MNYOD [Chapter 35]

56.8K 964 108
                                    

Pansin niyo ba guys? I posted 3 chapters today. Kasi nga DI AKO MAKAKAPAG-UPDATE BUKAS. Di naman sa ayaw ko kaso wala na akong time mag-update. My brother has a game kasi tomorrow. And as a supportive sister, syempre manunuod ako. Di ako pwedeng magpalampas ni isang game niya. Magtatampo yun kung di ako pupunta. Hapon pa naman ang game niya pero pupunta kasi ako sa school in the morning para magpasa ng action plan namin. So pasensya na talaga guys. Cheer up okay? Tutal, nilubos-lubos ko naman siya ngayon eh. :)

***

Dedicated nga pala ito kay kathnielisforever27. Nakahabol po siya sa story ko within two days. Grabe effort niya. And for that, thank you Mitzi! Sana nagustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*  

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 35 – Ice Cream



 [DREI's POV]


"Drei, ice cream oh!" Turo ni Rhian sa isang ice cream parlor. "Libre mo naman ako."


Kahit kalian talaga, di pinapalampas ang ice cream. "Kaw talaga. Di ka pa rin nagbabago."


Pumasok na kaming dalawa sa loob. Di naman sa ayaw namin umupo sa isang table. Pero mas minabuti naman na sa counter nalang umupo.


"Miss, dalawang ice cream nga po."


Lumingon ang babae at ngumiti samin. Samin o sakin? HAHAHA. "Flavor po?"


"Strawberry." Sabay pa namin sinabi ni Rhian yun. Di pa rin pala siya nagbabago.


Inasikaso naman agad ng babae ang order namin. "Here's you ice cream sir. Enjoy your order."


"Ganun pa rin pala paborito mo?" tanong ko sa kanya.


"Kaw nga eh. Strawberry pa rin pala."


"Paborito nga diba?"


"Eh kasi naman, ke lalaki mong tao, tapus strawberry."


Favorite kasi talaga naming dalawa ni Rhian ang strawberry ice cream. At ngayon, favorite na rin ni Andy. Syempre, nagmana saming dalawa.


"Ano naman masama dun? Dati naman gustong-gusto mo pa nga yun diba? Kasi may karamay ka."

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Onde histórias criam vida. Descubra agora