MNYOD [Chapter 53]

48.5K 695 91
                                    

Nga po pala, pakibasa niyo yung HE'S MY PARTNER? ni Shashabells. Ka-collaboration ko po siya actually sa MY NINETEEN-DAYS-DEAL WITH A JERK. Yan po yung Side Story ng MNYOD na pagtutuunan ko naman ng pansin after kong matapos ang MNYOD. Hihi.

***

Dedicated nga pala ang chapter na ito kay yelliesamar. Hello! Eto na ang dedication ko for you. Sorry kung medyo natagalan. Sana magustuhan mo ang update ko. Keep on supporting MNYOD. Thanks! Love you. Mwah mwah. :*

***

Yan po yung collage ng mga upcoming stories ko. Ano sa tingin niyo ang isusunod ko after kong matapos ang MNYOD? :D               --------------->

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: iHeartCMU

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 53 – Avoidance

 [DREI’s POV]

 

 

“Kuia, di mo ba sasagutin yang cellphone mo?”

 

 

Di ko pinansin ang sinabi ng pinsan ko. Alam ko naman eh. Alam kong may tumatawag pero di ko sinasagot. Alam ko kasing si Yanna ang kanina pa tumatawag.

“Kuia, baka importante.” Sabi niya ulit.

“Ano ba naman yan. Ako na nga lang sasagot.” At kinuha na niya ang cellphone ko na nasa mesa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

“Oh, si Yan – “

 

 

Di ko na pinatapos pa ang pinsan ko. Agad akong tumayo at humakbang patungo sa kwarto ko. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Dahil baka masagot ko ang tawag ng wala sa oras.

“Oi kuia, teka, san ka pupunta? Di mo ba to sasagutin?”

 

 

Huminto ako pagkabukas ko sa pinto ng kwarto ko. “Sabihin mo, wala ako Angelica.”

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن