Dedicated nga pala ang chapter na ito kay iloveKathNielforever. Birthday niya daw sa saturday at ito ang kanyang birthday wish. Pasensya ka na kung ito lang kaya kong i-regalo sayo ha? Anyway, advance happy birthday. May you have more birthdays to come. God bless! :D
***
This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
My Nineteen-Year-Old Daddy
Written by: iHeartCMU
All Rights Reserved | 2012
***
EPILOGUE [Part One]
*Wang wang wang wang wang wang wang*
“Makikiraan po. Excuse me. Makikiraan.”
“Andito na ang rescue team!” sigaw bigla ng isa.
”Mawalang-galang po. Isasakay na po namin siya sa ambulansya.” Paalam ng mga taga-rescue team habang inaalalayan ang natamaan patungo sa ambulansya.
“Huwag kang bumitiw.” Sabi niya habang hawak-hawak ang kamay niya. “Wag na wag kang bibitiw.”
“Sino po bang sasama samin sa loob?”
“Siya po.” Turo ng isa. “Siya po yung sasama.”
“Halina po kayo. Kailangan na po nating magmadali papuntang ospital.”
Nag-alangan siya bago sumakay sa ambulansya. Inaalala niya rin kasi ang mga taong kasama niya lalo na ang taong may kasalanan ng lahat ng ito. Ngunit pinagsawalang-bahala na iyon ng kanyang mga kasama. Ang kailangan ay maagapan agad ang isinakay sa ambulansya. Kailangan nitong mabuhay.
“Huwag kang mag-alala. Kami ng bahala.” Sabi nila.
“Halina po kayo.” At inakay na nga siya upang sumama papuntang ospital.
YOU ARE READING
My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]
Teen FictionSa murang edad pa lamang ni Drei na NINETEEN ay meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Andy. Maituturing na masaya na siya sa buhay niya ngayon kasama ng anak niya. Pero paano kung may isang taong magbalik mula sa nakaraan niya? How will...