MNYOD [Chapter 17]

71.7K 1K 87
                                    

Dedicated ito kay imnotaperfect. Hey there! Eto na ang pinangako kong dedication. Alam ko na avid reader ka talaga ng MNYOD kaya nagpapasalamat talaga ako. Kaya naman, thank you thank you thank you. Anyway, keep on supporting MNYOD. Love you. Mwah mwah. :*

*

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 17 – Hidden Desire



>>FLASHBACK<<


Naglalakad si Gela ng mga panahon na yun ng bigla nalang siyang higitin ni Henry sa braso. Siyempre nagtataka siya pero imbis na sagutin siya ni Henry ay tinakpan na lamang nito ang mga mata niya at tila dinadala sa isang lugar.


"SURPRISE!"


Pagmulat niya ay nabigla siya sa kanyang nakita. Ang daming balloons. May cake at samut-saring mga pagkain. Tapos may malaking tarpaulin na ang nakalagay ay "Happy 3rd Anniversary babe! I love you Angela. From: Henry"


"Haaaaa. WOW!"


"Happy Anniversary Babe!"


"Wow babe. I-I don't know what to say."


Totoo naman kasi. Wala siyang masabi. Di niya akalain na paghahandaan talaga ni Henry ang 3rd Anniversary nila. Kadalasan kasi sa mga lalaki ay magaling lamang ito sa 1st Anniversary nila at tila nanlalamig na sa mga susunod pa.


"You don't have to."


"Babe, thank you for this. Happy Anniversary." Pagkatapos nun ay sabay na nagdampi ang kanilang mga labi na siyang simbolo ng kanilang pagmamahalan.


"Wala yun. Mahal kita eh."


"I love you too babe." 


Kumain na lamang ang dalawa at tila nilalasap ang bawat sandali na sila'y magkasama.


"Eh babe, hayaan mo sa susunod ako naman ang maghahanda." Sabi ni Gela kay Henry habang hawak-hawak ang kamay nito.


"Talaga lang babe ha. Aasahan ko yan."


Ibang-iba si Henry. Yun na lamang ang naisip ni Gela. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili nito dahil ramdam niya ang pagmamahal ng binata sa kanya.

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now