Dedicated nga pala ito kay Princesssimple09 dahil nag-eeffort talaga siyang mag-vote sa mga chapters ng MNYOD. Thank you talaga. Mwah mwah. :*
***
This is an original story.
People, places or events that are similar to others are purely coincidental.
All of the matters written and shall be written are all fictional.
My Nineteen-Year-Old Daddy
Written by: CaraMariaUna
All Rights Reserved | 2012
***
Chapter 9 – HER Boyfriend
Kakagaling lang ni Yanna sa CR. Ngunit nagulat siya sa nakita ng pumasok ito sa opisina. Naroon pala ang boyfriend nitong si Henry.
"Babe? What are you doing here?"
"Sinusundo kita of course. Your mom told me to fetch you early."
Nagtataka si Yanna. Bakit naman siya sinusundo ni Henry samantalang maaga pa at hindi naman ito ang usual na oras na sinusundo siya ng binata.
"What? Bakit daw?"
"Family Dinner."
Yeah, right. The last thing na gusto ni Yanna ay ang magkaroon ng Family Dinner. Siguro kasi, ayaw niyang makita ang ama niya. Di nga maintindihan ni Yanna kung bakit nauso ang family dinner sa pamilya nila samantalang hindi naman nila ito dati ginagawa.
"Ahem." Pagsingit naman ni Drei.
Mukha kasing nakalimutan na ng dalawa ang presensya nito. Bigla naman naalala ni Yanna na lang nga pala sila ni Henry ang nasa loob ng opisina.
"Ahh, nga pala babe, this is Drei. Kasama siya sa project."
"Henry pare." Sabay abot ng kamay ni Henry para kamayan si Drei. "Salamat nga pala sa pagtiyatiyaga sa girlfriend ko."
"Babe!" Siniko ni Yanna si Henry. Nahihiya kasi ito sa mga pinagsasasabi ng binata tungkol sa kanya.
"What? Ganyan talaga yan pare. Medyo masumpungin paminsan-minsan. Suplada pa. Pagtiyagaan mo nalang." Pagbibiro ni Henry. Natutuwa kasi ito sa tuwing iniinis niya si Yanna.
"Haha. Oo nga pare. Supladang-supalada yang si Yanna. But I can still take it." Tatawa-tawa pang sabi ni Drei dahil na rin sa mga pinagsasasabi ng binata.
Bigla naming tumunog ang telepono ni Drei. Tumatawag pala ang anak nitong si Andy.
BINABASA MO ANG
My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]
Teen FictionSa murang edad pa lamang ni Drei na NINETEEN ay meron na siyang apat na taong gulang na anak na si Andy. Maituturing na masaya na siya sa buhay niya ngayon kasama ng anak niya. Pero paano kung may isang taong magbalik mula sa nakaraan niya? How will...