The Address

1.3K 55 6
                                    

Unknown's POV

Bad trip! Masusundan ko na sana ang suspek pero nawala pa sa paningin ko!

Ngayon lang yata ako nakatagpo ng ganitong klaseng kaso na hindi ko matanto kung ano at sino ang killer. Lahat ng eksena sa pinangyarihan ng krimen ay inalisa ko nang maayos. Mula sa pamilyang pinaslang hanggang sa kanina lang na nangyari.

Masyado kasing madilim ang area na iyon kaya hindi ko makita ang talagang mukha ng suspek. Idagdag mo pa ang mascara nito sa mukha na mukhang x-ray ng isang mga daliri. Hindi masyadong matangkad. Puro itim ang kasuotan. May dalang patalim at ang patalim na ito ang nalaman ko na isang uri ng gunting bago ang krimeng naganap kanina.

Pinapasakit talaga ng suspek na ito ang ulo ko. Bakit kaya pinuputol nito ang mga daliri? At nawawala pa ang mga daliri ng mga biktima nito. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa mga daliri nila? Manikurista ba siya? Barbero? Karpintero? Estudyante? Bata? O baka naman...

Teka sandali, kailangan kong tingnan ang mga litrato. Ang unang biktima ay ang mag-asawa at ang yaya ng kanilang anak. Ang sabi sa report ay hindi nakita ang anak. At nakalagay pa roon na isa itong babae. Pero ang nakapagtataka ay matagal na ang kaso ng pinaslang na mag-asawa at ang yaya. Wala ni isang pamilya nito ang nakakaalam kung nasaan ang bata. Hindi kaya... Hindi maaari!

Kailangan ko pa ng matinding ebidensiya. Kung tutuusin ay bata ang nawala at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatagpuan. Muli kong sinuri ang petsa ng report na ito. At laking gulat ko na tatlong taon na pala ang nakararaan. Tatlong taon na rin ang nakalipas nang ma-dismiss ang kaso dahil wala na ang mismong pamilya ng mga biktima maging ang yaya ay wala na rin pala itong pamilya.

Kung ganoon ay nasaan ang bata? Nasaan ang anak ng mag-asawa? Posibleng homicide or ninakawan ang mga biktima pero walang sinabi sa report na nilooban ang mga ito. Putol lamang ang mga daliri at puno ng taga at saksak ang mga biktima. Nasaan ang batang iyon? Iyon ang kailangan kong tuklasin. Kailangan kong balikan ang lugar kung saan unang nangyari ang insidente. Malakas ang kutob ko na may makukuha akong lead doon maliban sa gunting na nakita ko bago ang huling krimeng nangyari kanina.

Kailangan kong puntahan ang address na ito : Kalye Liko-Liko numero 18, Catacutan Street, Janiuay, Iloilo City.

Tama nga yata si Bossing dahil mahirap ang kasong ito pero wala pa akong kasong hindi nareresolba at kailangan kong mahuli ang suspek. Ang mabuti pa ay magpahinga na muna ako dahil mahaba-habang biyahe yata ang lugar na pupuntahan ko.

ShaSha's POV

Kalye Liko-Liko numero 18, Catacutan Street, Janiuay, Iloilo City.

Ito ang address ng unang biktima. Kailangan kong puntahan ito. Tatlong taon na pala itong nangyari. Pero bakit ngayon lang ito binuksan ang kaso? Mayroon akong hindi maipaliwanag na kaba sa pangyayaring ito.

Nawawala ang bata sa unang krimeng nangyari sa Janiuay, Iloilo City. Ito ang anak ng mga biktima. At ito rin ang inaalagaan ng yaya na napaslang. Hindi posibleng wala akong makitang ebidensiya o kahit lead man lamang sa kung ano ang hitsura ng batang ito. Gunting pa lamang ang naibigay na lead sa akin matapos kung puntahan ang lugar kung saan naiwan ng suspek ang gunting. Sinunod ko ring puntahan ang sinabi sa akin ng unknown texter tungkol sa pinutulan din ng daliri na tatlong lalaki at isang babae.

Ang nakapagtataka ay kung sino ang nagpadala ng mensahe sa akin ng tungkol sa krimeng iyon. Napailing ako. Isang tao lang naman ang posibleng nakakaalam ng numero ko pero si Chief iyon. Mayroon pa bang nakakaalam ng numero ko? Hindi ko pa kasi napapalitan ang numero ko simula nang maghiwalay kami ni...

Erase!

Erase!

Erase!

Isa pang Erase! Hindi ko na siya puwedeng isipin. Siya lang naman ang una at first love ko. Ang mabuti pa ay mag-focus ako sa kasong ito. Sa akin ipinagkatiwala ni Chief ang kasong ito at sa isa pang tao na hindi ko alam kung sino. Kailangan ako ang unang maka-solve ng kasong ito. Kung sino man ang isa pang inatasan ni Chief ay kailangan ko siyang maunahan.

I am one of the best detective sa bansa at hindi ko puwedeng biguin si Chief. Wala pa akong nakilalang mas magaling o kapantay sa akin na detective.

Ang mabuti pa ay maghanda na ako para sa biyahe ko papuntang Janiuay. Ilang oras lang naman ang biyahe kaya hindi na ako mamo-mroblema. After all, kabisado ko ang mapa ng siyudad ng Iloilo pero never pa akong nakapunta sa Janiuay.

Makauwi na nga muna at magpahinga. Kailangan may makuha akong lead doon sa lugar na pupuntahan ko.

Killer's POV

Muntikan na ako doon a. Mabuti na lamang ay mabilis akong nakatago. Teka, ang mga daliri baka nahulog. Kinapa ko ang aking bulsa at nakahinga nang maluwag dahil kumpleto pa ang mga daliri ng mga biktima ko.

Binilang ko talaga ito dahil apat sila kasama ang babaeng pinaslang nila. Apatnapung daliri ang nakuha ko. Saktong-sakto ito sa tatlong araw o hindi kaya ay isang araw na ulam ko. Takam na takam na akong makauwi sa aking tirahan upang mailuto ko na ang mga ito. Tatlong putahe ang naiisip kong gawin kaya kailangan kong magmadaling makauwi nang mahugasan ko ito at mailagay sa pridyider ang iba.

Magpapahinga muna ako sa aking tirahang matagal ko ng hindi napupuntahan. Tatlong taon na rin ang nakalilipas mula nang maglayas ako at iniwan ang pamilya at yaya kong nag-aruga sa akin.

Ang saya-saya ko 'di ba? Biruin mo, naalala ko pa iyon? Nakakatawa! Kanta na lang muna ako ng paborito kong kantang Sampung mga Daliri. O 'di kaya ay ang Penpen de Sarapen.

Sampung mga Daliri
Putol ang isa.
Penpen de Sarapen,
De kutsilyo de armasen.
Putol ang pangalawa,
Pangatlo, pang-apat at panglima.
Haw haw de karabaw, batutin.

Humanda sa akin ang lalaking nakasaksi sa ginawa ko dahil aabangan ko talaga kung saan siya. Maganda ang mga daliri niya at mukhang gusting-gusto ko talagang maputol ang mga iyon. Kakanta na lang muna ulit ako.

Sampung mga Daliri
Putol ang isa.
Penpen de Sarapen,
De kutsilyo de armasen.
Putol ang pangalawa,
Pangatlo, pang-apat at panglima.
Haw haw de karabaw, batutin.

SAMPUNG MGA DALIRIWhere stories live. Discover now