Ang Pagkikita ng Magsing-Irog

1K 39 2
                                    

Shasha's POV

Isang taon ang lumipas pero hindi ko pa rin nareresolba ang kaso. Ito na marahil ang pinakamahirap na kasong ipinaubaya sa akin. Mahahanap ko pa kaya ang salarin?

Sobrang dilim na nang makarating ako sa lumang bahay na ito. May natanggap kasi akong mensahe na nandito raw ang killer. Kaya dali-dali akong nagpunta rito upang ako mismo ang makahuli sa kaniya. Hindi ko na ipinaalam kay Chief kung saan ako pupunta. Saka ko na lamang sasabihin sa kaniya kapag nahuli ko na ang salarin.

Nasa bungad na ako ng gate ng lumang bahay nang mapansin kong maliwanag sa loob. Doon na ako kinabahan. Naroon nga siguro ang suspek. Bago buksan ang gate ay hinugot ko muna mula sa aking likuran ang .45 calibre pistol ko at inihanda ang sarili. Tinalasan ko ang aking pandinig at pakiramdam sa paligid.

Dahan-dahan akong pumasok. Nang nasa main entrance na ako ng bahay na iyok ay tinangka kong buksan ito. Naka-lock. Sipain ko na kaya? Hindi puwede baka magulat ang suspek at mahalatang may pumasok. Kaya naman ay payuko akong umalis roon at naghanap ng isa pang pintuan.

Sa wakas nakahanap ako ng mapapasukan. Bukas ang likurang pinto ng bahay kaya doon ako dumaan. Pero nang bubuksan ko na sana ito ay may naramdaman akong tila may sumusunod sa akin. Dumagdag pa ang kakaibang simoy ng hanging dumapi sa aking balat. Kahit may pangamba ay naging matapang pa rin ako.

Tama! Kailangan kong maging matapang. Isa akong detective na tinitingala ng marami. I can do this! Inalis ko na lamang sa aking isipan ang pangamba sa kung sino man ang nakatingin o bumubuntot sa akin. Marahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Tahimik. Wala akong kahit na anong ingay na naririnig.

Hawak-hawak ko pa rin ang baril ko. Sinipat-sipat pa ng aking mata ang bawat madaanan ko. Isa itong kusina. Amoy na amoy ko ang mga natuyong dugo. Tinakpan ko na lamang ang aking ilong. Isa-isa kong tiningnan ang mga naroon. Maruming-marumi ang lababo. Maitim na maitim ang kaldero at maging ang mga kaserola at kubyertos na naroon.

Binuksan ko ang kaldero at halos masuka ako nang maamoy ko ang laman niyon. Parang amoy ng patay na daga. Ibinalik ko muna sa aking likuran ang baril. Kumuha ako ng panyo at itinakip ko ito sa aking ilong para maibsan ang bahong naaamoy ko. Kumuha naman ako ng sandok at tiningnan kung ano ang laman ng kaldero.

Nang iangat ko iyon ay doon naman ako naduwal. Tinungo ko ang lababong may maruruming pinggan at hugasan at nagsuka. Mga daliri iyon. Bahay nga ito ng salarin. Halos maubos na ang kinain ko sa pagsusuka dahil sa nakita ko. Pinahiran ko na ang aking bibig gamit ang panyo. Muli kong binunot ang aking baril at nagsimulang puntahan ang iba pang parte ng bahay.

Habang naglalakad ay nahagip ng aking mga mata ang mga daliring naroon sa mesa. Ang mga tuyong dugo. Ang mga maliit na buto na parang buto ng mga manok at ang mga uri ng matutulis na bagay. Napapailing na lamang ako. Serial killer yata ang narito. Kailangan ko pa ring maging matapang!

Nasa gitnang bahagi na ako ng bahay nang makita ko ang isang nakahandusay na tao. Nilapitan ko ito at sinuri kong may pulso pa. Wala na! Sinuri ko ulit. Wala na talaga siyang buhay! Lagot! Siya na marahil ang suspek pero bakit parang isang tinedyer lamang ito?

Pinatahiya ko upang mapagmasdan nang may marinig akong mga yabag. Agad ako munang nagtago sa gilid ng pintuang papasok sa sala malapit sa hagdanan. Ipinuwesto ko ang aking sarili. Itinaas ng dalawa kong kamay ang hawak kong baril. Mahigpit ko itong hinawakan. Huminga ako nang malalim.

Pumikit-pikit pa ako at nagsimulang magbilang sa aking isip. Sino naman kaya ang salaring pumaslang sa suspek? Humanda ka at mahuhuli din kita!

Isa. Hingang-malalim.

Dalawa. Inhale. Exhale ulit.

Tatlo. Malapit na siya.

Apat. Isang hakbang na lang.

"Huli ka!" at nang itapat ko ang aking baril sa taong nasa harap ko ngayon ay laking gulat ko dahil nakatutok din sa aking ang isa pang baril. May hawak din siyang baril.

"Sino ka? Magpakilala ka!" hindi siya natinag. Nakasuot kasi ito ng itim na jacket na may hood. Matangkad. Hapit na hapit din ang suot na panloob niyang t-shirt sa kaniyang dibdib. Parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang matandaan.

"Ibaba mo ang baril mo! Tanggalin mo ang nakatakip sa mukha mo kung ayaw mong pumutok ang baril na ito diyan sa bungo mo!"

Hinigpitan ko pa ang paghawak sa aking baril. Sinasadya ko na ring kalabitin ang gatilyo nito baka kasi hindi siya sumunod. Pero nagkamali ako dahil ibinaba niya ang hawak niyang baril. Unti-unti niya ring tinanggal ang nakatakip sa kaniyang mukha at ibinaba ang hood.

"Ikaw?" gulat na gulat ako nang malaman kung sino ang taong iyon.

"Kumusta ka na?" nakangiti pa ang mokong. Of all people, bakit siya pa?

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako? Hindi ka pa ba nakuntento na pangalawa lang ako sa iyo ha?" naiinis ako nang mga oras na iyon pero nagpipigil lang ako dahil baka may suspek pang nakamasid sa amin.

"Hindi mo alam?" ngumiti na naman siya. Iyong ngiting unang nagpabilis ng aking puso noon. Pesteng Yawa!

"Alam ang alin?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Na ako ang isang kasama mo sa pagtuklas at pagresolba ng kasong ito. Hindi mo alam?" napaluwa naman ang mata ko sa gulat at inalala ang sinabi sa akin ni Chief nang kausapin niya ako noon sa kaniyang opisina.

"Yes. I almost forgot. There's another person na makakasama mong tuklasin ang misteryo ng kasong ito. Kung sino siya, nasa tabi-tabi lang siya. At mas gusto niyang hindi mo siya makikita. Kokontakin niya lamang ako kapag mayroon na siyang lead sa kaso. At this point of time, you have to do your best. Baka matalo ka pa niya. Ha-ha. I'm just kidding. Magpapakilala rin siya sa takdang panahon. Ayaw niya munang magpakita. Hanggang tawag o text lang siya. Ibinigay ko na rin ang numero mo upang makausap ka niya o maka-text kapag may kailangan siya sa iyo. That's all for now. Goodluck, Sha."

"A, ikaw pala iyon! So what? Of all people, ikaw pa talaga? Gusto mo na naman ba akong matalo ha?" naiirita na naman ako sa lalaking ito. Hindi ko alam pero bigla na namang bumilis ang pintig ng puso ko sa tuwing ngumingiti siya. Damn! That smile!

"Namumula ka na agad. If I know, hindi ka makatingin sa akin o mas magandang sabihin na hindi ka makaiwas sa mga ngiti ko dahil ito-- itong mga ngiting ito ang nagpa-ibig sa iyo. Tama ba?" ang kapal ng mukha. Maghunus-dili ka, ShaSha. Pigilan mo ang sarili mo.

"Asa ka pa!" at tinalikuran ko na siya. Muli kong pinuntahan ang nakahandusay na bangkay. Putol ang dalawang kamay niya. Tila nahuli ako sa pagdating dahil natutuyo na ang mga dugo nito. Ngunit ang ipinagtataka ko ay kung nasaan ang dalawang kamay nito.

"Siya na nga ang salarin pero nahuli na tayo ng dating. May pumaslang sa kaniya. Alam kong may nagmamasid pa sa atin ngayon," nang banggitin niya iyon ay may naramdaman akong parang may dumikit na matulis na bagay sa leeg ko. Napatingin din sa akin si T.J. pero maging siya ay may napansing parang kumagat sa kaniyang leeg.

Pareho naming kinapa ang aming mga leeg pero tila nanghihina ako. Nauna pang bumagsak at nawalan ng malay si T.J sa akin. Ako naman ay pilit na iminumulat ang mata hanggang sa marinig ko ang mga yabag na patungo sa akin at isang malakas na suntok sa mukha ang nagpatulog sa akin.

Itutuloy...

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now