MNYOD [Chapter 10]

72.8K 1.1K 119
                                    

Dedicated nga pala ito kay bimmymonsterr. Oh my sis! Pinalitan mo na username mo? I like it. Di na name mo. Hahaha. Tinago-tago ko pa naman tong account na to para di mo mabasa story ko. Yun pala, nakita mo rin. Addict ka talaga! Kaya love na love kita! Hahaha. Love ya sis! Mwah mwah :*

***

This is an original story.

People, places or events that are similar to others are purely coincidental.

All of the matters written and shall be written are all fictional.

My Nineteen-Year-Old Daddy

Written by: CaraMariaUna

All Rights Reserved | 2012

***

Chapter 10 – I love you



"Manong, wala pa bang bibilis diyan?"


"Naku maam, traffic po kasi talaga."


"Wala po ba kayong alam na shortcut?"


"Wala po eh."


"Nagmamadali pa naman ako manong."


"Pasensya na po talaga kayo maam."


Ang puteek naman oh! Ba't ba naman kasi nauso pa ang traffic? Eto pa ako, nakasakay sa taxi. Kung bakit ba naman kasi na ngayon pa talaga nasira ang kotse ko kung kelan ako may hahabuling flight. Hindi ko hahayaang totohanin ni Henry ang mga sinasabi niya. Mahalaga siya sa akin at di ko na kakayanin pang iwan ako ulit ng taong mahal ko. Oo, mahal ko na siya. Kaya naman hindi ako papayag na maghiwalay kaming dalawa.


"Maam, andito na po tayo."


"Naku, salamat po manong."


Dali-dali namang nagtatatakbu si Yanna. Nakapagpasabi na kasi siya kanina pa na i-hold muna ang flight ni Henry. 


"I'm Brianna Angelica Santos, daughter of Bernard Santos. Ako yung nagpasabi kanina."


"Naku. Pasensya na po kayo maam. Kaaalis lang po talaga ng eroplano papuntang France. Actually, dinelay na nga po namin ng mga 10 minutes pero naantala na din po kasi yung ibang mga flights kaya pinaalis na po talaga. Pasensya na po talaga kayo."


"No. Henry . . ."


Di alam ni Yanna kung paano niya nagawang maglakad gayong wala naman siya sa kanyang sarili. Di na lang niya namalayan na nakarating na pala siya sa opisina. Wala man siya sa sarili at labis pa rin ang kalungkutan ay alam niyang kailangan niya pa ring magtrabaho.


"Maam, eto na po yung mga papers na pina-print niyo. Nga po pala Maam Rhian, pinapasabi po sa inyo si Sir Drei na pupunta raw po siya dito. Di niyo raw po kasi sinasagot mga tawag niya. Urgent matter daw po regarding dun sa construction site."

My Nineteen-Year-Old Daddy - [Finished]Where stories live. Discover now