MNYOD [Chapter 49]

52K 908 234
                                    

Dedicated nga pala ang chapter na ito kay imajinis. Hello! Eto na ang dedication ko for you. Sana magustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: iHeartCMU

All Right Reserved | 2012

***

Chapter 49 – Strike Two

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Teka, ba’t ang dilim? Ba’t wala akong makita? Nasan ako? Anong nangyayari?

“Arrrrrmmmmm!”

Oo, may takip ang bibig ko. At nakatali ang mga kamay ko at mga paa ko. Ano ba talagang nangyayari? Bakit ano nasa sitwasyong ito? Tulong! Tulong! “Arrrrmmm!”

Natinag ako nang may narinig akong ingay. Ingay na nagmumula sa isang pinto na kabubukas lamang. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. At rinig na rinig ko ang mga yabag ng isang taong papalapit sa akin.

“Long time no see Yanna.“

Sinubukan kong magsalita pero walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi ang katagang “Arrrmmm!”

“HAHAHA. Di ka nga pala nakapagsasalita.” Sabi niya.

“Here, let me help you.” At tinanggal niya ang nakatakip sa bibig ko. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang tinanggal ang piring sa mga mata ko.

Nung una, nasisilaw ako sa biglaang liwanag na naaninag ko. Pero kalaunan ay nakita ko na ang mukha ng taong pinakamumuhian ko.

“Jake?”

“Ako nga Yanna. Oh, Rhian ka na nga pala ngayon.” Sabi niya at nginitian pa ako.

“Walang hiya ka Jake!” Sinubukan ko siyang sugurin pero nakatali nga pala ang mga kamay at paa ko. “Pakawalan mo ko dito! Walang hiya ka!”

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon