglas ito. Nagmamakaawa. Pero sorry na lang siya dahil wala akong awa!

Itinapat ko ang cutter sa kaniyang matatabang hita at dahan-dahang hiniwa ang mga iyon. Andaming dugo. Para lamang akong kumakatay ng baboy. Sinunod ko naman ay ang kaniyang mga kamay. Ganoon din ang aking ginawa pero imbes na marahan ay todo diin ako sa paghiwa ng mga ito. Kitang-kita ko ang mga luhang nahuhulog sa kaniyang mga mata.

Nakiki-usap ito na tigilan ko na. At iyon ang hindi ko magagawa. Tumigil ako sa paghiwa sa kaniyang mga kamay. Doon naman ako sa kaniyang leeg. Minamadali ko na lamang ang aking paglaslas sa kaniyang leeg. Nagdedeliryo ito hanggang sa mamuti ang kaniyang mga mata.
Hindi pa ako nakuntento. Itinarak ko ang cutter sa kaniyang dibdib. Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong beses ko lang naman ginawa iyon. Nagtagumpay akong patayin siya. Hindi na siya humihinga. Ang saya-saya naman nito.

Muli ay pinagmasdan ko si Dabiana. Parang baboy talaga siyang kinatay, nilaslasan, tinarakan, at hiniwaan. Ngayon naman ay binalikan ko ang aking bag at kinuha mula roon ang gamit ng isang matadero. Iyong malaki at mataba na hugis kuwadradong uri ng kutsilyo na kasya sa aking bag ang kinuha ko.

Kumikinang pa ito sa ilalim ng gabing tanging buwan lamang ang tanglaw. Itinaas ko ito ay itinapat sa kanang kamay niya at ilang beses kong pinagtataga hanggang sa maputol ko ito. Ganoon din ang aking ginawa sa kaliwang kamay niya. Tagas nang tagas ang mga dugo mula sa putol niyang mga kamay. Basang-basa na rin ang aking mukha, at damit sa mga dugong tumatalsik at tumitilamsik sa akin.

Kinuha ko na ang mga putol na kamay at isinilid ang mga ito sa aking bag kasama ng aking mga ginamit sa pagpatay sa kaniya. Hindi ko na pinunasan ang aking mukha. Agad kong tinahak ang daan pabalik sa aking munting kubo dahil alam kong hinihintay na ako ng aking mahal na si Matilde.

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now