Prologo

980 45 1
                                    

Ilang taon ko ring hinintay ang pagkakataong ito.

Ilang bayan na rin ang tinahak ko upang matagpuan ang taong kumitil sa buhay ng mga magulang ko.

At heto ako ngayon, natagpuan ko na ang pakay ko.

Handang-handa na rin ang sarili ko upang paslangin siya. Ito ang nararapat sa kaniya. Marami na siyang napaslang. Hindi ko na hahayaang may mapatay pa siyang muli.

Kaya naman ay ako na mismo ang gumawa ng paraan upang ipaalam sa kinauukulan ang kinaroroonan niya. Pero ang lokasyon lamang ang naisiwalat ko. Gusto kong ako ang papatay sa kaniya.

Gusto kong sa aking mga kamay ko siya mapapaslang!

Nandito na ako ngayon sa labas ng lumang bahay na kinatitirikan ng pumatay sa aking magulang. Hihintayin ko na lamang na sumapit ang dilim nang sa ganoon ay maisagawa ko ang plano ko.

Pumunta muna ako sa bayan upang bumili ng pagkain. Inaliw ko muna ang sarili ko sa mga nakikita ko sa paligid. Hindi ako mamamatay-tao pero dahil sa pangyayaring iyon na ako mismo ang nakatuklas ay hindi na mawaglit iyon sa aking isipan.

Naalala kong takbo ako nang takbo sa pag-aakalang susundan ako ng pumaslang sa aking magulang. Hindi pala! Kaya bumalik ako doon sa lugar kung saan nakahandusay ang kanilang katawan. At kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano niya pagtagain, saksakin ay putulan ng mga daliri ang mahal ko sa buhay.

Wala akong nagawa nang mga oras na iyon. Ako ay isang hamak na tinedyer lamang at alam kong masama ang pumatay. Nanatili lang akong nakamasid sa killer na iyon hanggang sa umalis na siya. Naibulsa niya ang mga daliri ng aking magulang. Pero bago niya lisanin ang bangkay ng aking magulang ay tinanggal niya ang maskara sa kaniyang mukha.

Nagulat ako nang maaninag ko sa kabilugan ng buwan ang kaniyang mukha. Kasing edad ko labg din siya pero bakit niya ginawa iyon? Bakit siya pumapaslang sa mga walang kasalanan sa kaniya? Walang naging kaaway ang aking magulang. Wala silang kasalanan. Bakit niya nagawa iyon?

Sinadya ko siyang sundan pero mabilis siyang nawala sa aking paningin at hindi ko na siya nahagilap mula noon. Nang balikan ko naman ang mga labi ng aking magulang ay nadatnan kung isinakay na sila sa ambulansiya at dinala sa morgue.

Halos mawalan ako nang ulirat noon at hindi alam ang gagawin. Subalit, nagpakatatag ako! Naging matapang ako! Kahit ako ay tinedyer lamang ay magagawa ko rin ang ginawa niya.

Pero siya lang. Siya lang talaga ang papatayin ko! Gagawin ko rin ang ginawa niya sa aking magulang. O baka sobra pa ang magawa ko sa kaniya.

Magtutuos kami!

Ipalalasap ko sa kaniya ang pakiramdam ng isang nawalan sa buhay!

At malapit na! Ilang oras na lang!

Matitikman mo na ang galit sa aking puso!

Sisiguraduhin kong patay ka na bago pa dumating ang kinauukulang matagal nang naghahanap sa iyo!

SAMPUNG MGA DALIRIحيث تعيش القصص. اكتشف الآن