Author's Note and Softcopies Announcement

42.8K 545 81
                                    

FOR SOFTCOPIES . . . PLEASE KEEP ON READING. (>_<)

Hello guys! So eto na nga, tapos na ang story ko na My Nineteen-Year-Old Daddy. Grabe, ilang buwan ko ba sinulat to? Mga 5 months rin yata. Bileeb! Grabe pala. Di ko aakalain na hahantung na ako sa puntong to na di ko na aalahanin pa ang mga updates na hinihingi niyo.

Grabe, nung nagsisimula pa lang ako, parang okay, fine. Basta lang makasulat ako, okay na. Di ko talaga makakalimutan yung first time na may nag-comment sa story ko. Tapos sabi niya, ang ganda daw tapos ipagpatuloy ko daw. Waaaaa! As in, umiyak ako nun. Kasi, may naka-appreciate sa story ko. Kasi parang libangan ko lang to dati tapos dahil pala dito ay napapasaya na ako. Grabe, sarap sa feeling.

Di nagtagal, lumaki pa yung reads ko. Nung umabot g 100K, parang sinabi ko na ang laking blessing na nun sakin. Pero tingnan mo ngayon, 700K na siya. Bileeeeeb! Dami ko na ngang fans eh. Sobrang dami ng nakaka-appreciate sa mga stories ko. Kaya super happy talaga ako. And at the same time, thankful rin sa inyong lahat.

Grabe, mamimiss ko yung mga kakulitan niyo. Yung mga pagka-atat niyo na mag-update na ako. I'll miss you all. At ngayon na tapos na nga ang gawa kong to, sana supurtahan nito ang iba ko pang mga gawa.

Nga pala, may iba pa ang stories entitled ANG SEATMATE KONG MANHID. Actually, light lang yung theme niya. Kasi high school life eh. Siguro medyo cliche na siya pero true-to-life kasi siya kaya sinusulat ko pa rin.

Meron rin pong Side Story ang MNYOD. Ang title po niya ay MY NINETEEN-DAYS-DEAL WITH A JERK featuring the ANNAEL loveteam. Dito niyo po makikita ang lahat ng side ni Honey Angelica Suarez o mas kilalang Anne na pinsan ni Drei at bestfriend ni Rhian.

At syempre, ang pinaka-hihintay niyong lahat, ang Book 2 ng MNYOD. Yes, meron pong Book 2 ang My Nineteen-Year-Old Daddy. It's entitled IKAW PA RIN. Ito po ang istorya ng anak nina Drei at Rhian na si Andy at ng kanyang ex-boyfriend turned to bestfriend na si Christian.

Sa mga humihingi ng SOFT COPIES, di ko pa po natatapos i-proofread yung MNYOD. Aminado naman kasi ako na madaming errors eh. Kaya maghintay nalang po kayo. Promise, I'll update you as soon as natapos ko na talaga ang pag-eedit.

Again, sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa story ko na My Nineteen-Year-Old Daddy, THANK YOU VERY VERY MUCH! I LOVE YOU ALL. MWAH MWAH. :*

iHeartCMU officially closes My Nineteen-Year-Old Daddy.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

SEE YOU SA SEQUEL entitled IKAW PA RIN! :)))))

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now