Ang Dalaga sa Batis

757 35 0
                                    

Killer's POV

"Hay naku, Tilde! Naiinip na ako. Sobrang inip na inip na ako. Gustong-gusto na kitang makausap."

Napabuntong-hininga na lamang ako habang sinusuklay ko gamit ng aking mga daliri anv buhok ng mahal ko. Ilang araw na siyang patay at may mga parte ng katawan niya ang naagnas na.

"Hindi puwede! Kailangan ko ng kumpletuhin ang pinapagawa sa akin bago tuluyang maging uod ang mahal ko."

Tumayo ako at sinulyapan ang mga malalaking garapon ng tatlong pares na mga kamay. Inilapag ko ang mga iyon sa tabi ng ulo ni Tilde. Dalawang dalaga ba lang ang kailangan ko. Saan kaya ako puwedeng mamingwit?

Tama! May malapit na batis dito kaya magbabaka-sakali ako roon. Kailangan ko ng humayo bago tumirik ang araw. Sigurado akong mga ganitong oras ng umaga bago magtanghali ay may magagawi roon o 'di naman kaya ay may maliligo.

Napangiti ako nang bahagya.

Lumabas na ako ng munting kubo ko. Hindi na ako nagdala ng back pack ko. Ako na ang gagawa ng paraan kung paano ko papatayin ang magiging pang-apat kong biktima. Masaya ito. Masayang-masaya!

Nagsimula na akong maglakad. Mga dalawang oras din ang lalakarin bago marating ang maliit na batis. Siyempre, ako lang ang nakakaalam ng shortcut kung paano makararating doon. Ako lang at wala ng iba! Hi-hi-hi.

Ayan na! Malapit na. Naririnig ko na ang agos ng tubig sa batis.

Kaya naman mataman kong pinagmasdan muna ang paligid at tinalasan ko rin ang aking paningin sa mabibiktima ko. Nagtago-tago muna ako sa mga matatabang puno upang masigurong walang makakakita sa akin.

Napakamot pa ako sa ulo nang mapagtantong wala pang nagagawi roon. Maaga pa naman e. Mga ala y sais pa lang naman ng umaga. Kailangan kong maghintay.

Umupo na lang muna ako sa damuhan at nagbunot ng damo. Nagbilang ng langgam at nginuya-nguya ang mga dahong mapitas ko sa aking harapan hanggang sa may narinig akong tinig.

"Leron, leron sinta. Buko ng papaya. Dala-dala'y buslo. Sisidlan ng bunga."

Marahan kong iniangat ang ulo ko at tinanaw ang isang dalagang sa tingin ko ay nasa kinse anyos na. May bitbit itong batya na may lamang mga labahin.

May pasipol-sipol pa siya at kakanta-kanta ng leron, leron sinta.

"Leron, leron sinta, maglaba ka na. Dahil 'di mo alam, mamamatay ka na."

Sinabayan ko rin ang tono ng kantang-kinakanta niya pero iniba ko ang liriko. Maghihintay pa ako. Hindi ako puwedeng mainip. Magagawa ko rin ang pakay ko sa kaniya.

Muli ko siyang pinagmasdan. Inipit na niya ang kaniyang itim at mahabang buhok. Tapos ay itinaas ang kaniyang palda na akala ko ay walang suot na pang-ibaba. Iyon pala ay may pekpek short siya.

Nagsimula na siyang magbasa ng mga damit sa tubig. Ako naman ay dahan-dahang lumabas sa aking pinagtataguan. Hindi ako dumaan sa harapan dahil makikita niya agad ako. Umikot lamang ako sa kabilang parte ng batis. Habang naglalakad ay hindi ko inalis ang aking tanaw sa dalaga.

Nagsasabon na siya at nagkukusot ng mga damit habang kumakanta. Nang malapit na ako sa direksyon kung saan siya nakatalikod ay dahan-dahan naman akong tumatawid paroon sa kaniya. Mababaw lamang ang tubig roon. Habang tinatawid ang tubig ay inilublob ko ang aking kanang kamay upang kumuha ng bato.

Bato. Ito ang gagamitin ko upang patayin siya. Ilang hakbang na lang at malalapitan ko na siya.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Nang makabilang ng lima ay iniangat ko na ang kanan kong kamay na hawak na batong kasing laki ng aking kamao at pinukpok ang kaniyang ulo. Malakas ang pagkakahampas kong iyon at bumulagta siya sa kaniyang batya.

Agad ko siyang binuhat upang ihiga sa lupa malapit sa batuhan. Iniharap ko siya sa akin at kita ko ang duguan niyang ulo na patuloy sa pag-agos ang dugo. Sinuri ko ang kaniyang pulso at nakumpirmang buhay pa ito.

Kumuha ako ng isa na namang bato. Mas malaki na iyon dahil dalawang kamao ko na ang ginamit ko upang buhatin at baklasin iyon mula sa ilalim ng tubig.

Bumalik ako sa nakahandusay na dalaga at walang sabi-sabing pinagpupukpok ko ang kaniyang ulo at mukha hanggang sa mapisa ito at mabasag ang kaniyang bungo.

At dahil wala akong dalang kahit na anong pamputol sa kaniyang dalawang kamay ay bato pa rin ang ginamit ko. Naghanap ako ng isang hugis kwadradong bato at isang kasing laki ng kamao ko. Nang makakita ay agad kong binalikam ang bangkay ng dalaga.

Upang siguruhing wala na itong hininga ay inilapit ko ang aking kaliwang tainga at pinakinggan ang pintig ng kaniyang puso.

Wala na akong marinig. Tatlong beses kong ginawa iyon. Pinakiramdaman ko rin ang kaniyang pulso at napag-alamang wala na rin. Kaya ipunuwesto ko ang isang kuwadradong bato sa tabi ng kamay niya. Inilagay ko roon ang kaliwang kamay nito.

Hinawakan ko ito at aking kanang kamay naman na may hawak na bato ay pinagpupukpok ang kamay niya hanggang sa maputol ito. Ganoon din ang ginawa ko sa kanang kamay niya. Talsikan ang mga dugo sa aking mukha at damit maging sa aking mga kamay.

At dahil patay na siya ay tumayo na ako bitbit ang dalawang kamay ng dalagang pinatay ko. Bago ako humakbang ay hinila ko muna pabalik sa may batis ang bangkay ng dalaga. Hindi naman aanurin iyon ng tubig dahil sa mababaw na parte ko lamang siya itinapon.

Tumawid na ako sa kabila kung saan ako dumaan kanina at muling binagtas ang daan pauwi.

Isang pares na lang ng mga kamay ang kailangan ko upang matupad ang hiling ko sa demonyo. Tirik na tirik na ang araw at alam kong may oras pa ako upang maghanap ng huling dalagang mabibiktima ko.

Maliligo muna ako at magpapalit ng damit pagkadating ko sa kubo kung saan nakahimlay ang aking mahal na si Matilde.

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now