MNYOD [Chapter 5]

81.7K 1.3K 164
                                    

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 5 – HIS new Project Partner



"Good morning sir. Pinatawag niyo daw po ako?"


"Ahh, yes. Remember the project I gave you last month?"


"Yung resort sir?" sabi ni Drei habang umuupo sa upuan katapat ng sa Head Commissioning Engineer nila.


"Yes, that's it. Well, so far it has gotten a good remark. Nagustuhan ng mga investors ang naging outcome ng report mo. And I congratulate you for that."


Maraming effort rin ang ibinuhos ni Drei sa project na yun kung kaya't nagpapasalamat siya at nagustuhan ng mga investors ang naging resulta ng gawa niya. 


"Thank you sir."


"Now since the outcome was good, napagdesisyunan nilang ikaw na ang kukunin nilang engineer for this project. Pero this time, iba na ang architect na makakasama mo."


"That's fine with me sir pero ano pong nangyari kay Luz?" 


Si Luz Asuzena kasi ang napag-usapang makakasama niya sa project na ito. Kung kaya't nagtataka siya kung bakit ito napalitan samantalang si Luz ang isa sa pinakamagaling na architect sa department nila.


"Well, Mrs. Asuzena is pregnant at napakamaselan daw ng pagbubuntis niya kaya pinalitan na siya sa project. I think lalaki ang papalit sa kanya and he'll be here any minute now."


Naputol ang pag-uusap nila nang may biglang kumatok sa pintuan. Si Sheena lang pala, ang sekretarya ng HCE nila


"Sir, nandito na po yung pinadala ng architectural department."


"Ahh yes, papasukin mo siya." Sabi ng HCE habang kinukuha ang folder ng project na kinabibilangan ni Drei.


"Now Drei, dito sa ginawa mong report, I think na mas magandang lagyan mo pa siya dito ng –" 


Biglang tumunog ang cellphone ni Drei. Nang tingnan nito ang caller ID ay ang anak pala nitong si Andy.


"Sandali lang sir, tumatawag po kasi ang anak ko." 


My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now